MAMA

72 8 5
                                    

NOTE: HELLO PO PLEASE HIT THE STAR BOTTON IF NAGUSTUHAN NIYO PO ITO AT PAG NABASA NIYO NA

Isang salita na may apat na letra
Na lagi nating kasama sa hirap at ginhawa
Pero matanong kita sinabi mo na ba sakanya na mahal mo siya?
Oh baka sinagawan mo nanaman siya dahil di ka niya nabigyan ng pera 

At ngayon masama ang loob mo sakanya 
dahil hindi ka niya pinayagan sumama sayong barkada
Nagagalit ka sa kanya dahil kinokontrol niya ang buhay mo
Kahit nasa tamang edad kana

Pero minsan ba inisip mo siya?
Sumagi ba sa isip mo ang mga pag hihirap niya?
Naisip mo ba kung san siya kumukuha ng pera
Pera na naiwaldas mo na kasi nag walwal ka

Minsan ba kinamusta mo siya at tinanong na
"Ma, kumain kana ba?" 
"Gusto mo ipag-ahin kita"
"Mag pahinga kana ako na bahala sa sarili ko at sa mga kapatid ko"

Minsan ba sumagi sa isip mo yung mga panahong bata ka pa
Na sa bawat pag iyak mo ay kalong kalong ka niya
At ang unang salitang sinambit mo 
Ay ang salitang "MAMA"

Alam mo bang nasasaktan na siya sa tuwing tinatawag ka niya
Pero binabalewala mo siya
Nasasaktan na siya sa tuwing pinag sasabihin ka niya
Pero sumasagot kapa

Nagagalit ka sakanya dahil paulit ulit ka niya tinatawagan sayong telepono
Dahil nag aalala na siya kung bakit wala kapa sa bahay niyo
Pero ikaw nag aalala kaba sakanya sa tuwing ginagabi siya galing trabaho
Kasi kinabukasan bayaran na ng tuition mo

Alam mo bang ang swerte mo
Kasi kasama mo ang mama mo
Ang swerte mo dahil madali mo lang mayayakap ang mama mo
Ang swerte mo dahil lagi mong maririnig ang mga salitang "Mahal na mahal kita anak ko"

Napag tanto mo na ba ang mga sinasabi nila
Na talagang walang makakapantay sa pag mamahal ng isang ina
Na kahit ilang beses mo na siyang tinalikuran
Hindi ka niya kailan man iniwan

Sa mga panahong kailangan ka niya
Nasan ka?
Sa mga panahong umiiyak siya
Niyakap mo ba siya?

Alam mo bang nag susugat sugat  na ang mga kamay niya kakatrabaho para makapag tapos ka?
Alam mo bang kinakawawa na siya ng ibang tao pero tinitiis niya parin ito?
Alam mo bang may nararamdaman na siyang sakit pero hindi niya lang sayo binabanggit?
Alam mo bang kailangan ka niya sa oras nato pero di niya lang pinag pipilitan istorbohin ang tulog mo?

Kaya nag sulat nalang siya para sayo 
At sana sa pag kakataong ito ay basahin mo

"Anak ko, patawad dahil hindi ko nabibigay ang lahat ng gusto mo kahit anong gawin kong pag sisikap sa trabaho hindi kita mabilan ng sapatos na original pati na yung mamahaling branded na cellphone na nakikita mo sa mga kaibigan mo. Pasensya na kung hindi kita mabilhan ng mga bagong damit mo.  Patawad sa mga panahong nasisigawan kita dahil sa katigasan ng ulo mo. Patawad kung madalas ako mag utos sayo. Gusto ko lamang malaman mo na lahat ng ito ay ginagawa ko para sa iyo. Dahil gusto kong mag karoon ka ng maganda buhay pag dating ng araw. Ayokong maranasan mo ang mga hirap na naranasan ko. Gusto ko makitang maganda ang buhay mo bago paman ako mawala sa mundong ito. Gusto kong malaman mo na kapag nasasaktan ka mas nasasaktan ako dahil di ko kayang nakikitang umiiyak ang batang iniingat ingatan ko buong buhay ko. Kaya sana patawarin mo ako kapag hindi kita pinapayagan lumabas kasama ang mga barkada mo dahil ayoko na may masamang mangyari sayo. Gagawin ko ang lahat para sayo anak ko kahit sigaw sigawan mo ko sa harap ng ibang tao. Kaya sana pag dumating ang araw na uugod ugod na ako at di maka lakad ng maayos sana ay alalayan mo ako tulad ng pag alalay ko sayo noong bata ka at natututong mag lakad. Maswerte ako dahil anak kita at laging mong tatandaan na mahal na mahal kita anak ko" 

Gusto kong malaman mo na mahal ka ng nanay, inay, mama, mamshie, mamsh at mommy mo  Ang tanging kailangan niya ngayon ay maramdaman ang yakap mo
At bago pa mahuli ang lahat nais niyang marinig sayo ang mga salitang
"Salamat at mahal na mahal kita ma"

A/N: HI GUYS 2ND PIECE TUTAL MALAPIT NA ANG MOTHER'S DAY DIBA. DI KO ALAM KUNG NAIYAK BA KAYO O HINDI. PERO NALULUHA AKO HABANG SINUSULAT TO. LAGI NIYONG TATANDAAN LAB KAYO NG MAMA NIYO. KUNG GUSTO NIYONG GAWAN KO TO NG VIDEO TAS INANARATE KO SIYA GIVE ME 5 VOTES AND ABOVE MAG UPLOAD AKO SA YOUTUBE AT KUNG SAKALING MA ACHIEVE KO YUNG 5 VOTES ETO YUNG MAGIGING UNA KONG VIDEO SA YOUTUBE AT PARA SANA MAUPLOAD KO SIYA BAGO MAG MOTHER'S DAY. YUN LANG AND GODBLESS. 
VOTE VOTE VOTE

Spoken Word Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon