Chapter 51 INTRAMURALS PREPARING PART 1

951 26 0
                                    


***************

Nakakapagtaka lang mga ilang linggo narin akong hindi kinakausap ni Spencer at shawn. Pagkalalapit ako oh kaya naman kakausapin ko sila bigla nalang silang aalis may galit ba sila sakin?. May nagawa ba akong Mali o kaya may Mali ba sa akin?. Wala naman akong sakit na nakakahawa o kaya ginawang ikinagagalit nila hay ang labo nila. Kaya mga Isang buwan akong magisa si amber kase may sariling friend ako wala iniiwasan pa ako.

" Hey guys malapit na daw ang intrams ayy! Excited na ako" Sabi ng kaklase Kong si Justine Babae sya at sya ang muse namin. Maganda sya Pero ang ayaw ko lang sa kaniya ay masyado syang maarte at mapili sa kaibigan gusto nya puro maganda lang. Hindi kagaya ko panget at morena lang hindi maiitim.

Hay nakakabagot vacant time namin ngayon wala kaming teacher. Ako ito nakatulala sa kawalan si amber naman ay may sariling friends. Yung dalawa ko namang friends na boy ayun hindi ako pinapansin.

Mga limang minuto pa ang lumipas ay Dumating na si sir Kim lahat kami ay nagbigay respeto sa paraang pagbati.

" Ah class halos mag dadalawang buwan na tayong nagkakasama. Meron akong Isang malaking balita na Alam kung gustong gusto Nyo. Next week ay intrams na natin kaya kada limang grupo ang gagawa ng sari-sarili nilang booth. Okay maliwanag ba?" Sabi ni sir at lumabas din agad.

" Yeeeeehey!!! Halos Isang linggong wala tayong klase !!" Ayan ang sigawan nila pagkatapos na lumabas si sir at inannounce yung tungkol sa Intramurals.

Masaya sila, Samantalang ako hindi hayss at Sabi na nga magiging kagrupo ko pa sila sa paggagawa ng booth. Paano Yun ni hindi ko nga sila makausap para sabihin sa Kanila tungkol doon sa booth na yan. Maingay ang mga kaklase ko at ako nakamasid lang sa kanila hays naiihi ako.

Pumunta ako sa fourth floor mapanghe kase yung sa aming Cr Kaya dito ako umuhi. Pagpasok ko ay wala naman tayo kaya dumiretso ako sa Isang cubicle at inilabas ang isang gallon tubig charot!. Lumabas ako sa cubicle pumunta ako sa harap ng malaking salamin inayos ko ang sarili ko. Nakaagaw pansin ang Isang papel na nakalapag sa tiles na nasa harap ng salamin. Tumingin ako sa labas at ang lahat ng cubicle ay tinignan ko Pero wala akong makitang tao.

Binuksan ko ito nagulat ako sa nakasulat sino kaya ito?

♥️ I LOVE YOU ♥️
- Bob

Tiniklop ko agad ang papel sino kaya ang mongoloid na nagsulat nito. Hindi naman ako maganda bakit nya ako nagustuhan at sino kaya sya?. May kilig akong naramdaman dahil first time ko lang nakatanggap ng ganitong sulat sa akin nga ba talaga?.

Bumaba na ako sa fourth floor hindi parin maalis sa isip ko ang mga nangyayari. Masyadong magulo yung bigla biglang hindi nalang namamansin sila Shawn at Spencer bago itong sulat na to. Nakasalubong ko si Shawn at ayun tumingin sya sa akin at mabilis ding nagiwas ng tingin. Kaya nagdire deretso ako papasok sa pinto hindi na ako naninibago nakatagal na ako ng mga ilang linggong hindi nila ako kinakausap.

Nakaupo ako sa aking upuan at nagwawattpad lang ako nang biglang may pumasok sa isip. Sino kaya yung si Bob? hays Isa pa ito sa isipin ko itong intrams na ito pa hay.

" Oh venok kanina pa kita hinahanap ha saan ka galing ha?" Sabi ni amber at umupo sa tabi ko.

" Umihi lang ako sa fourth floor" Sabi ko naman, sasabihin ko ba ang tungkol sa sulat hay wag na nga.

" May naisip ka na bang booth na gagawin natin" Sabi ni amber.

" Ahm wala pa eh " Sabi ko dito habang nakatutok lang ako sa cellphone.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now