Part II

7 3 0
                                    

(Chapter 2)

Nang nasa tricycle na kami ,nasa driver sit ako naka upo tapos si Rae ay nasa loob sya naka-upo, nagke-kwentuhan, nagtatawanan at naghaharutan kaming dalawa. Maya-maya ay bumili sya ng shake at binigay nya sa akin ung isa. Binibiro ko sya..

"Naku Rae baka may gayuma to ha". Sabi nya "

"Hala Scarlett  hindi ako marunong nyan no", tumawa nalang ako.

Nang natapos na ung basketball at dumaan na 'yong tita ko pauwi, nagpaalam na din ako kay Rae na umuwi at sya ay umuwi na rin. Pero nang dumating na kami sa aming mga bahay, magkatext at magkatawagan na naman kami.

N'ong kaarawan na ng lola nya nang hapon at 'yon ay ngayon, nagtext si Rae para yayain akong pumunta d'on para magkantahan at uminom, pero tinanggihan ko 'yon dahil nagbebenta kami ng tita ko.

Sabi nya "Scarlett ,ako na ang pupunta dyan sa inyo pero sa likod lang tayo ng bahay nyo magkita sa tabing dagat".

Sabi ko sa kanya "Sige Rae hintayin kita d'on".

Maya-maya dumating sya.

" Hi Scarlett  tara ligo tayo sa dagat?" 

"Ayaw ko Rae kakatapos ko lang maligo ikaw na lang."

"Sige ako nalang."

Pagtapos nya maligo ay niyaya ko sya pumasok sa bahay para mag meryenda, kwentuhan at pagkatapos kumain ay nagpaalam na sya na umuwi. Nang umuwi na sya nagtanong ung lola at tita ko..

"Sino 'yon Scarlett  bf mo?"

"Hindi po kaibigan ko lang 'yon lola , tita."

At nagtanong na sila tungkol kay Jay, kilala ng tita ko ung mama nya.

7 pm, nagtext si Rae.

(Scarlett  'andito ako malapit sa inyo.)

Sige punta ako dyan magpapaalam lang ako sa tita ko.

(Sigee hintayin kita dito Scarlett!!)

Nang dumating ako doon sa tricycle, tinanong nya ako.

"Anong paalam mo d'on? "

"Sabi ko "tita gagala muna ako, kasama ko si Rae"

" Hahaha. Naku patay 'pag nawala ka ako ang malalagot."

" Malamang ikaw kasama ko eh hahahahaha."

Inalok nya akong umupo sa loob ng tricycle katabi nya, kaso nahihiya ako.

"Naku nahiya pa haha. Upo kana dito 'wag ka ng mahiya. Parang hindi mo ko kaibigan."

Kaya n'ong sinabi nya 'yon umupo na lang ako sa tabi nya at 'yon tawanan kami at nag haharutan na naman. Hanggang sa 11pm na ay 'yong tita ko lumabas sa gate namin at tinawag ako para umuwi na, 'yon nagpaalam na kami ni Rae sa isa't isa para umuwi na. Pagdating nya sa bahay nila nagtext sya.

(Scarlett 'andito nako sa bahay.)

Buti naman kung gan'on

(Scarlett  may bf ka na ba? )

Wala. 3 months na kaming break n'on. Eh ikaw may gf ka na? 

(Scarlett  babalik na pala ako bukas sa City dahil malapit na ung graduation ko.)

Ok Rae ingat ka bukas!

Hindi nya sinagot 'yong tanong ko iniba nya ang topic naming dalawa, kaya hinayaan ko na lang, hanggang sa natulog na kaming dalawa.

Kinabukasan, siya ay bumalik na nga sa city dahil malapit na ang graduation day nya.

Two days before nang graduation nya nagtext sya sa akin.

( Hi. Scarlett  may gf na ako at 5 years na kaming dalawa, sorry ha kung ngayon ko lang sinabi sayo na may gf ako. )

•(N'ong nalaman ko na may gf na pala siya,na kahit naman na alam ko na pero  syempre masakit dahil nga na fall na ako sa kanya pero, hinayaan ko lang at binalewala dahil hindi nya naman alam na may feelings na ako sa kanya.)

Ok lang atleast ngayon nasabi mo na.

( Gusto ko lang may makwentuhan ngayon Scarlett  tungkol sa amin, kaya ikaw ang gusto kong sabihan ngayon dahil kaibigan kita, at nakita ko na mabuti kang tao Scarlett. )
 

Bakit ano ba 'yon? 

(Naiinis ako sa gf ko Scarlett  kasi parang feeling ko wala na syang gana sa relasyon namin, at sabi nya pa itetext ko nalang daw sya kung ano ang plano sa grad. ko, pero Scarlett  alam nya naman lahat kung anong plano. )

Edi mag-usap kayong dalawa Rae, dahil kayong dalawa lang naman ang makakapag-ayos nyan. 

('Ayon nga Scarlett  ang hirap dahil lagi syang busy, ayaw ko nman masira relasyon namin dahil mahal ko sya. )

'Pag hindi na sya busy saka kayo mag-usap na dalawa. 

(Sige Scarlett  salamat.)

N'ong nalaman ko na may gf na sya at 5 years na sila ng gf nya, natanong ko sarili ko na anong laban ko sa 5 years at halos lahat na ng bagay napagdaanan na nila, eh ikaw Scarlett  wala pa kayong isang buwan na magkaibigan. Kaya nasabi ko nalang sa sarili ko na, Scarlett  tama na, 'wag
na akong umasa kasi baka sa huli mas lalong masasaktan pa ako.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-**-*-*-*-*-*--*-**-*-*-*-*-*-*-*-

Love Of Star - Im Yours,But You're Not Mine? ( 🖒Completed)Where stories live. Discover now