#9: Jacob

13.2K 452 40
                                    

"You haven't change master Jacob." Nakangiting lumapit ito sa akin at saka umakbay. Isa ang nga ito sa mga kabarkada ko. Maliban sa anim na pinunong halimaw ng MC ay nakakalat din sa eskwelahan ang ibang mga barkada ko. "Ito na ang huling taon at laro niyo ng Volleyball nina master Clyde. Mananalo kaya muli tayo kung balak niyong ipagkatiwala sa amin ang huling laban na ito na hindi man lang kayo sasali?"

"Yeah. Kaya niyo iyan. May tiwala sa inyo si master Clyde. Saka may bago na siyang pinagkaka abalahan.  At naka fucos kami ngayon sa huling thesis namin. Pero hindi naman kami mawawala sa eskwelahang ito. Dahil narito ang ilan sa mga trabaho namin. Kaya makikita at makikita niyo parin kami at handa kaming I guide ang bagong mga membro ng volleyball team."mahabang sagot ko kay Jonas.

"Pero mawawala na ang Iniingatang MVP tittle ni Master Clyde kapag hindi siya sumali ngayon."

Tinapik ko ito sa balikat. "Mas gugustuhin niyang mawala ang tittle na iyan kaysa mawala at malayo sa taong mahal niya."makahulugang sabi ko dito.

"You mean that Zoey Salvador master Jacob? Ang lalaking nagtataay ng ganda?"

"Yes, you guess it right."

"Akala ko nga din talaga nuong una ay babae ang isang iyon. Pero ng kumalat sa buong eskwelahan ang naging laban nila ni Master nuong nakaraang linggo ay napag alaman ng lahat na hindi lang siya basta maganda kundi talagang may maibubuga."mahabang saad nito na para bang nagkwekwento lang sa isa sa mga idolo niya sa kinang ng mga mata niya. "Maliban diyan marami ding nagkakagusto sa kanya na balak lapitan siya at makilala."

Kunot nuo ko siyang tinignan.

"Sino sila? Kakilala ba natin ang nagkakagusto kay Zoey?"tanong ko. Dahil kong nagkamali sila ay siguradong hindi sila papalampasin ng galit ni master Clyde kapag nagkataon.

"Karamihan sa mga kabarkada natin master. At ilan pang mga kakilala. Kung hindi nga lang ako takot na mapag initan ni master Clyde ay nagtangka na akong makipaglapit sa kanya."

"Iyan ang huwag na huwag mong gagawing Jonas kung gusto mong hindi malamatan ang tiwala sa iyo ni master Clyde."paalala ko dito. "Pagsabihan mo ang iba sa mga kilala mo na nagbabalak gawin ang sinasabi mo. Ng hindi na sila mangahas na subukang makipaglapit kay Zoey."

"Yes master Jacob."tumango pa ito. Ipinagpatuloy na namin ang pagpasok sa boys locker room ng volleyball team at inayos ang sarili namin.

Katabi lang court ng volleyball ang basketball court kaya dinig na dinig ang tunog ng mga sapatos ng naglalaro ng basketball.

"Liga din ng basketball kasabay ng volleyball master. At sabi ng iba may mga bagong player na sumali."

"Ganun ba? Mababago kaya nila ang rank natin sa basketball ngayon. Halos pumapangalawa lang ang AU over all. Hindi gaya ng Volleyball na apat na taon ng nangunguna." Tanong ko habang nagpapalit ako ng damit.

"Mula ng pumasok kayo sa volleyball ay nanguna na ang AU. Magaling din si master Clyde sa Basketball at si master Sunny. Bakit ayaw nilang sumali?"tanong nito.

"Masyadong malaro ang basketball at alam mo naman na busy si Master Clyde sa pag aaral at pamamahala ng AU at the same time. At si Sunny. Naku huwag mo ng asahan na makikisali iyon sa laro. Dahil nasa car racing lang ang buhay ng isang iyon."sagot ko dito. "Lets go."yakag ko dito at tinungo ang basketball court ng makita kung sino ang mga bagong player nila.

"Siya nga pala master Jacob. Bakit hindi naki ensayo si Master Bobby ngayon?"tanong pa nito.

"Busy din sa love life Jonas." Maikling sagot ko.

"Hehe! Ikaw ba master Jacob. Kumusta ang love life natin?"tanong nito dahilan para masamid ako ng wala sa oras at natigil sa paglalakad.

Ano nga ba ang love life na mayroon ako? Wala!

✅MC1 JACOB: MY PSYCHO STALKER (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now