CHAPTER 1 - HALLUCINATION

59 2 0
                                    

HALLUCINATION.


PANAY  IRAP lang sa hangin ang ginawa ni Quincy habang nag uusap ang manager nila at director ng palabas. Ayaw niya itong gawin dahil mas gusto niyang umuwe sa province ng kanyang lolo. Nakaupo siya habang nakatingin sa ibang mga cast.
Marami siyang makakasamang mga luma at magagaling na actor. Kinakabahan siya pero hindi niya pinahalata dahil ayaw ng kanyang ina na makita ng ibang tao ang kanyang kahinaan.

Pagkatapos ng meeting agad silang nagtungo ng kanyang ina sa kwartong inuukopa nila. Nasa ibang bansa ang kanyang ama at nakakapagpahinga lamang siya kapag nasa pilipinas ito.
"Bukas na mag start ang shooting. Here memorize it."

Hindi pa siya nakasagot agad na itong umalis at naiwan siyang nakatingin sa salamin. Habang pinagmasdan niya ang kanyang itsura sa salamin. Maganda siya kaya siguro madali siyang nakuha sa mga endorsement at iba pa. Pero hindi niya kayang pigilin ang sinasabi ng kanyang utak.

Sana si Erin nalang ako, o di kaya si Maristle. Sana hindi nalang si mom ang naging nanay ko.

Shet! she's your mother. What the f are you thinking?

Agad siyang umiling iling at sakto naman pumasok ang kanyang ina. "Pwede bang huwag na natin tanggapin ito?"

Umupo ang kanyang ina at humarap sa kanya. "What do you mean?"

Huminga siya ng malalim. "Can't we just rest and relax?"
"Quincy. Your dad is coming this month, limang buwan karin mapapahinga." Saad nito at wala nang nagawa si Quincy kundi gawin ang pinermahan ng kanyang ina.

PAGOD na ibinagsak ni Quincy ang katawan sa higaan pag uwe nila. Pagod siya physically, mentally at emotionally. Gusto niyang umalis muna at lumayo. Mabilis natapos ang kanyang trabaho dahil pinatay siya ng director. Laking pasasalamat naman niya dahil makakapagpahinga siya. Pero dahil masyadong raketera ang kanyang ina, may guesting na naman siya.

Kinabukasan ay maaga syang nagising dahil may guesting nga siya. Nauna na ang kanyang ina at pinasunod lamang siya. Agad niyang kinuha ang maliit na bag at sumakay ng taxi.

"Is this true miss. Quin na magiging ka love team mo si Simon?" Agad Kumunot ang noo ni quincy sa narinig. Tiningnan niya ang kanyang ina sa gilid na panay ngiti. Kung hindi lang talaga live ito, baka nanapak na siya. Peke siyang ngumiti at tumingin sa camera.

" Hindi pa naman ho official ts-... "Pinutol ng host ang sasabihin niya. Ito talaga ang pinaka ayaw niya sa lahat. Once na nagsasalita siya gusto niyang patapusin muna siya.

" So it's true? "Tanong nito.

" Not official pa nga diba? Nakikinig kaba? Tsaka sympre, uno ka sa balita diba? Malalaman mo rin yan. "Inis niyang wika at napanganga nalang ang nag. Interview sa kanya at nakita niya ang dissapointed na looks ng kanyang ina.

After ng interview agad na lumabas si Quincy at hindi na hinintay ang kanyang ina. Mayamaya lang ay narinig niya na binagsak ng kanyang ina ang mga gamit nito.

"What's that?" Tanong nito at patay malisya siyang tumingin sa kanyang ina.

"My answer." Inosente niyang sagot.

"You make a scene Quincy! Sinabihan na kita diba? Habaan mo ang pansenya mo kapag nasa guesting ka." Ramdam ni Quincy ang inis ng kanyang ina na abot hanggang sa rooftop.

"Nakakainis kase siya." Sagot ni Quincy at nagligpit na ang kanyang ina.

"Maaga ang flight natin tomorrow, you ready yourself." Pagka sabi nito ay agad itong lumabas at sumunod nalang siya hanggang makasakay sila ng sasakyan.
Walang imikan silang dalawa, naiinis din si Quincy kaya pantay lang sila. Excited siyang nagligpit ng mga gamit.

Past Present Future #4- Ongoing Where stories live. Discover now