Chapter IX - Let the Games Begin

259 36 17
                                    

"May signal na po tayo, Doc" ika ni Simon Rivas habang pinagmamasdan ang malaking holographic monitor na nasa kanyang harapan. Makikita ang isang malaking mapa na kung saan gumagalaw ang ilang puting dots sa ibabaw ng isang malaking green na background. Ang mga ito ay signal mula sa mga drone na pinogram upang maghanap ng enerhiya ng Sakuradite na nasa katawan ng babaeng nasa loob ng kristal. Bihira lamang ang nasabing kristal sa parteng iyon kaya kung may malaking konsentrasyon ng  enerhiya nito ay isa lang ang ibig sabihin.

"Nasaan siya" lumapit ang matandang doktor sa screen at napansin ni Simon na parang tumanda ng ilang taon ang itsura nito. Lubog ang mga mata nito at halatang hindi pa nakakatikim ng tulog mula noong nalaman na nawawala ang kanyang eksperimento.

Lumingon ulit siya sa screen at nakatigil ang isang drone sa ibabaw ng isang bayan, nakasulat sa ilalim nito ang mga coordinates habang papalit-palit ng kulay sa pula at puti. "Saan ito?" nilapit niya ang hintuturo sa kumukuti-kutitap.

Nagtype siya sa isang  holographic keyboard at lumabas ang litrato ng isang bayan na napapalibutan ng sampung talampakan na pader, sa ilalim ng larawan ay nakasulat ang mga detalye tungkol sa isang Township na pangalan ay Festung.

Nangigil siya, paano kayang may nakaalam sa kinaroroonan ng babaeng nasa hiyas? Hindi basta-bastang may makakahanap ng kwebang iyon lalo na't ang lokasyong  iyon ay patungo sa cave complex na may pinakamaraming populasyon at dibresibidad ng mga halimaw. Imposibleng isang ordinaryong tao o hunter ang basta-bastang makakapasok doon, ibig sabihin ay magaling ang nakadiskubre sa kanya sa kuweba o sinadya itong ilabas ng kanyang mga pinagtataguan.

'Hindi pa naman siya patay kaya imposible ang Gremory ang kumuha sa kanya' naisip ni Reiner, Ang natitirang eksplenasyon ay may aksidenteng nakahanap sa kanya at dinala sa township na iyon, at dapat niya siyang makuha ulit.

"Paano po siya makakapasok sa isang township?" tanong ni Rivas. Mukhang hindi pa nito nalalaman ang tamang konkulsyon.

"Hindi siya nakapasok" sagot ng doktor,"Dinala siya ng nagpakawala sa kanya sa lugar na iyon" tumalikod na ito at bago lumabas ay nag-utos,"Simon, maghanda kayo ng mga tauhan mo. May pupuntahan kayo."







"Kain na, Carly" ika ni Serena sa kapatid ni Trace na tulalang nakatingin sa plato at nilalaro ang tinidor na hawak. Ganito na siya simula ng umalis ang kuya nito kahapon. Laging balisa at tulala, nawala ang masiyahin at makulit na Charlene  na nakilala niya.

"Ayoko pa, Ate Rena" ika lamang nito.

Hinawakan ni Serena ang parehong kamay ni Carly at tinignan ang mga mata nito. Itim sa pula.

"Alam kong takot ka," niyakap niya ito,"Pero wag kang mag-alala sa kanya, alam kong kaya niya yun"



"Pero" sa boses nito ay malapit na itong maiyak,"Kung hindi dahil sa akin-"

"Sssh" hinagod niya ang buhok,"Wala kang kasalanan, gusto ka lang niyang iligtas. Kaya siya sumali ay hindi lang para sa'yo kundi para rin sa kanya. Gusto niyang magkaroon ng pera para makalipat kayo sa siyudad, para makaalis siya sa pagiging hunter"

Umalis na si Serena sa pagkakayakap,"O, kain ka na tapos inom ng gamot mo para makanood tayo ng laban niya, K?" tapos noon ay kumain na sila ng tahimik. Pero mas maginhawa na ang pakiramdam ni Charlene

.

Ng busog na sila ay tinabi na nila ang mga plato at hinugasan, tsaka umupo sa sofa kung saan naroon ang T.V. Buti na lamang at binigyan sila ng mga Organizer ng dish upang makasagap ng signal dahil kadalasan ay hindi umaabot sa malalayong township ang mga palabas at kailangan pang bumili ng mga signal amplifier o signal dish para lang makanood pero mahal ito.

Sa labas ay nagiging maingay na rin dahil nag-setup si Mayor ng isang malaking screen kung saan ipapalabas ang Venator Games. Natural ay marami na naman ang manonood at umusbong din sa plaza ang lahat ng mga nagtitinda ng kung ano-ano. Excited na malaman ng bayan kung may tsansa bang manalo ang kanilang township ngayon taon dahil kadalasan ay laging baguhan na maagang namamatay ang contestant na galing sa kanila. Pero iba si Trace Hartlett, may reputasyon siya bilang isang magaling na hunter sa kanilang bayan at kahit na mas bata siya kaysa sa mga madalas na nananalo sa preliminary ay higit pa ang galing niya kumpara sa ibang kaedaran niyang hunter.

May kumatok sa pinto at ng pagnuksan nila ay si Kevin pala ito na dala ang ilang snacks at pagkain,"Pwede bang makinood?"

"Sige ba" pinatuloy ni Serena ang matalik na kaibigan ni Trace sa loob at naupo ito sa sofa. Ng buksan nila ang T.V ay bumungad ang pagpapakita ng preliminaries ng mga kalahok sa mga audience. Nag hiyawan at nagpalakpakan ang mga tao sa labas ng sa pambato ng kanilang bayan na ang pinalabas.

Pagkatapos ay lumabas na imahe ni Tina Clyne na nakasuot na naman ng seksing damit. Nakabusangot pareho silang dalawa ni Carly habang si Kevin naman ay hindi maiwasan ang tingin at  nanlalaki ang mga mata sa tuwa.

"Okay, Ladies and Gents" ika nito, "Game starts, now!"

Hunter/GemWhere stories live. Discover now