#26: Jacob

8K 320 38
                                    

"Hai!"

Nagmulat ako ng mata na parang narinig ko si Azami na may kausap sa phone. Hinanap ng mga mata ko kung saang parte ng silid siya naroon pero hindi siya matanaw ng mga mata ko.

"Sayonara chichi!."

Napatingin ako sa pintuan ng banyo na duon lumabas si Azami. Natigil pa ito sa paglapit sa kama ng makitang gising ako. Ako man ay napatingin sa orasan. Alas dos na ng madaling araw.

Sino ang katawagan niya sa ganitong oras? Saka bakit kailangan pa niyang kausapin ang tumawag sa banyo.

Kahit hindi ko man naintindihan ang mga sinabi niya sa kausap ay hindi na niya sapat kailangang lumayo.

"Gising ikaw pala."

"Yeah!" Gusto ko mang tanungin kung sino ang tumawag sa kanya ay hindi ko naman maibigkas. Hahayaan ko na lang siya na siya mismo ang magbukas ng usapan. Sa pagkakarinig ko ay tinawang niyang chichi iyon. Mean father. Marahil tawag mula sa papa niya iyon.

Para kasing ang daming nagbago sa kanya simula ng makita ko siyang nakikipaghalikan kay Javier sa birthday party ng mama noon.

Talagang nag away kami ni Azami ng araw na iyon. Sinuntok ko siya dahil sa galit ko pero hindi siya lumaban. Hinayaan lang niya ako na suntukin siya kaya ako lang din ang tumigil.

Putok ang pisngi at labi nito noon dahil sa pagsuntok ko sa kanya na ako lang din naman ang gumamot.

Pero ang tigas parin ng ulo niya dahil patuloy parin siya sa pagsama sa kapatid ko. Patuloy parin sila sa paglabas. Sinasabi naman niya na hindi na niya uulitin ang pakikipaghalikan kay Javier pero wala akong tiwala sa kapatid ko. Gagawa at gagawa iyon ng paraan para maulit iyon kahit sabihin man ni Azami na hindi na niya iyon uulitin pa.

Muli itong nahiga sa tabi ko at umunan sa mga braso patagilid at iniyakap ang kamay sa katawan ko.

"I love you Jacob-chan."bulong niya saka pumikit.

Hinalikan ko siya sa nuo and stroke his hair. While I'm hugging him back. Pinagpatuloy ko ang paghaplos ko sa buhok niya hanggang sa narinig ko na ang mahina niyang paghilik.

That was fast. Inilayo ko ng bahagya ang katawan ko sa kanya upang pagmasdan siya.

"Whats with you Azami, bakit parang may itinatago ka."bulong ko saka ko hinaplos ang pisngi niya. Payapa ng nakapikit ang mga mata niya at bahagyang nakaawang ang bibig niya.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka ko siya muling niyakap at muling pumikit. Hanggang sa tuluyan na muli akong makatulog.

*****

Pinagmasdan ko mula sa likod si Azami habang nagluluto. At gaya ng una ko itong nakita dito sa bahay niya ay naka trunks lang ito habang nakasuot ng apron na kulay pink.

Naiiling na nangingiti ako habang pinagmamasdan ko kung paano gumalaw ang balakang niya. Na ang mga balakang na iyan na bihasang gumagalawa sa akin palagi.  Na ang balakang na iyan na tumutulong sa akin upang makaramdam ako ng kakibang sarap.

Damn! Kung ano ano na naman ang iniisip ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko na lapitan ito at yakapin siya mula sa likod.

"Mmmm! You smell good."bulong ng isubsub ko ang ilong ko sa may batok niya at saka ko bahagyang kinagat.

Pinaglandas ko ang kamay ko sa ilalim ng apron niya to trace his. And grab it a bit na agad ko din inalis. Baka magalit na naman ang alaga niya ng wala sa oras at hindi pa niya matapos ang niluluto.

"Morning Jacob-chan. Maglatag ikaw na ng pinggan. Patapos na ako ng makakain na tayo."nakangiting pilit na nilingon ako. Saka binigyan ng halik sa nuo.

Tumalima naman ako at tumulong sa paghahanda ng agahan namin. Ganito lagi ang routine namin. Siya ang taga luto dahil wala akong alam sa pagluluto. Umaasa na lang ako sa lutong ulam at kung ano ang nakalatag na sa mesa ay iyon ang kakinin ko. Hindi ko naman pinangarap na matutong magluto dahil sa isip isip ko. Ano ang silbi ng katulong na binabayaran ko o magiging asawa ko someday kung hindi niya ako kayang ipagluto.

✅MC1 JACOB: MY PSYCHO STALKER (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon