Chapter 13

5.7K 103 1
                                    


NAPAMULAT si Althea nang maramdaman niyang parang lumulutang siya sa ere. Pagdilat niya ay mukha ni Hubert ang bumungad sa kanya. Nakalutang nga siya dahil karga-karga siya nito.

"N-nasaan tayo?" nahihilo pa ring tanong niya.

"Dinala kita rito sa unit ko," sagot nito. "Dito ka na muna magpalipas ng gabi. Bukas ka na lang umuwi."

"Pero—"

"Althea, magpahinga ka na lang dito," maagap na sabi nito.

Wala na nga siyang nagawa. Bukod sa nahihilo siya ay alam niyang malabo talagang makauwi pa siya. Kapag inihatid uli siya nito sa bahay, kailangan niyang gisingin ang mga kasambahay niya. Malalaman ni Lawrence na si Hubert ang kasama niya. Kapag sinabi naman niya kay Hubert na uuwi siyang mag-isa, tiyak na hindi ito papayag.

Marahang ibinaba siya nito sa kama. "Magpahinga ka na. Mag-iinit lang ako ng tubig." Pagkatapos siyang kumutan ay lumabas na ito ng silid.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Ilang sandali pa lang siyang nakakaidlip nang muli siyang magising. Naramdaman kasi niyang may mainit na bagay na nasa kanyang mukha. Namulatan niya si Hubert na pinupunasan siya ng maligamgam na bimpo.

"Hubert..." paungol na sabi niya.

"Sshh. Matulog ka na uli."

Nakatitig lang siya rito habang pinupunasan siya nito sa braso. Nagbalik sa alaala niya ang nangyari noong gabing bago ito umalis walong taon na ang nakararaan.

"I'm sorry," mahinang sabi niya.

Tumingin ito sa kanya. "Sorry?"

"Sorry. Hindi ko ginustong saktan ka. Hindi ko ginustong umabot sa ganito ang lahat. Dapat sinabi ko na sa iyo ang—"

Inilagay ni Hubert ang dalawang daliri sa ibabaw ng kanyang mga labi. "Huwag na nating pag-usapan iyon, Althea. Katulad nga ng sinabi mo noon, hindi na iyon mahalaga. Ang ngayon ang mahalaga."

Naghinang ang kanilang mga mata, dahilan upang bumilis ang pintig ng puso niya.

Dahan-dahang bumaba ang mukha nito palapit sa kanyang mukha. Ilang sandali pa ay magkalapat na ang kanilang mga labi.

May isang bahagi na naman sa kanyang utak ang gustong pigilan ang nagaganap. Pero mas malakas ang impluwensiya ng kanyang puso nang mga sandaling iyon.

Ikinawit niya ang mga kamay sa batok nito. Niyakap naman siya nito.

Itigil mo na ang kahibangang ito habang kaya mo pa, Althea. May lakas ka pang tanggihan siya, anang isip niya.

Ngunit naging bingi ang kanyang puso. Kay tagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon, pinangarap na muling makapiling ito.

Alam niyang mali ang nangyayari, pero paano niya pipigilan ang sarili?

Pumasok sa isip niya si Danielle. Ngunit agad din niyang iwinaksi iyon. Ngayong gabing ito lang. Gusto ko lang maging maligaya kahit sandali. Pagkatapos nito, tuluyan ko nang kalilimutan si Hubert.

Tuluyan na siyang nagpaubaya sa nararamdaman. Kahit sa huling pagkakataon man lang ay maging maligaya siya sa piling ng lalaking pinakamamahal niya.

Ilang sandali pa ay tuluyan nang naalis ang mga saplot nila sa katawan. Ramdam niya ang bigat ni Hubert sa ibabaw niya. Patuloy ito sa paghalik sa kanya at buong puso namang tinugon niya iyon.

Malayang naglakbay ang mga kamay nila sa kahubaran ng bawat isa. Halos bumaon ang mga daliri niya sa likod nito nang makarating ang kamay nito sa isang kaumbukan ng kanyang dibdib.

"Althea..." anas nito.

Bawat haplos nito sa kanyang balat ay nag-iiwan ng kakaibang init. Naglandas ang mga labi nito pababa sa kanyang leeg, patungo sa kanyang dibdib.

Napasinghap siya nang sakupin ng bibig nito ang kaliwang dibdib niya. Napahigpit ang kapit niya sa unan na nahahawakan niya.

Naramdaman niya ang isang kamay nito na gumagapang pataas sa pagitan ng kanyang mga hita. Napaigtad siya nang makarating ang kamay nito sa pakay.

"I want you so much, Althea," bulong nito sa kanya.

Mariing ipinikit niya ang mga mata. I want you more than you want me, Hubert.

Muli siyang hinalikan nito sa mga labi. Pakiramdam niya ay matutupok siya sa init na bumabalot sa buong katawan niya.

Marahang pinaghiwalay nito ang kanyang mga hita. Muling nagkahinang ang kanilang mga mata, kapwa nila binabasa ang damdamin ng bawat isa.

"Althea..." sambit nito sa pangalan niya bago tuluyang pinag-isa ang kanilang mga katawan.

Lalong humigpit ang pagkakayakap niya rito. "H-Hubert..."

Dahan-dahang kumilos ito sa ibabaw niya. Sandali lang at nasabayan na rin niya ang mga galaw nito. Sabay nilang narating ang sukdulan. Hinagkan nito ang tungki ng kanyang ilong bago ito humiga sa tabi niya.

Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. At may ngiti sa mga labing nakatulog siya.

UNANG nagising si Althea. Nang maalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Hubert nang nagdaang gabi ay magkahalong lungkot at saya ang naramdaman niya.

Tinitigan niya ang natutulog na binata.

Masaya siya dahil kahit paano ay muli niyang nakasama ito. Pero alam niyang pagkatapos niyon ay tuluyan na ring mawawala ito sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Hubert. Salamat sa bagong alaala na babaunin ko sa aking pag-iisa," naluluhang sabi niya.

Tumayo siya at pinulot ang kanyang mga damit sa ibaba ng kama. Tahimik siyang nagbihis. Sinikap niyang huwag gumawa ng ingay upang hindi ito magising.

Pagkatapos ay naghanap siya ng ball pen at papel na masusulatan. Inilagay niya ang ginawang sulat sa ibabaw ng maliit na mesang naroon.

Muli niyang pinagmasdan ang binata. "Bye, Hubert. Sana ay maging masaya ka sa piling ni Danielle."

A Promise of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon