CHAPTER 12

299 5 0
                                    

First Day of School


Matagal tagal na rin ang nakalilipas ng maikasal kami ni Min. Kaya heto ako ngayon. Kagigising ko lang. Agad akong naghilamos at nagmumog at saka bumaba para mag-umagahan. Agad ko naman naabutan si Min na nasa harap ng hapag-kainan habang nagbabasa ng balita sa dyaryo. Bumaling sya sa gawi ko at agad na ibinalik ang tuon sa binabasa.

"Good morning, Kate!". Ngiting bati ni Nanay Nena.

"Magandang umaga rin po!" Ngiting tugon ko rito. Umupo ako sa harap ni Min at nagsimula na akong maglagay ng pagkain sa plato ko. Dalawa lang kami ni Min kumakain kasi wala si Mom Leanne. Nasa Japan, para sa bussiness trip. Medyo matatagalan daw sya dun. Kaya pinahahabilin nya sakin si Min. Kaya agad naman akong umo-o kay Mom Leanne.

"Eat your breakfast, faster! I don't wanna be late. Because it's first day of school." Turan nito sakin ng hindi man lang tumitingin sakin. Binilisan ko na lamang ang pagkain ko. Baka sumabog na naman 'tong si Min. Naka-uniform na kasi sya. Infairness, bagay sa kanya. Halatang-halata sa uniform nya ang matipuno nyang katawan. Bakat din ang abs nya. 8 pack yun. Ay landi!

"Woman, your drooling!" Mapang -asar na ngiti nya sakin.

"Di wow, Min! Maya ka lang sakin. Babawi ako mamaya. Lagot ka sakin." Pagbabanta ko sa kanya at agad akong tumayo papuntang kwarto,tapos na kasi akong kumain.

Axel's POV

Kasalukuyan akong naghihintay sa babaeng yun. Ang tagal nya! Ayoko pa naman na ma-late. Ganun ba sya kabagal kumilos. Pinikit ko muna ang mga mata ko. Maya-maya ay may biglang nagsalita.

"Tara na, Min!". What the hell. Bakit yan ang suot nya. Hindi naman P.E day. Ang kulit talaga nito. Papalapit na sya sa gawi ko.

"Tara na, tumayo ka na dyan!." Utos nya sakin.

"Hindi pwede. Palitan mo yan! First day na First day, yan ang suot mo! Suotin mo yung school uniform!" Utos ko rin sa kanya. Nakaka-init sya ng ulo.

"Ang igsi kaya nun. Hindi na lang sila nagsabi na pwede na mag-bikini dun!". Turan nito sakin. Ang kulit!. Dahil ayaw nyang sumunod. Binuhat ko sya na parang sako habang hinahampas nya pa ang likod ko. Mabilis ko namang natungo ang kwarto nya. Agad ko itong ino-pen at agad ko syang binaba. Marahan ko naman syang itinulak papasok para magpalit. Pagkapasok nya, ay agad kong sinara ang pinto.

Kate's POV

Andito ako ngayon sa kwarto. Pinapapalitan kasi sa akin ni Min ang suot ko na P.E, bawal daw kasi yun kasi first day of school pa lang. Hindi ko kasi gusto ang school uniform ko,eh! Unting tuwad lang. Boom, Panes! 'Lam na this. Alam nyo na yun. Hanggang hita ko lang ang haba ng ng palda na 'to. Habang ang medyas ko na black ay hanggang tuhod ang haba. Ang kulay naman ng laso ko sa blouse ay medyo kulay Gold. Mukhang theme nila ang gold,eh! Agad ko itong sinuot at lumabas na. Shemay, andito pa rin sya. Tiningnan nya lang ako at agad syang nagsalita.

"Mag light make-up ka naman. Masyadong plain ang mukha mo. Bawal ang walang make-up sa university." Panimula nito dahilan para magulat ako. Ano ba yan? Pati ba naman sa mukha, pakikilaman pa nila. Echos nya lang yan,eh! Ang arte! Agad namang pumasok sa kwarto ko si Min. Nagpunta sya sa mini cabinet at may kinuhang kung anong bagay. Agad naman iyong humarap dala ang foundation at lipstick. Nilagay nya agad sa mukha ko ang foundation at natapos nya na gawin yun. Isusunod na sana nya ang lipstick na red. Nang bigla ko syang pinigilan.

"Ayoko nyan. Pwedeng foundation na lang. Ok na 'to! ". Turan ko sa kanya dahilan para kumunot ang noo nya. Agad naman nya akong hinawakan sa pisngi para hindi ako makagalaw. Akmang ilalagay nya na yun ng nagpupumiglas ako. Dahilan para ma-out of balance kaming dalawa dahil sa kakulitan ko. Ang ending, natumba kami sa kama at ngayon nakaibabaw sya sakin habang ako ang nasa ilalim. Agad naman syang ngumisi at pinuwesto na ang kamay para ilagay ang lipstick.Pero hindi pa rin ako nagpapatalo. Pinipigilan ko sya kaya nadadaplisan ang labi ko ng lipstick, pati sa gilid ng labi ko nalagyan na rin. Ramdam ko kasi!.

"Susmaryosep! Ano ba yang ginagawa nyong dalawa. Hindi ba kayo papasok? Mamaya nyo na yan gawin pauwi." Turan ni Nanay Nena.

_A.F Mendeleev _

AUTHOR

MAKE THE GAY TURNS TO A GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon