CHAPTER 59

221 3 0
                                    

Umiling naman sya kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Sure ka? Bakit parang mali sayo ngayon?". Turan ko at nagulat ako ng hatakin nya ko papalapit sa kanya at niyakap nya ko.

"Promise me,na kapag may nangyari sa buhay nating dalawa.....sana ni isa satin ay hindi magbabago,ah!". Turan nito kaya naman napa-oo na lang ako sa kanya. Anyare sa kanila ni Nay Nena?

Humiwalay sya sa pagkakayakap dahil nakahanda na ang pagkain.

Kumain lang kami ng tahimik. Pagkalipas ng ilang minuto ng pagkain namin ay nagpahinga lang kami ni Min ng tahimik. Ni isa sa amin ay walang nagtangkang magsalita.

Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko ang caller at si Mom Leanne yun.

"Excuse me". Turan ko at tumayo ng biglang hawakan ni Min ang wrist ko.

"Who's that caller?".

"Mom Leanne". Maigsi kong turan.

"Don't answer that call". Turan nito at umiwas ng tingin.

"Hmm? Baka kasi mahalaga kaya sasagutin ko 'to. Saglit lang naman ako". Turan ko kaya naman kumalas sya sa pagkakahawak sakin.

Axel's POV

Shit! Ano bang gustong mangyari ni Mom? Nasa kanya naman na ang kanyang inaasam na pera. Ano pa bang kulang? Bakit hindi na lang sya gumawa ng paraan para sa pesteng kumpanya na yan.

"Hijo! Master Axe, aalis na ulit ako. Mukhang may kailangan akong gawin samin. Nagkaroon kasi ng sakit ang apo at walang magbabantay doob bukod sakin. Alagaan mo ang sarili mo. Ipagpaalam mo na lang ako kay Kate". Nakangiting turan ni Nay Nena kaya niyakap ko ito.

Nang makaalis na si Nay Nena ay umupo pa ko ng ilang minuto. Shit! Bakit ang tagal nya.

Napagdesisyunan ko na lamang na maligo na muna at pupuntahan ko na lang sya pagkatapos.

~~~~

After 25 minutes ay natapos na ko lahat lahat kaya naman pumunta ako sa kwarto nya at kumatok.

Tsk! Bakit walang nagbubukas? Bingi ba yun?

Binuksan ko iyon at walang tao. Kumatok na rin ako sa pinto ng cr pero wala din sya doon.

Pumunta ako sa baba at tiningnan sya baka nasa sala naghihintay. Wala! Naglakad ako papuntang kusina,wala. Sa garden,wala! The fuck! Nasan na ba sya?

Umakyat muli ako sa taas baka nandun sya pero wala sya. Shit! Bumaba ulit ako at nakita ko sya.

"THE FUCK! WHERE HAVE YOU BEEN?!". sigaw ko sa kanya.

Kate's POV

"THE FUCK! WHERE HAVE YOU BEEN?!". Nagulat naman ako sa pagsigaw nya.

Saka anong nangyari sa kanya? Ang gulo ng buhok pati yung neck tie nya ang gulo-gulo na din.

"Damn! Woman,I'm asking you". Sigaw nitong muli sakin kaya naman napayuko na lang ako.

Shems! Nakakatakot sya....grabe sya magalit. Ano ba ginawa ko?

"Shit! Bakit ba ayaw mong sumagot?! Kanina pa kita hinahanap....saan ka ba pumunta?". Sigaw nitong muli kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

Nahalata ko naman na nagulat sya sa ginawa ko.

"Sorry. Galing lang ako sa labas. Hinahanap din kasi kita. Baka nagkasalisihan tayo. Akala ko kasi andun ka na sa garahe". Turan ko at humiwalay sa kanya.

"Sorry din. Akala ko kasi u-umalis ka". Turan nito at natulala na lang sya.

Inayos ko naman ang neck tie nito at inayos ko ang buhok ni Min gamit ang kamay ko.

"Tara na, baka ma-late pa tayo". Turan ko at nagpauna ng maglakad.

~~~~~~

Kasalukuyan na kaming nasa kotse at kanina pa ko nagtataka dahil ibang daan ang tinahak namin ni Min.

"Min, saan tayo pupunta? Hindi naman dyan ang daan papunta sa university?". Tanong ko sa kanya habang sya ay nakatingin pa rin sa daan.

"I want to go in the park. 2 hours only, let's just skipped a two subjects". Turan nito kaya naman nanahimik na lang ako.

Ilang minuto lang ay hininto na ni Min ang sasakyan.

Agad syang bumaba. Hehe! Mukhang may problema nga!

Pagkaupo namin sa bench ay tahimik lang sya at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro kaya naman binasag ko ang katahimikan.

"Mukhang may problema ka ngayon,ah! Share mo naman". Turan ko sa kanya.

Napabuntong-hininga pa sya at saka nagsalita.

"Wala naman. Basta huwag na huwag kang maniniwala sa sasabihin ni Mom,maniwala ka sakin". Turan nito at tumahimik ulit.

"Min....." Tawag ko sa kanya.

"Hmm?".

_A.F Mendeleev_

AUTHOR

MAKE THE GAY TURNS TO A GUYWhere stories live. Discover now