Part III

3 3 0
                                    

(Chapter 3)

Isang araw nagchat sa akin si Rae at pinapapunta niya ako sa Tricycle para daw magusap kami.At umu-oo nalang ako.

"Bakit kasi ngayon ka lang dumating Scarlett? Kung kailan pa na may mahal na ako."

"Hay hindi ko rin alam Rae kung bakit, baka siguro 'yon ang plano ng Panginoon sa ating dalawa. Bahala na hayaan mo na 'yan."

"Scarlett  sorry talaga ha, dahil sakit lang ang naidulot ko sa 'yo at hindi ko masuklian ang pagmamahal mo sa akin. "

" Ok lang Rae atleast napapasaya mo 'ko at bahala na si Papa G kung ano ang plano nya sa ating dalawa. "

"Kung gugustuhin ko lang talaga Scarlett eh kaso hindi talaga pwede.

"Tama na, hayaan mo na yan."

Kinabukasan ng umaga nagtext si Rae sa akin.

(Hi good morning, ano tuloy tayo maya? )

•(Noong mga nakaraang araw niyaya ako ni Rae na gumala kami sa isang beach d'on sa City at d'on mag-dinner, bago sya bumalik dahil ipaprocess nya pa ang mga papers nya. Sa mga susunod na linggo pupunta na sya ng Cebu para mag-review para sa exam nya at baka mga 4 months din sya d'on.)

Oo tuloy tayo mamaya sunduin mo lang ako dito sa bahay. 

( Ok mga anong oras ba? )

Mga 3 pm.

( Sige.)

Habang naka-upo ka sa room mo at hinihintay 'yong oras, 'yong pakiramdam na napapa-isip ka na lang at napapahiling, na sana sya na lang, sana akin nalang siya, sana ako nalang 'yong mahal nya. 'Yong puro na lang sana ung nasa isip mo. Hay pag ibig nga talaga.

Nang nag 2:20pm na naligo na ako at nag-ayos. Habang nagpupunas ako ng buhok ko, dumating na si Rae na naka-motor, lumabas ako ng bahay para puntahan sya, 'yong mama ko naman sumigaw ng ..

"Papasukin mo 'yan dito, 'pag hindi yan pumasok dito hindi kita papasamahin sa kanya".

Noong narinig 'yon ni Rae, agad-agad syang pumasok sa bahay at bumati kay mama ng magandang hapon. Nang natapos na 'ko mag-ayos ng buhok at mukha ko, niyaya ko na siya na umalis at nagpaalam na kami sa mama at papa ko.

Habang bumabyahe kami, sinasabihan nya ako.

"Humawak ka Scarlett ! "

"'Ayan naka hawak na 'ko Rae."

*awkward*

"Ano 'yan sa damit ko at ang liit pa ng pag hawak mo? "

"Eh ano gusto mo yayakap ako sa 'yo Rae?"
 

"Pwede Scarlett  yumakap ka na lang. 

"Naku tigilan mo 'ko isusumbong kita sa gf mo! "('Yong sa isip mo, gusto mo din naman syang yakapin pero nahihiya ka hay) 

" Naku Scarlett sige na humawak ka na ng mahigpit dyan."

Nang nakarating na kami sa beach, umupo kami sa ilalim ng niyog dahil mataas pa 'yong araw. Habang naka-upo kaming dalawa, nagke-kwentuhan kaming dalawa tungkol sa amin.

"Grabe Scarlett  nong isang buwan pa lang tayong magkakilala pero, nagkaiyakan na tayo, nagkatampuhan at kung ano-ano pa. "

"Oo nga Jay eh daig pa natin 'yong matagal na magkaibigan."

Habang naka-upo ako, si Rae naman humiga sa hita ko at tuloy pa rin ang kwentuhan at tawanan naming dalawa habang hinihintay ang sunset. N'ong nag-sunset na, lumipat kami malapit sa dagat.

Habang naka-upo kami at tinitignan 'yong sunset, hinawakan nya 'yong kamay ko, (kinabahan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya hinayaan ko na lang)

" Shane? "

"Bakit? "

" Alam mo Scarlett , sa tuwing kasama kita ibang saya ang nararamdaman ko at ang gaan ng pakiramdam ko. "

" Ako din naman Rae ang saya ko tuwing kasama kita, at nakakalimutan ko 'yong mga problema ko. Thank you Rae ha.

" Thank you din sa 'yo. Tara lakad-lakad tayo? "

"Sige tara."

Habang naglalakad kami ni Rae, inakbayan nya ko. Nang nagsawa kami sa kakalakad, niyaya nya 'ko mag-meryenda. Habang nagmemeryenda, nagsusubuan kaming dalawa.

Pumunta kami sa Plaza at d'on naglakad-lakad kaming dalawa at nag-kwentuhan ng kung ano-ano at tawanan na naman.

Nang dumilim, umupo kami. Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na 'yon. Maya-maya niyaya ko sya na bumalik sa beach.

Umupo kami sa tabing dagat. Nag-stargazing kaming dalawa, niyakap nya 'ko at hinahawakan ung kamay ko. Humiga sya sa buhangin at pinahiga nya rin ako sa mga braso nya. ('Yong feeling na habang nakahiga ka sa braso nya, naalala mo nalang na dati, 'yong mga pinapangarap mo nagkatotoo lahat tulad nang gumala sa isang beach kasama 'yong taong mahal mo. Mag-stargazing ka kasama mo siya, at 'yong magdi-dinner na kayo lang dalawa ng taong mahal mo).

Nang pag-8 pm na, nag-dinner na kami ni Rae.Pagkatapos mag-order pagbalik nya sa upuan, tinititigan nya ako. Napansin ko kaya tinanong ko sya.

"Bakit may dumi ba 'ko sa mukha? "

"Wala."

"Eh bakit tinititigan mo 'ko? "

"Gusto ko lang na titigan ka kasi mamimiss talaga kita ng sobra 'pag umalis na 'ko."

" Ako din naman Rae mamimiss kita ng sobra."

Habang kumakain, nagke-kwentuhan, nagsusubuan at pinupunasan nya 'yong mukha ko 'pag may dumi. Pagkatapos naming kumain, naglakad-lakad muna kaming dalawa sa tabing dagat at napag usapan naming dalawa ang tungkol sa aming dalawa.

"Scarlett ? Ok lang ba sa 'yo kahit na ganito 'yong sitwasyon natin? "

" Alam mo, kahit masakit at mahirap itong sitwasyon natin ok lang. 'Yon kasi ang gusto ng puso ko, 'yong mahalin ka kahit na hindi ko alam kung saan ito patutungo. Tataya na lang ako, bahala na kung matalo o manalo ako sa huli, basta nagawa ko 'yong gusto ko.At ang mahalin ka dahil 'yon lang ang gusto kong gawin."
 

"Sorry Scarlett kung hindi ko maibabalik ng buo 'yong pagmamahal mo sa akin, pero Scarlett mahal kita at hindi joke 'yan."

"Ok lang Rae. Ok na sa akin kahit na ganito lang ung relasyon natin. Kahit na mahal natin ang isa't isa pero bawal."

-*-**-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-**-*-*-*-*-*-*-*-*

Love Of Star - Im Yours,But You're Not Mine? ( 🖒Completed)Where stories live. Discover now