PROLOGUE

13.3K 146 5
                                    

Prologue

NARARAMDAMAN ko na naman ang pagbigat ng hininga ko. Paulit-ulit at gabi-gabi nalang ganito ang panaginip ko.

“Papa... no, papa! Huwag kang umalis please!” Pagmamakaawa ng isang batang lalake habang umiiyak at mahigpit na nakayakap sa lalakeng tinatawag niyang papa.

“Alagaan mo ang kapatid mo naiintindihan mo? Huwag na huwag mo silang pababayaan.” Sabi naman ng papa nila. Hindi ko nakikita ang mukha nito pero alam kong umiiyak din ito.

“Papa, please! Huwag mo kaming iiwan!” Sabi naman ng isa pang batang lalake habang ito ay umiiyak.

Naririnig ko ang boses nilang umiiyak. Nakikita ko ang pagtulo ng mga luha nila. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nila. Napatingin ako sa sarili kong kamay... punong-puno ng dumi ang maliit kong kamay.

“Anak...” Napatingala ako ng tawagin akong akong anak ng papa ng dalawang batang lalake. “Mahal na mahal ko kayong lahat.” Lumuluhang sabi nito sa akin sabay hinalikan ang noo ko at mabilis na tumakbo papalayo sa amin.

Naririnig ko ang sarili kong umiiyak at tumatawag sa kanya na papa kasabay ng pagtawag din ng dalawang batang lalake sa kanya.

Hanggang sa...

“Ahhh!” Napabalikwas ako sa hinihigaan ko ng marinig ko na naman ang putok ng baril sa panaginip ko.

Para talagang totoo.

Napahaplos ako sa dibdib ko nang maramdaman ang mabilis at malakas na pagkabog nito. Naramdaman ko ang sarili kong pawis. Kahit na paulit-ulit ang panaginip ko na yun hindi ko parin magawang masanay dahil sa sobrang totoo ng nararamdam ko sa tuwing napapaginipan ko yun.

“Nyssa, gising kana ba? Bumangon kana diyan may pasok kapa!” Narinig kong sigaw ni nanay Martha sa labas ng kwarto.

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kwarto ko at mabilis na huminga ng malalim at pinakalma ang sarili. Alam nila nanay Martha at tatay Jose na parating ganun ang napapaginipan ko pero kagaya ko hindi rin nila maipaliwanag kung bakit ganun parati ang napapaginipan ko.

Mabilis na akong tumayo mula sa higaan at niligpit ang mga unan at kumot na ginamit ko at pagkatapos ay kinuha na yung tuwalya at lumabas na sa silid.

“Good morning, nay, tay!” Masayang bati ko sa mga magulang ko na agad namang ikinalapad ng mga ngiti nila sa mukha.

Nagkakape si tatay sa kusina habang may binabasang dyaryo tapos si nanay naman ay nagluluto na nang agahan. Simple lang yung pamumuhay namin at ako lang ang nag-iisang anak nilang dalawa. Paliwanag kasi nila sa akin matapos daw akong ipanganak ni nanay ay may nagkaroon daw ng problema pero hindi naman nila sinabi sa akin kung anong problemang yun. Ayaw nilang ikwento sa akin. Kaya ayun hindi na pwedeng magkaanak ulit si nanay at tatay.

“Narinig ka naming sumigaw na naman. Ganun parin ba ulit ang napanaginipan mo?” Tanong sa akin ni tatay na agad ko namang ikinatango.

“Pero ngayon may nadagdag sa panaginip ko na yun at pareho dati hindi ko parin makita yung mga mukha nila.” Sagot ko sabay tumingin sa niluluto ni nanay.

“Anong nadagdag?” Mausisang tanong ni tatay na ikinabalik naman ng paningin ko sa kanya. Hindi ako agad nakasagot nang makita ang pag-iba ng muka niya. Mula sa nakangiti hanggang sa naging seryuso na.

HIS PROPERTYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang