Chapter 22

21 0 0
                                    

A & V

Andrhea's POV

Nang magising ako bandang alas dose na sakto para mananghalian. Nang makalabas ako sa suite namin ni Vrett nakita ko sila na nagtutumpukan sa may tabing dagat. Mukhang seryoso sila sa kanilang pinag uusapan. Nagtagal din ako ng mga ilang minuto sa pagtayo at panunuod sa kanila. Saka lang ako tumindig ng maayos ng makita ko si Rhiza na papalapit at mukhang bad trip.

"Pst!"sitsit ko sa kanya na sa palagay ko'y di niya narinig. Nagdire-diretso siya sa paglalakad at hindi talaga napansin na nasa harapan niya lamang ako. "Hoy!"

"Anak ka ng palaka!"gulat nitong sabi at napahawak pa sa kanyang dibdib.

"Susumbong kita ka'y Mommie at Daddie. Palaka pala ha!"

"Manggulat ka ba ba namang babaita ka! Sumbong agad? Hindi ko naman sinasadya e. Bat kasi nanggugulat ka?"dire-diretso nitong sabi. Ambilis talaga magsalita.

"Hello! Nasa kung saan po kasi yung isip niyo, lutang ka beh? Sinitsitan na kaya kita, di ko naman ako pinansin!"

"Sapat ba naman yung sitsit lang para tawagan ako? Alam mo namang bingi ako minsan e. Mga manyak lang sumisitsit beh. Manyak ka gurl?"

"Ewan ko sayo, samahan mo naman ako nagugutom na ako e. Nakakain na ba kayo? Ano palang meron dun ba't parang ang seryoso ng usapan niyo?"

"H-ha? Ano..ano bang seryoso e kita mo nga nagtatawanan na sila. Kain na nga lang tayo, nagugutom na rin ako. Heheh, tawagin na rin natin sila para sabay sabay na tayong magtanghalian."hindi siya mapakali ng sabihin niya iyon. Kinakabahan rin siya. Bakit ba ang weird ng mga kaibigan ko ngayon.

Niyakap niya ang kanang kamay ko't sabay naglakad papunta sa kinaroroonan nila Rhuz.

"Goodmorning, Madam. Gising ka na pala!"bungad sa akin ni Endell at nagbow pa ang lintik. "Mahiya kayo kay Madam, mag bow rin kayo!"dagdag pa nito.

"Lakas ng amats mo, Endell. Kumain na nga lang tayo dalian niyo."pagmamadali ko sa kanila.

"Dali sundin niyo agad si Madam, baka mabugahan kayo ng apoy niyan. Nagiging dragon yan pag di nakakain e!"at inasar pa nga ako ni Rhuz. Napailing nalang ako.

Magtatangka sana akong lumapit kay Vrett kaso pinigilan ako ni Rhiza.

"Bakit?"taka kong tanong dito.

"Wag kang lalapit diyan, pangit yan!"kita ko pa ang pagkunot ng noo ni Rhiza at sinamaan niya pa ng tingin si Vrett. Nang lingunin ko naman si Vrett nakangiti ito at napakamot nalang sa ulo. Habang naglalakad kami papunta sa Oceano hindi pa din ako binibitawan ni Rhiza panay din ang pag bulong nito sa hangin.

Sinasapian na ata ang kaibigan ko. 

Buffet food ang nadatnan namin doon. At ayun at nag unahan sila sa pagkuha ng pagkain. Kapag pagkain nga naman.

Binitawan na rin ako ni Rhiza at kumukuha na rin siya ng pagkain. Inabutan ako ni Vrett ng plato, napatingin pa ako kay Rhiza na nasa left side ko, ang sama sama na naman ng tingin nito.

"Feeling ko ikaw mamaya yung magbubuga ng apoy! Kain ka na, Vrett, wag mong pansinin si Beh. Shooo, dun ka nga!"taboy ko kay Rhiza nakanguso na itong lumayo sa amin.

Tahimik kaming pareho habang kumukuha ng pagkain hanggang sa nakaupo. Bakit ang awkward ng atmosphere! Tahimik kaming lahat at nakakapanibago yun.

"A-anong meron? Bakit sobrang tahimik niyo?"puna ko sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STILL INTO YOUWhere stories live. Discover now