Prologue

1.8K 78 55
                                    

Sa Kadiliman at lamig ng isang kuweba ay marahang nilakad ni Dr. Reiner Eldritch at ang ilang mga kasama nito ang isang daan, kadalasan ay madilim dito at namumutakti ang dami ng mga halimaw pero ang kanyang pakay ang nagbibigay ng liwanag at nagpapaalis sa mga nanahan ditong nilalang.

Ng mapasok siya ang kuweba tumambad sa kanya ang napakalaking espasyo na hindi maiisip na nasa ilalim ng lupa, isang malaking parte kung saan lagpas limang metro ang laki ay nakita niya ang pakay, isang higanteng hiyas na bilog ang hugis at nagbibigay ng mala-kulay rosas na liwanag sa paligid ang nakalagay sa pinakagitna ng yungib. Hindi nakakasilaw ang liwanag bagkus ay sapat lang para makita niya ang lahat ng nakapaligid dito, sa loob ng sampung taon ay binantayan niya ang kristal na ito. Hindi dahil sa liwanag nito o dahil sa presyo nito kapag ipinagbili kundi kung ano ang nasa loob nito na siya mismo ang naglagay.

Nang malapitan niya ito ng tuluyan ay saka niya nakita kung ano talaga ang nasa loob nito, isang pigura ng tao na nakaposisyon na parang isang sanggol sa sinapupunan kapag tinignan sa ultrasound. Tila hindi nito alintana ang presensya ng mga taong ilang hakbang lang ay layo mula dito.

Nilabas ng isa sa mga tauhan niya ang maliit na holographic tablet at lumabas ang imahe ng isang matandang lalaki na kulay abo na ang bigote at wala nang buhok sa panot at kinukulubot nitong ulo.

"Mr. Tong" bati ni Reiner tapos ay itinuro gamit ang palad ang pigura sa loob ng kristal,"Ngayon ay nakikita mo ang resulta ng aking mga pagsasaliksik tungkol sa kapangyarihan ng Sakuradite, ang nasa iyong harapan ay ang bukas nating lahat "

Napahawak si Mr. Tong sa baba at ang tingin nito ay puno ng pagdududa,"Kung ganoon ay kailan ko siya makikita ng tuluyan?"

Ngumiti si Dr. Reiner,"Malapit na,Mr. Tong. Kaunting sandali na lamang ay makikita mo ang totoong kapangyarihan niya"

Pinatay na ni Mr.Tong ang komunikasyon at hinimas ni Reiner ang kristal, ang makinis nitong tekstura ay makiliti sa kanyang palad. Kahit pigura lamang ang nakikita niya ay ramdam niya ang paningin nito ay sa kanya.

"Malapit ka nang makita ng mundo" pumikit siya habang narinig sa kanyang tenga ay musika ang malakas na pagpulso na bigla niya itong hipuin, napansin niya ang takot sa mga kasama at ang marahan nilang pag-atras pero wala siyang pake,"At ang iyong kapangyarihan" namuo ang ngiwi sa mukha niya,"At luluhod silang lahat sa iyong harap"

Hunter/GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon