CHAPTER 99 VALENTINE'S DAY

194 32 0
                                    

Hello kilander's Im sorry dahil matagal din akong hindi nakakapag update dahil nakakaramdam ako ngayon ng anxiety. And battle of mind between study or work?

SHAWN POV

Magisa akong nakaupo sa malawak na parke malapit lang sa quadrangle kung saan nagaganap ang school christmas party. Malakas ang hangin dahil december ngayon sa tuwing nakakaramdam ako ng ganitong lamig doon ko nararamdaman ang matinding kalungkutan. Ganitong klima o panahon ng binawian ng buhay si keana at mama. Kalagitnaan iyon ng summer pero malakas ang simoy ng hangin. Nakakaramdam ako ng matinding sakit at kirot sa puso na laging sumasaksak sa isip ko ang kaduwagan at pagiisa. Medyo madilim dito kaya sa lugar ko kaya alam kung walang makakapansin sa akin dito. Unti unting tumulo ang luha sa aking mga mata at dumaloy pababa sa aking pisngi. Ang tingin ko sa sarili ko isang lata na walang laman na hanggang ngayon hindi ko alam kung paano mabubuo. May kulang sa akin, sa pagkatao ko,sa sarili ko na pilit kung hinahanap sa iba. Pero ang kasagutan ay nasa akin lang naman. Dapat ba akong magmahal kung may kulang pa sa akin, naiisip ko tuloy na ginagawa kong panakit butas ang isang babaeng mahal ko. Mahal ko sya hindi ko ikinakaila pero parang may mali, na alam ko naman na sa una palang ay mali na talaga pero pinagtuloy ko parin.

Maya maya lang may isang babaeng tumawag ng pangalan ko.

"Hey kurt anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sabay tumabi sya sa aking kinauupuan.

"wendy? anong ginagawa mo dito?"

"wala lang napadaan lang, bakit magisa ka?" sunod nitong tanong.

"Sorry kung pwede lang umalis ka na muna kailangan ko lang maka pagisa at makapagisip" dahil doon mabilis syang tumayo.

"sige sorry kung aabala kita" at mabilis syang naglakad papalayo sa kinaroroonan ko.Doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

HEAVEN POV

Lumipas ang 6 na linggo ganon parin ang buhay walang nagbabago. Mabilis na lumipas ang pasko at bagong taon na masaya at tahimik. Buwan na ngayon ng february, unang araw palang ng buwan pero excited na agad ang lahat sa february 14. Nag lalakad kami ni amber sa malawak na field mahangin parin at malamig ang buwan na ito. Umupo kami sa sa upuang bato na nasa ilalim ng malaking puno ng mangga.

"Mahal mo na sya ano?" tanong ni amber.

"oo matagal na pero hanggang ngayon parang may mali eh hindi ko alam, may mali sa aming dalawa marami akong pangarap sa buhay at gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kung maging matagumpay sa buhay. Kaya ayaw ng puso kung tanggapin si shawn na kahit alam kung gusto ko din sya"

"Ganito lang yan abnormal ka may gumugulo sa iyo" pang aasar ni amber.

"Bakit naman?"

"It is battle between your heart and your mind, pero hanggang ngayon nananalo parin ang utak mo kesa sa puso mo. it just like you made a boundary throught your mind subukan mong tanggapin iyon at makakapasok sya ng buong buo sa puso mo"

"ha?" Naguguluhang saad ko.

"Kahit ikaw hindi mo alam sa tingin ko hindi ka pa handa sa isang pagibig na yan dadating ang tamang oras para maintindihan mo iyon" Saad ni Amber na ako hanggang ngayon clueless sa sinasabi nya.

"Bakit ganyan ka magsalita tungkol sa love ha? Iba na talaga ang tama sayo ni mike dati tinatakbuhan mo ngayon hindi na kayo mapaghiwalay" Tahimik lang na nakaupo si amber at mukhang may malalim na iniisip.

"Shunga alam mo kayong dalawa ang weird nyo ni shawn" Birong saad ni amber.

"Oh anong mukha naman yan amber?" Biro ko sabay dinunggol sya.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now