Chapter XV - At last

357 26 11
                                    

“Kaya pala naging Hunter si Trace” manghang sabi ni Serena, habang kumakain kasi sila ng niluto nito ay kinuwento niya ang maagang pagkaulila nila sa mga magulang. Habang nasa Games kasi si Trace ay tinuruan siya nitong magluto, hindi man siya kasing galing ng kuya niya ay masarap naman ang mga naihahain niya. Magaling na din ang paa ng kapatid ni Trace dahil sa kapangyarihan niya kaya maayos na itong nakakalakad kaso ay may bumukang sugat sa di malamang dahilan.

“Tinuturuan na din kasi siya ng papa niya noong bata pa siya” ika ni Carly at sumubo din ng pagkain.

“Papa niya? Hindi ba magkapatid kayo?” takang tanong ni Rena.

“Ang totoo, ampon lang nila ako” malumanay niyang sabi upang itago ang lungkot,”Ang sabi ng papa niya ay iniwan ako ng kapatid niya sa kanya isang gabi, kaya ang totoo ay pamangkin niya ‘ko pero itinuring pa din nila ako na galing sa kanila”

“Dapat lang naman iyon kasi kadugo ka niya” tumayo si Rena at nilagay ang kanyang plato sa lababo. Ng pabalik siya sa lamesang kinakainan ay nanigas siya.

“Ate Rena, Bakit?” nangangambang tanong ni Carly. ‘Lagot, may mangyayari na naman’ naisip nito.

“Patayin mo yung gasera!” utos nito.  Sumunod si Carly at ng hipan na niya ang apoy ay nabalot ng kadilaman  ang lugar ng ilang sandali. Pero ng tignan ni Charlene sa may bintana ay may umiilaw na parang isang parol, papalit-palit ang kulay nito na tumatagos sa puting kurtina. Namutla siya at napadapa, ganoon din si Serena. Hindi ito basta-bastang halimaw, nakaenkwentro na siya nito dati.

Isang Moorwen

Naalala noong limang taong gulang pa lamang siya, isang Moorwen ang nakapasok sa Festung ng hindi namamalayan ng mga guwardya. Ng madiskubre ito ay huli dahil limang katao na ang napatay nito, kahit nacorner na ito ay wala rin dahil sa sobrang kapal ng balat nito ay tumatalbog lang ang bala. Ang tanging nakapatay dito ay isang hiwa ng Photon Sword, dahil sa nangyari  ay tinaasan pa ang pader at naglagay ng mga tower at sensor sa paligid kung sakaling maulit uli ay handa na sila.

“Hindi siya nag-iisa” dismayadong  puna ni Serena ng sumilip siya sa bintana. Sa labas ay naghihintay ang marami pang kauri nito, lahat sila ay nagliliwanag ang mga katawan ng iba’t-ibang kulay na parang parol. Napayuko din siya ng lumapit ang isa, nakita niya ang ulo nito na kapareho ng isang higanteng butiki at matang dilaw.

Napatingin ang dalaga sa kanyang kamay pero agad itong hinawakan ni Carly, “Wag, wag mong gawin yun ulit” matalim ang kanyang boses at seryoso ang mukha nito ngunit tinatraydor ng mga mata niya ang takot at pag-aalala.

Tuluyan silang napadapa sa maalikabok na sahig ng basagin ng Moorwen ang salamin at ipinasok ang ulo nito sa bintana. Gumapang sila palayo dito hanggang sa mapunta sila sa kabilang kuwarto.

“Darating si Kuya” nanginginig na sabi ni Carly na parang mantra nito,”Ililigtas niya tayo, ililigtas niya tayo”

Niyakap niya si Carly para gumaan ang pakiramdam nito, ano mang oras ay maaring tuluyan ng pasukin ng mga halimaw ang cabin at tuluyan silang kainin. Kung maari sana ay matagal na niyang ginamit ang kapangyarihan para pulbusin ang mga ito ngunit alam niyang hindi ito magugustuhan ng kanyang kasama at malamang ay malagay na naman siya sa panganib.  Kung pwede lang sana ay matakot ito sa kanya tulad n- Tama! Kung lalapit siya sa kanila ay matatakot ito kagaya ng mga halimaw doon sa kweba. Humiwalay siya sa yakap sa kasama pero pinigilan siya nitong tumayo.

“Anong gagawin mo!?”

“Papaalisin ko sila” hindi na nito pinakinggan ang mga hinaing ni Carly at tumakbo papunta sa pinto. Ng masigurado niyang walang balak siyang sumama sa kanya at hinawakan niyang ang seradura at marahang pinihit. Ng bumukas ay humakbang siya sa labas at sinalubong ng mga tinging nagliliwanag.

Hunter/GemWhere stories live. Discover now