A/N: Hi guys! Goodmorning hahahahaha madaling araw na eh. So ayun dahil may nag comment sa last kong gawa na "Ikaw at Ako" I decided na gawan siya ng spoken poetry. So ayon guys comment naman kayo kung dapat ko bang gawan ng video yung ginawa ko na tula na yung title "MAMA" di ko kasi alam kung okay ba or hindi eh. So ayun binase ko tong tulang to dun sa nangyare samin nung dati kong crush. Yun lang I hope you enjoy this. Godbless you all.
Ikaw at Ako
Kahit na walang tayo
Gusto ko lang malaman mo etong nararamdaman ko
Kahit na alam kong wala lang naman para sayo
Pero masisisi mo ba ko eh pinaasa mo akoLagi akong nanonood ng mga laro mo
Kahit na alam kong gagabihin ako
Dahil makita ko lang ang mukha mo
Buo na yung araw koNag simula lang naman ako mag ka gusto sayo
Nung pinaheram mo ko ng jacket mo
Kasi diba nasira yung palda ko at sinabi mong
"Suotin mo to ayokong mabastos ka ng ibang tao"Alam kong mali na may maramdaman ako sayo
Dahil nakikita mo lang naman ako bilang kaibigan mo
Pero eto ako di na pigilan ang sarili kong mahulog sayo
Kaya ngayon araw araw sinisigurado kong masaya ka kapag kausap akoMadalas mong ikwento sa akin yung babaeng gusto mo
Yung mala porselanang kutis ang balat hindi yung kagaya ko
Yung babaeng pinapangarap mong mapa sayo
Kahit na di ka siguradoPinapakinggan kita kahit ang sakit sakit na
Kahit gusto ko na umiyak pero nandyan ka
Kaya sinabi ko sa sarili ko na sasaluhin kita
Sa lahat ng pag kakataon lalo na pag nasasaktan kaNa alala mo nung nag patulong ka sakin mag gitara
Dahil darating na ang kaarawan niya at haharanahin mo siya
At eto naman akong si tanga talagang tinulungan kapa
Pero anong magagawa ko eh dito ka masayaHanggang sa dumating yung araw na yon
Nakita kong kinakabahan ka habang hawak ang mga rosas na yon
Nag bulag bulagan ako dahil alam kong masaya ka non
Kaya ngumiti nalang ako habang nadudurog ang puso koPero mali pala ako dahil mas nadurog ang puso mo
Dahil hindi niya tinanggap ang pag mamahal mo
Kaya eto tinakbuhan mo nanaman ako
Bilang kaibigan moLumipas ang mga araw na nalaman mong meron akong napupusuan
Paulit ulit ka sa tanong mong "SINO BA YAN?"
At dahil sa aking taglay na karupukan sinabi ko sayo ang aking nararamdaman
Na gusto na kita higit pa sa pagiging kaibiganPero hindi ako nabigo kahit na tinawanan mo lang ako
Dun kana nag simula na laging hanap hanapin ako
Kaya tumaas ang pag-asa ko
Na baka nga pwedeng maging tayoAraw araw kong sinasabi sayo na kung gano ka kahalaga sa buhay ko
Araw araw kong pinaparamdam sayo na kamahal mahal kang tao
Araw araw kong sinisigurado na laging naka ngiti ang mga labi mo
Hanggang sa sinabi mong gusto mo na rin ata akoSobrang sayo ko sa sinabi mo dahil gusto mo na ako
Akala ko nga sa pag kakataong ito M.U na tayo
Pero hindi ko na inisip yon dahil masaya nako sayo
Nakalimutan ko naring pwedeng masaktan mo nanaman akoNgunit tila bang isang araw iniiwasan mo ako
Dun nako nag simulang mangamba at maging tuliro
Kinausap kita kahit ang bigat ng pakiramdam ko
Ang sakit ng mga sinabi mo "Akala ko gusto ko ang isang katulad mo. Pero patawad dahil gusto ko lamang yung mga pinaparamdam mo sakin na mahalaga ako at hindi ikaw mismo"Kahit masakit para sakin kailangan ko itong tanggapin
Na hindi kanaman talaga para sa akin
Kaya pinilit kitang limutin
At ngayon ay handa nakong sabihinNa IKAW AT AKO
kailanman
hindi magiging TAYO
A/N: So ayon na guys kung umabot kayo dito sobrang thank you. Di yan ganon ka ganda pero gusto ko ilang i-express yung sarili kong nararamdaman. Comment and vote kung gusto niyo. Love lots and godbless po