Chapter 3: Know Me Better

49 0 0
                                    





***Brenda's Point Of View***

Hi guys, BRENDA BERNABE is here.

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa ukay-ukay.

Akala nyo siguro, nasa mall kami nuh???!!! HINDI NUH!!!

Siguro nga pasyunista kami. Pero may kinalalagyan naman.

Namimili kami ngayon ng mga damit para dekorasyunan namin ng sarili naming markang pangpasyunista ang dating. Yes, namimili kami sa ukay-ukay ng aming damit, pero sikreto lang natin yun ah... Hindi kasi alam sa school namin na dito kamisa ukay-ukay namimili ng aming sinusuot eh... Ang alam nila puro branded ang mga damit na sinusuot namin. Pero sa katunayan, bumubili kami dito sa ukay-ukay para lagyan namin ng bagong look o kakaibang aura ang sinusuot naming damit. Kung kinakailangan naming tahiin ang damit upang maging kakaiba sya, gagawin namin. Sa katunayan nga nyan, may patahian kaming magkakaibigan. Sa tambayan naming iyon, doon kami gumagawa ng bagong obra ng mga damit. Ang tawag sa mga katulad namin ay isang "Fashion Designer".

Pero bago ang lahat, nais kong ipakilala sa inyong lahat ang aking mga kaibigan:

Sila ay sina NICOLE KIDDMAN (Maarte man syang ituring ng ibang tao para sa amin na mga kaibigan nya sya ang mapagkakatiwalaan. Pagdating naman sa pasyon, sya ang nangunguna sa may pinaka-kumikinang na damit sa aming grupo. Gusto nya kasi lagi syang kumikinang sa lahat ng kanyang sinusuot.)

RUTH CABALYERO (Super kikay yan pagdating sa pananamit. Hindi yan magkandaugaga sa kung ano ang bagy na damit sa kanya. Pati nga mga burloloy nya kami pa pinapipili kung ano daw bagay sa kanyang damit.)

PATRICIA BERMUDEZ (Matapang na babae yan. Kahit sino pinapatulan nyan. Kahit nga siga na tambaqy sa amin takot sa kanya eh. Hindi sa mahilig sa gulo yan. Sadyang pumapatol lang sya sa mga taong umaagrabyado sa aming mga kaibigan nya. Pagdating naman sa istilo ng kanyang pananamit. Wala tatalo sa kanya pagdating sa kasimplehan na taglay nya)

ROMANA ESGUERRA (Pinakatahimik sa aming grupo. Hindi masyadong palasalita pero pagdating sa pananamit kakaiba sya sa aming lahat. Sya lang naman ang pinakakinahuhumalingan ng mga kalalakihan sa aming eskwelahan.Ngunit sadyang wala lang syang mapili upang makapareha nya sa buhay. Masyadong seryuso pagdating sa usaping pamilya at pag-ibig. Sexy naman syang manamit sa grupo namin. )

AKO???!!! kung ano ang kakaibang uso. Yun ang pananamit ko pero ginagawa ko syang kakaiba upang hindi naman makmukhang gaya-gaya ng ibang designer.

Kaya pagkatapos na pagkatapos naming mamili ng mga kinakailanganin namin ay saka kami dumiretso dito sa aming tambayan.

Kaya nga may kanya-kanya kaming makina sa pananahi dito sa tambayan namin eh... Para makagawa kami ng sarili naming obra ng damit. Nandito kaming lahat dahil magpapasukan na sa susunod na linggo. Kaya todo pursige kaming magkakaibigan para may maibida kami sa pasukan.

"Girls, did you think it can be different?!" tanong ni Nicole, habang nakataas ang damit na ginawan nya ng panibagong mukha.

"Nicole, it's very different from your last design that you've made last year," Ruth answered Nicole. Habang Busy pa rin sa ginagawa nyang damit. Gusto nya kasi bumabagay sa kanya ang damit na ginagawa nya. Ang pagiging "KIKAY"!!!

"I think you need to make another one. Just in case," suggest of Romana while finishing her piece. At partida pa, may kinakain pa yang babulgam habang nananahi ng damit.

"Romana, Nicole did perfect dress..." the rich-out voice from Patricia. Habang inaayos ang kanyang damit na ginagawa. Medyo may mga detalye pa syang nakaligtaan kaya masyado nyang kinikilatis.

ANONYMOUS TEENS in the Philippines (Ft. JaBea, KathNiel and JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon