Chapter 20

60 0 0
                                    

A & V

Andrhea's POV

"Hey guys nakita niyo ba si Vrett?"tanong ko agad sa mga kasama ko na nagkakape matapos maupo sa harap ng hapag kainan. Alas kwatro y media palang kung tutuusin, maaga talaga kami gumising dahil siguro nakasanayan na namin. Pakiramdam namin mga nag aaral pa kami kahit ang totoo ay katatapos lang namin.

 Hindi ko na nakita si Vrett sa kwarto namin nang magising ako. Wala din siya sa may garden kaya I decided na pumunta nalang dito sa Oceano nagbabakasakali na nandito na siya. Pero mali pa rin ako kasi wala ni anino niya ang nakita ko dito.

"Hindi ko pa siya nakikita na pumunta dito."sagot ni Rhuz

"Nakita ko siyang naglalakad kanina pero hindi ko alam kung saan ang punta niya. Nag away ba kayo?"komento naman ni Ate Jen na ikinailing ko.

"Yaaaahhhh!! Goodmorning everyone!!"masiglang bati sa amin ni Rhiza nang makapasok sa Oceano.

"Morning!"nakangiti bati ko rin sa kanya.

"Anong mukha yan ha? Ang aga aga ha!"puna agad nito sa akin.

"Hinahanap niya kasi si Vrett, hindi niya makita."-Steve.

"Si Vrett? Nasa tabing dagat siya kanina."usal ni JC.

"Ah oo! Dun ko nga siya nakita kanina nung naglalakad lakad kami."pagpa-paalala ni Rhiza sa sarili.

"Are you done eating? Pwede ka naming samahan sa kanya."presinta nilang dalawa sakin. Isang pirasong tinapay lang ang kinain ko atsaka humigop sa kape ko bago tuluyang nilisan ang Oceano para puntahan si Vrett sa kinaroroonan niya.

Tahimik lang ako habang naglalakad pababa ng resort. Paulit-ulit na sumasagi sa akin yung ginawa ni Vrett kagabi. Yung kanta niya para sa akin. There's really something about his action. and it's bothering me.

"Hey!"kulbit sa akin ni JC kaya napatigil ako sa paglalakad at pag-iisip.

"Hmm?"sumasakit ang ulo ko sa tuwing inaalala siya. Hindi naman niya sinasabi sa akin kung ano bang mali. Kung bakit siya ganun. Kung bakit pakiramdam ko may tinatago siya sa akin. 

"Beh!"sigaw ni Rhiza sa akin na ikanagulat ko.

"Bakit?"nagtataka kong tanong.

"You're spacing out again, Beh!"

"Is there something wrong?"tanong sa akin ni JC. Napabuntong hininga ako nang malalim bago sagutin ang tanong niya ng isa pang tanong.

"May napapansin ba kayong kakaiba kay Vrett this past few days lalo na nung wala ako? Nabo-bother kasi ako sa mga actions niya."nagkatinginan muna silang dalawa bago ako sagutin.

"Wala naman masyado, except sa pagiging busy niya nung wala ka. Everytime na yayayain namin siya na gumala tumatanggi siya. Sinasabi niya palagi na he's busy doing something, hindi lang namin alam kung anong something na iyon."mahabang paliwanag ni JC sa akin.

"Baka naman kasi about sa papasukan niya sa College. Malay mo baka nahihirapan siya sa pipiliin niyang school kaya ganun siya."may point naman si Rhiza pero hindi e. Iba pa rin yung nararamdaman ko sa iniisip nila. Hindi ako kumbinsido na yun lang ang dahilan ni Vrett. ang hirap kasi na simula ng mawalan ako ng ala-ala hindi ko na mafigure-out si Vrett. Naging misteryoso na siya sa akin. Ang hirap niyang basahin. "Ayun siya, beh. Iwan ka na namin ah. Bye! bye!"

Iniwan na ako nila Rhiza na nakatayo sa likuran ni Vrett na nakaupo sa maputing buhangin at nakatingin lang siya sa dagat. Umupo ako sa tabi niya at ginaya ang ginagawa niyang panunuod sa dagat. Hindi ko man siya lingunin alam ko at ramdam ko ang titig niya sa akin.

STILL INTO YOUWhere stories live. Discover now