Chapter 7: Did You Know Me???

29 0 0
                                    

Here we goes...

Presenting....

NICKKA LAZERNA

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

***Nickka POV***

Ano pa ba ang kailangan para mapansin ako ng magulang ko?

Ginagawa ko naman ang lahat ng gusto nila para lang mapansin nila ako?

Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko para sa kanila?

Para namang hindi ako nagbubuhay sa mundong ito eh.....

Mapapansin pa ba kaya ako ng magulang ko sa magagandang ginagawa ko?

o

Kailangan kong gumawa ng kabulastugan para naman nalaman nilang may anak sila?!

Naputol ang pag-iisip ng kung anu-ano nang may kumatok sa aking silid.

~tok! tok!~

"Pasok!!!" sigaw ko bilang pagtugon sa pagkatok.

"Ah, Ma'am may mga bisita po kayong dumating." sabi ng kasambahay namin pagkapasok na pagkapasok nya sa silid ko.

"Uhmm, sinu-sino po ba ang dumating?" tanong ko sa kanya habang nakadapa pa ako sa kama ko at nakatingin sa kanya.

"Mga kaibigan nyo daw po sila." sagot nya naman habang nakayuko ang kanyang ulo.

"Ah, sige po, susunod na lang po ako. Pakisabi na lang po na baba na po ako." tugon ko sa kanya.

Pagkalabas na lagkalabas ng aming kasambahay sa aking kwarrto ay agad akong kumilos at nagbihis ng damit. Pagkabihis ko ay agad akong lumabas ng aking kwarto at agad akong bumaba ng bahay. At nakita ko ang aking mga bisita na nakaupo sa may sala namin.

"Hay Guys, musta?! Ano na ang balita?" bati ko sa kanila at saka umupo sa kinaroroonan nila. At nakikain na rin sa hinanda ng aming kasambahay para sa kanila.

"Ito buhay pa..." sabay-sabay nilang sagot habang kinakain ang mga hinandang pagkain ng aming kasambahay.

"Oo alam kong buhay pa kayo. Ang ibig kong sabihin anong balita sa mga misyon nyo?" tanong ko ulit sa kanila na napataas ang tono dahil sa sinagot nila sa akin kanina.

"Pasensya naman, pwede namang kumain muna bago magreport di ba?!" sagot naman ni Shierra.

SHIERRA GONZALES - kapatid ni RON GONZALES. Lagi silang nag-aaway kung hindi ko nga alam na magkapatid sila iisipin kong mag-jowa sila eh. Pero mabait naman yan at may pagkbratinelang katulad ko. Sya ang pinaka-kakatiwalaan ko sa grupo at sya rin ang unang nakakaintindi ng ugali ko. Kung baga bestfriend ko na sya since birth. Maganda yan matangos ang ilong, pwede nga syang sumali sa pagandahang nilalang sa buong mundo eh. Ayaw nga lang nya kasi mas gusto raw nya makasama kami kesa sa mga kabalbalang ganun. Pero sa aming grupo  sya ang unang nagugutom. Lalo na kapag pumupunta sila dito sa bahay namin. May dugong espanyol pero dito na lumaki. Ang Ama nya ay isang pilitiko sa Spain kaya hindi sya kinikilalang anak ng kanyang ama. kaya lumaki syang ang ina nya lang ang nag-aalaga sa kanya. Ngunit hindi rin sapat dahil laging wala sa kanyang tabi ang kanyang ina para subaybayan ang kanyang paglaki hindi na nya alam kung anu-ano na ang ginagawa ng kanyang anak eh.

ANONYMOUS TEENS in the Philippines (Ft. JaBea, KathNiel and JaDine)Where stories live. Discover now