Chapter 4: Who Are You?

32 0 0
                                    

***Author's Point Of View***

***DYLAN Side***

Habang tumutugtog ang banda nila Dylan. Hindi magkahiyawan ang mga manunuod sa kanilang tinutugtog. Mas maraming mga babae ang walang sawang hiyawan sila at banggitin ang kani-kanilang pangalan. Pero ang karamihan ay naghihiyawan kay Dylan.

"Dylan ang gwapo, gwapo mo!!!"

"Dylan sana mapasa akin ka!!!"

"Ang galing mong tumugtog Dylan!!!"

"Ang cute mo Samuel!!!"

"Akin ka na lang, Kristian!!!"

"Ang gwapo mo, Dexter and Jimuel!!!"

'Yan ang mga sigawan ng karamihan sa mga nanunuod na kababaihan. Sa dami nilang naghihiyawan para sa mga myembro ng banda ay hindi na nila maintindihan ang mga lyrics ng kantang kanilang tinutugtog. Dahil karamihan sa kanila ay hinahangaan ang banda nila Dylan dahil sa kanilang 'looks' at hindi sa talento nila sa pagtugtog.

Kaya minsan, nawawalan na sila ng ganang tumugtog at nagpasya silang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Simula nung sila'y sumikat sa pagtugtog ay huminto na sila sa pag-aaral. Kaya nagpasya na silang tumigil muna sa kanilang pagtugtog at pagibayuhin ang kanilang pag-aaral.

Nakapag-enroll na rin sila para sa pasukan ay makapasok na sila ng paaralan. Ngayon, ay nagsama-sama sila sa bahay nila Dylan upang pag-usapan ang kani-kanyang bakasyon na nangyari noong hindi sila magkakasama.

Kasalukuyang, nakaupo ang lahat sa sala ng bahay nila Dylan. At kumakain na rin ng hinandang pagkain ng kanilang kasambahay.

"Oh, wha'ts up? mga dude?" panimulang pananalita ni Dexter.

DEXTER FRANCIA - sya ang drummer ng banda. May katangkaran at kulot ang buhok. Maporma sa barkada at madiskarte pagdating sa mga babae. Pero may isang babae na malakas ang hatak sa kanya at hindi nya kayang bitawan pa. Maloko minsan, sya kasi ang 'Joker' ng barkada.

"Were all fine, Dex," sagot naman ni Samuel.

SAMUEL GARCIA - 2nd base guitarist ng banda. Mas matangkad sya kay Dexter ng isang metro. Ka-buddy nya sa kalokohan si Dexter. Lagi nga silang nagbabarahan ng mga kalokohang sagot. At mga Pilosopong pangangatwiran.

"I know it, already Sam, What I mean is how's your vacation?" balik na tanong ni Dexter.

"Ow!!! I'm sorry, pardon me... please..." answered of Samuel with matching puppy eyes.

"Sam, hindi bagay sa'yo," sabad naman ni Kristian.

KRISTIAN KABLE - lead vocalist ng banda. Lagi syang may salamin na suot kahit na hindi naman malabo talaga ang kanyang paningin. Pangporma lang talaga kumbaga. Makulit din sya katulad ni Dexter pero nilulugar nya. Kungbaga isinasaalang-alang nya ang sitwasyon. Pero stick to one lang sya. Kahit na pinagkakaguluhan pa sya ng lahat ng kababaihan.

"Atleast, gwapo..." sagot naman ni Samuel.

"Huwag nga kayong maingay!!!" saway naman ni Jimuel.

JIMUEL PALAEZ - lead guitarist ng banda. Pinsang buo ni Dylan. Sya ang pinakabata sa barkada, kaya minsan immature kung mag-isip. Minsan, hindi makasabay sa trip ng barkada. Pero laging kinukutsaba ng kanyang pinsan. Kaya napasama sya sa kanilang banda.

"Insan, masyado ka atang badtrip ngayon?" pansin na may tanong ni Dylan.

DYLAN PALAEZ - 1st base guitarist. Pero marunong din syang kumanta. Kaya minsan, kapag wala o may emergensing nangyari kay Kristian sya ang sumasalo nito. Kaya mas lalong dumami ang kanyang tagahanga dahil sa minsan syang kumanta at wala si Kristian ay agad syang nagustuhan ng mga manunuod. Minsan pa nga sa isang gig nila ay ni-request syang kumanta sa buong gabi nila. Kahit na nandyan pa si Kristian.

ANONYMOUS TEENS in the Philippines (Ft. JaBea, KathNiel and JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon