Part IV(Wakas)

14 3 0
                                    

(Chapter 4)

Pag tapos naming mag usap ni Rae umuwi na kami. Habang naka-angkas ako sa motor nya, nakayakap ako sa kanya hanggang sa dumating na kami sa bahay namin.

After 20 minutes, nagtext na si Rae na dumating na sya sa bahay nila. 'Yon na ang huling kita at pagsasama namin ni Rae, dahil pumunta na sya sa Cebu.

N'ong natapos na kumain ang lahat, nagyayaan na kami ng mga kaibigan ko at nila Rae at Hendrix na mag-inoman na.

Habang nag-iinoman kami, magkatabi kami ni Rae at siya ang tumatagay. Ako naman ay laging nakatayo tapos upo dahil inuutusan ako ni mama, at tuwing balik ko sa upuan ko shot ko na.

Hanggang sa nalasing na ako at nagsuka. Umiyak ako at inalalayan na 'ko ng mga kaibigan ko at ni Rae papunta sa higaan ko. Nang nasa higaan na 'ko, sila Rae at ang mga kaibigan ko ay nagpaalam ng umuwi dahil gabi na.

Kinabukasan tinext ko sila Rae at Hendrix . Humingi ako ng sorry sa nangyari n'ong gabing 'yon at magkatext kami ni Rae hanggang sa may tinext sya sa akin n'ong hapon na mga 3 pm.

( Scarlett  sorry ha nagugustuhan na kasi kita, pinigilan ko naman eh kasi may gf ako pero wala eh hindi ko mapigilan ung feelings ko para sayo sorry. Alam mo Scarlett n'ong una pa lang gusto na kita, lalo na n'ong unang kita natin at dahil din siguro sa mabait ka.)

Sorry din Rae kung hindi ko rin mapigilan 'tong feelings ko para sayo, kaso hindi pwede.

( Pero kung single lang ako ngayon, n'ong nakaraan pa ako nagpaalam kila mama at papa mo na ligawan ka, kaso bawal eh at kahit gustohin ko pa Scarlett , pero hindi talaga pwede. )

Ok lang Rae ayaw ko din naman makasira ng isang relasyon.

Simula n'ong nagreview si Rae sa Cebu, minsan na lang kaming magkatext na dalawa. Hanggang sa dumating 'yong araw na hindi na kami nagkakatext, hanggang sa lumipas ang walong buwan at nakauwi na ako sa amin sa probinsiya.

Tuwing ikaapat ng buwan pumupunta ako sa beach kung saan kami gumala ni Rae at nag-stargazing, at d'on sinasariwa ko ang alaala naming dalawa ni Rae habang nakaupo ako sa tabing dagat at nakatingala sa mga bituin sa kalangitan.. nang biglang may tumakip sa mata ko.

Nakawala ako sa pagkahawak at nang nakaharap na ako sa kanya, natulala ako.

"Hoy Scarlett para ka namang nakakita ng multo, ako lang 'to."

•(Nyakap ko siya ng mahigpit.) "Kamusta ka na, ang tagal mong hindi nagparamdam ah, ano na ang balita? Oo nga pala bakit ka andito, paano mo nalaman na nandito ako? "

"Pumunta ako sa bahay nyo eh sabi ni tita nandito ka daw sa beach, kaya pinuntahan kita dito. "

" So ano na balita Rae, kamusta naman exam mo? 

"Pumasa ako!"

" Talaga? Congrats!"

"Eh ikaw ano balita sa 'yo? "

"Ganoon pa rin."

"Kumusta naman ang lovelife mo? "

"Wala, eh kayo ng gf mo kumusta na?"
 

" 'Ayon wala na dahil may iba siya. "

" Ay bakit sayang naman. "

" Hayaan mo na."

Habang nagkukwentuhan kami ni Rae, hindi na namin namalayan na 9pm na pala. Nagyaya na siyang umuwi na kami at hinatid ako niya ako sa bahay.

Ilang minuto kong hinintay 'yong text ni Rae na nakarating na siya sa bahay nila. Nang nagtext na si Rae, nagpaalam agad ako sa kanya na matutulog na ako at nag-good night naman din siya sa akin.

Kinabukasan, nagtext si Rae sa akin.

( Hi. Good morning!)

Hello. Goodmorning din!

(Kumusta naman tulog mo?)

Ok lang, nakatulog naman ako ng maayos. Ikaw kumusta tulog mo? 

(Ok lang din. Nag-almusal ka na? )

Buti naman kung ganoon. Hindi pa eh magluluto pa lang ako hehe. Ikaw kumain ka na? 

(Kakain pa lang, tara kain tayo. )

Sige kain ka na muna dyan.

Nang hapon habang nakaupo ako at nakikinig ng music sa likod ng bahay, may biglang akong narinig na pamilyar na boses mula sa likod ko at napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Oh Rae ba't hindi ka man lang nagtext na pupunta ka dito? "

" Sinadya ko talaga na hindi magtext sa 'yo, para surprise. Oh 'di ba nasurprise ka? Hehe."

"Naku ang corny mo. "

"Kinilig ka naman. Yiee hehehe. "

" Che hay naku tigilan mo ako. Oo nga pala ba't ka nandito?"

"Gagala tayong dalawa kahit saan. "

"Baka hindi ako payagan ni mama. "

" Napagpaalam na kita kay tita kanina. Tara na? "

"Ok."

Pumunta kami ni Rae sa pantalan kung saan kami naligo kasama n'ong isang kaibigan nya n'ong nakaraan, at umupo kami ni Rae sa ilalim ng malaking bato habang naguusap kami.

"Scarlett? "

"Bakit? "

"Pwede ba kitang ligawan ulit? "

"Huh? Sure ka? Baka naman gagawin mo lang akong panakip butas mo? "

"Hala grabe ka naman hindi ah, pero sige papatunayan ko sa 'yo na hindi ganyan ang intensyon ko sa 'yo. "

"Uy hala, nagbibiro lang naman ako eh. Pero sige pwede ka ng manligaw. "

"Talaga Scarlett thank you, at tara na uwi na tayo dahil dumidilim na. Baka pagalitan tayo ni mama mo. "

"Hala oo nga."

 Nang nahatid na ako nya na ako sa bahay, nagpaalam na agad siya na umuwi na rin dahil dumidilim na.

Nagtext si Rae na nasa bahay na siya at nagpaalam na din na matutulog na dahil gabi na at pagod siya dahil sa gala namin kanina.

Kinabukasan ng umaga nagtext siya.

(Good morning!)

Good morning din!

(Mag-almusal ka na. 'Wag magpapalipas at magpapagutom! 
Ito na nga eh kakain na nga ako, ikaw din kumain ka na rin diyan! )

Yes boss.

3 pm, may motor na tumigil sa tapat ng bahay namin at nang nakita ko 'yong taong nagdrive ay si Rae pala 'yon. Bakit pumunta siya dito? Sinalubong ko siya sa labas.

" Bakit nandito ka? Bakit hindi ka nagtext na pupunta ka dito? "

"Ay grabe isa-isang tanong lang, pumunta ako dito para manligaw ng maayos sa 'yo. Nasaan sila Tita? "

"Nandoon sa likod ng bahay, bakit anong kailangan mo sa kanila?" 

"Magpapaalam ako sa kanila na liligawan kita."

Nang nagpaalam si Rae na liligawan nya ko, pumayag naman 'yong parents ko.

○'Pag hindi busy, pumupunta siya sa bahay. Limang buwan ng nanliligaw si Rae nang pumunta kami sa beach kung saan kami unang gumala noon at d'on ko na siya sinagot.

"Yes!!!Yuhooo!! "Napasigaw siya noon. Lumipas ang mga taon nagpakasal na kami ni Rae at bumuo ng isang masayang pamilya.

WAKAS.

-*-*-*-*-**-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*--*-**-*-*-*-*-*-*

Thanks for reading!!!

Love Of Star - Im Yours,But You're Not Mine? ( 🖒Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora