Chapter 7 THE MONSTER IS COMING

2.3K 77 0
                                    

Carmina POV

"Honey sila mama daw ay dito na titira sa pilipinas akala ko ay bibisita lang sya at babalik ulit ng England hay jusko ano ba yan"

"Honey wala na tayong magagawa tanggapin nalang natin sya sa ating bahay ng buong puso"max.

"Oo alam ko eh baka kung anong gawin nya Kay shawn baka mura murahin nya insultohin yung bata mukat mo umalis sya hindi ko kakayanin yun max"

"Siguradong hindi naman ni mama sasaktan yung bata at ipahihiya mabait na tao si Shawn at mabait na bata paniguradong matatanggap sya ni mama"sagot ni max na may paninigurado.

"Huwag ka ng magisip ng masama maging positibo ka sa mga mangyayari hon magtiwala ka"

Max POV

Nakatulog si Carmina sa aking braso dahil kanina ay iyak ng iyak dahil sa posibleng mangyari kung dito titira ang nanay nya.Alam namin na hindi ako tanggap ng nanay nya dahil baog ako at mas lalo yung mga batang kinukupkop namin dahil daw hindi namin ito kadugo.At pagdating ng araw iiwan lang kami ng mga ito at peperahan .Hindi ko makalimutan yung pagpapahirap nya Kay stephen pinagbintangan nya itong nagnakaw ng sing sing nya.

Pinag salitaan nya ito ng masasama kagaya ng palamon,hampaslupa,ampon,sampid at marami pang iba iyak ng iyak ang bata dahil kay bata palang nya ay nakarinig na sya ng ganong kasamang salita.

Hindi ko din naman masisisi si mama dahil ang lalaki ay dapat ang magbibigay ng anak sa kanyang asawang babae.Pero hindi ko pa mabigay feeling ko ay hindi masaya ang buhay ko may kulang dahil sa Isang pamilya mabubuo ito kung merong anak na magbubuklod nito. Ayaw ng magulang ni Carmina sa akin may balak pa nga itong ipakasal sa isang anak ng mayaman na matagal ng may gusto kay Carmina ngunit tinanggihan niya ito at mas pinili nya ako.

Kaya gagawin ko ang lahat ng bagay na nakakapag pasaya sa kaniya, at nakita ko si Carmina na masaya sya kay shawn itinuring nya ito tunay na anak ngunit hindi mo rin maaalis ang Ala Ala ni Stephen sa kanyang isipan.

At sa pagiisip ko ay tinignan ko ang mukha ng aking asawa at naluha nalang ako. Bakit kase nagkaganito pa ako sana mas masaya ka ngayon,at hinalikan ko ito sa noo at doon na ako natulog na mag kayakap kami.

Kinabukasan.................

Shawn POV

"Sir Shawn mag uumagahan na po hinihintay na kayo ni madam Carmina sa labas".sabi ng katulong.

"Oo sige mamaya lalabas narin ako".

Dumiretso ako sa banyo nag tooth brush at naghilamos at doon kona maisipang lumabas.Kagaya ng dati tahimik walang sinoman ang nagtangkang magsalita.

"Honey si mama ba anong oras dadating"Carmina.

"Honey Baka mamaya maya ay nandito na sila dahil diretso daw sila galing airport papunta dito"max.

At muling katahimikan ang bumalot sa buong kusina,at makalipas ang trenta minuto ay natapos na ako sa pagkain.

"Nanay Carmina pupunta lang po ako sa labas para mag pahangin" sabi ko at lumabas na .

Dumiretso sa ako sa Isang upuan na nasa gilid ng aming bahay malawak at may sariwang hangin. Pag tumingin ka ng deretso ay may malawak na gubat meron namang bahay ngunit kakaunti. Hindi saya syudad Pero hindi mo naman masasabin probinsya.Meron din naman ditong 7 eleven at malalawak na palaruan at eskwelahan .

Mga ilang oras na ang nakalipas ay may isang magarang kotse ang dumating dumiretso ito sa parking lot ng bahay. nakita ko mula sa kinauupuan ko may lumabas na may kaidadan ng babae kulubot na ang balat at may magandang damit at mga alahas.

"Sino kaya sya ? ".

Victoria POV

Malayo palang ay nakikita ko na ang bahay ng aking anak na si Carmina.Kung nag pakasal nalang kase sya kay Edward ay paniguradong may tunay na apo na akong matatawag. huminto ang aking sinasakayang kotse at pumasok sa loob ng bahay para kamustahin ang aking kaisa isang anak ngunit para nagulat pa sila ng makita nya ako.

"Ma ang aga mo atang dumating"Carmina.

"Anak parang hindi ka masaya na makita ako ayaw mo ba ako dito".

"Hindi naman po sa ganon eh sana sinabihan nya kami sobrang aga ata" Carmina.

Sa gitna ng aming paguusap ay may dumating na binatilyo may matangos na ilong, maputi,matangkad,mapupulang labi at kapansin pansin sa kaniya ang telang naka tabing sa kanang parte ng kaniyang mukha.

Napahinto ito at nag bow para mag bigay ng galang pagkatapos ay umakyat sa hagdan papunta sa dating kwarto ni Stephen.

"May bago naman kayong ampon hindi nyo ba alam kung ano ang ginagawa nyo ha kumukupkop kayo ng taong hindi nyo kilala" hindi mawala sa pakiramdam ko ang pagkagalit.

Humanda ka sakin..............

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now