Chapter 21

25 0 0
                                    

A & V

Rhiza's POV

After nang dramahan namin ng jowa ko. Hihih!

Flex ko lang! HAHAH

Nag aya na ang barkada na maligo sa dagat. Para kaming mga bata kung magtampisaw sa dagat.

Sabuyan dito, sabuyan doon. Para kaming mga nagbalik sa kabataan namin.

Yung walang aalalahaning problema. Yung palagi lang masaya. Yung iiyak ka lang kapag nadadapa ka, o papaluin ka ng nanay mo. O kaya kapag hindi ka isinasama ng nanay mo sa pupuntahan niya.

Ang sarap lang balikan ng mga nakaraan.  

Nagvolley ball din kami. Syempre boys versus girls. At syempre di kami nagpatalo. Kami ang nanalo.

Mahigit kalahating oras din kaming nanatili sa dagat hanggang sa nakaramdam kami ng gutom. Kaya naman nagdecide na kami na kumain na muna ng agahan bago muli bumalik sa dagat.

Matapos namin kumain ay dumiretso naman na kami sa pool at nag aliw aliw. Nasa gilid lang ako at pinagmamasdan si Andrhea.

Ngayon ko nalang ulit nakita na ganyan siya kasaya. Na para bang walang nangyaring trahedya sa buhay niya.

Magiging kampante na sana ako sa ganitong lagay namin na masaya lang, pero hindi ko magawa.

Naguguluhan ako sa pinapakitang kilos sa amin ni Vrett. Pakiramdam ko may hindi siya sinasabi sa amin.

HINDI naman siya ganito nung nakaraan.

Gusto kong malaman kung may itinatago ba siya sa amin, lalong lalo na sa bestfriend ko. Hindi ko alam baka mamaya masaktan na naman si Andrhea ng dahil kay Vrett.

"Tahimik ka diyan."saad sa akin ni Rhuz nang makaupo sa tabi ko.

"May iniisip lang."maikli kong sagot sa kanya.

"Ano? Sandali baka mas tamang tanong diyan ay kung sino at hindi ano."

"Si Vrett. Hindi ko kasi nagugustuhan yung mga kilos niya. Katulad kagabi, yung kanta niya kay Andrhea. Pakiramdam ko kasi nag papa-alam siya in a way of singing. Alam mo yun naguguluhan na ako. Baka kasi ending na naman ni Andrhea ay maiwan siya. Ayoko lang naman na makitang masaktan na naman ang kaibigan natin."mahaba ko ditong paliwanag. Nagkanda kunot noo pa ako habang nagpapaliwanag. "Rhuzzz! Naiinis ako na ano...na basta. Naghahalo halo yung nararamdaman ko."dugtong ko pa.

"Baka naman natatae ka lang!"

"Rhuzelle naman maayos na usapan binababoy mo. Ang baboy baboy mo!"bulyaw ko dito, nagawa pang magpatawa.

Seryosong usapan 'to. Jusko, bakit ba ako nagkaroon ng ganitong kaibigan.

Kung di ko lang mahal 'tong boy bestfriend namin na'to ni Andrhea nalunod ko na 'to dito't hinayaang magpalutang lutang.

"Wag kang praning, Rhiza. Di ba napaka straightforward mong tao, bakit di mo tanungin si Vrett para matapos na yang pag aalala mo. Nagbabago ka na ba, Rhiza? Nakalimutan mo na yatang ang main weapon mo ay yang bibig mong prangka't laitera. Ang dali dali ng paraan para malaman yung problema. Lapitan si Vrett at prangkahin, tanungin mo. Done! Ang dali dali lang niyan para sayo Rhiz!!"

"Paano pag hindi ako sinagot? Malihim na tao yan katulad ni Andrhea, hindi ko naman pwedeng prangkahin ng prangkahin yan. Baka ma-offend. Nag iingat na rin ako sa mga sinasabi ko baka mamaya masama na yung masabi ko kay Vrett magkagulo pa."namomroblema kong tugon sa kanya.

STILL INTO YOUWhere stories live. Discover now