CHAPTER 15

293 5 0
                                    

Agad ko syang hinawakan sa braso para umalis na kami dun. Kaso hindi ko natuloy. Napadaing sya sa sakit.

"A-aray, Min! Dahan-dahan naman!". Sambit nito.

"Who did this?". Turan ko sa kanya habang nakatingin sa braso nya na may pasa. Tumingin naman sya sakin.

"Wala! Nadapa kasi ako!". Agad akong napatingin sa gilid ng labi nya at may pasa rin yun.

"Talaga lang ha! Sinungaling! Again! Who did this?". Tanong ko ulit sa kanya.

"Nadapa nga lang ako kasama pati mukha ko. Pero kasamaang palad, sa gilid ng labi ko pa tumama!".

"Nadapa? Pero may mga kalmot ka! Nakipag-away ka ba sa pusa? Again! Who that bitches do that?. If you won't tell, I will search for THEM and I will kill THEM!". Turan ko sa kanya. Alam ko na kasi kung sino yung mga yun. Tinatanong ko lang talaga tong babae na 'to. Masyadong mabait. Pinagtatakpan pa nya.
"Yung mga babae sa section A!". Mabilis na sagot nito. Kinabahan ata. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung bigla ka na lang sisigawan?

Agad ko syang hinatak ng marahan sa kamay at lumabas na kami sa library at tinungo na ang parking lot.

~~Mansion~~

Agad kaming nakarating. Hinatak ko sya papunta sa kwarto ko. Oo, kwarto ko lang! Hindi kami magkatabi ng babaeng 'to. Pero swerte sya dahil sya pa lang ang unang nakapasok dito. Kahit si Ellise, hindi pa nakakapunta dito.

Tinungo ko agad ang lagayan ng mga first aid ko. Pagkatapos kong makuha yun ay agad akong pumunta sa gawi nya at hinatak sya papaupo sa sofa. Ang tibay! Hindi talaga sya umupo. Ibig bang sabihin nito, 'pag inutusan ko sya na tumalon pababa sa building, gagawin nya?. Syempre, joke lang!

Nanatili syang tahimik habang ako naglalagay ng betadine sa bulak. Binasag ko ang katahimikang nababalot sa pagitan namin.

"Bakit hindi ka man lang lumaban? Pa-api masyado". Panimula ko at dinikit ang bulak sa gilid ng labi nya. Parang pumutok labi nya. May dugo pa nga eh.

"A-aray!". Agad syang napahawak sa kamay ko na may hawak na bulak. Madiin ata ang ginawa ko.

"May galit ka ba?". Tanong nito sakin.

"Meron! Katangahan mo na naman. Dinala mo pa talaga sa eskwelahan, hindi mo man lang iniwan dito". Saka nilagay muli ang bulak. Napadiin kong muli kaya nahawakan nya ulit ang kamay ko. Nahigpitan pa nga nya ang hawak sakin. Kaya napasigaw ako.

"Fuck! Woman! It's hurt!". Turan ko dito. Babae ba talaga 'to? Ang sakit ng kamay ko dun,ah!. Napamura tuloy ako. Shit! Ang ingay ko! Mamaya kung ano na naman ang iisipin ni Nanay Nena.

"S-sorry,Min! Sinadya ko talaga yun ay este hindi ko sinadya". Baliw talaga 'to.

Agad kong tinapos ang pag-gamot sa sugat nya. Baka kasi ano pang mangyari sa mga buto ko. Baka mabali eh!.

"Thank you,Min!". Ngiti nitong tugon sakin.

"Hoy, may utang ka pa sakin,ah!". Mukhang na-gets nya yung sinabi ko at tumakbo ng walang paalam. Kinabahan na naman sya.

Agad akong nagpalit ng damit. Saktong pagkatapos nun ay may kumatok. Binuksan ko naman ito. Si Nanay Nena lang pala.

"Bumaba ka na,hijo! Kumain ka na para makatulog ka na agad.

Mabilis akong bumaba at naabutan ang babaeng yun na nakaupo na at kumakain na. Umupo ako sa harap nya at sinimulan na ring kumain.

"Hoy,sign of the cross ka naman! Hindi yung kain agad". Hampas pa nito sa kamay ko. Inirapan ko lang sya at ginawa ko naman ang sinabi nya.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain. Pagkatapos kong gawin yun ay agad akong umakyat.

Nakakapagod! Parang ang daming nangyari, simula nang nakasama ko yung babae na yun. Agad akong pumasok sa cr at nag half bath. Pagkatapos nun ay nagsuot na ko ng pantulog and then nag beauty rest. Hala! Tanga lang! Ano na naman bang kalokohan 'to. Hinahanap ko kasi cp ko ngayon. Ngayon ko lang naalala na nasa kwarto pala yun ng babaeng yun. Kasi hindi ko yun nadala. Nakalimutan ko yun sa kwarto nya. Kaya hindi ko sya na- contact kaya lalo kami natagalan sa pa-uwi.

Bumangon ulit ako sa pagkakahiga at tinungo ang kwarto nung babae na yun. Kumatok ako pero walang sumasagot. Ilang beses ko pang ginawa pero wala talaga. Tinulak ko yun.

"Shit! Fuck that door!". Mura ko sa pinto ng babaeng 'to. Nakabukas lang pala yung pinto.


_A.F Mendeleev _

AUTHOR

MAKE THE GAY TURNS TO A GUYWhere stories live. Discover now