Chapter 23

335K 16.9K 6.3K
                                    

He's in my room. Pagkalabas ko ng banyo ay naririto na siya. Halos sakupin niya ang buong kama ko dahil sa mismong gitna siya nakapwesto, at ang laki niyang tao. He's a well built man and a six footer for god's sake! Hindi siya bagay sa color pink kong beddings!


But what is he doing here?


Hindi ako makapagdesisyon kung lalapitan ko ba siya upang gisingin dahil mukhang malalim na ang kanyang paghinga. Mukhang sa kanyang paghiga ay nakatulog agad siya. Nakatihaya siya at ang kanyang mga braso ay nakadipa. Pero bakit nga nandito siya sa kwarto ko at wala sa kwarto niya?


Nagkamali lang ba siya? Sa sobrang pagod niya ba ay akala niya kwarto niya ang kanyang napasok at kama niya ang kanyang nahigaan? Pero tandang-tanda ko na ini-lock ko kanina ang pinto bago ako pumasok ng banyo.


"You left without me."


Napaigtad ako nang bigla siyang nagsalita. Hindi siya tulog!


"And without even telling me that you're leaving."


"Sorry kasi—"


"Don't you have any idea how worried I am?" Hindi pa rin siya dumidilat.


Naimagine ko tuloy ang kanyang reaksyon nang malaman niyang nauna na akong umuwi. Siguro nang marealized niyang wala na ako sa party ay bigla siyang nataranta at napauwi kaya nandito na siya agad ngayon. At naiimagine ko na rin ang yamot na reaksyon ni Val dahil nasira ko ang birthday niya.


Humakbang ako palapit sa kama. "Sorry. Akala ko sasabihin sa 'yo ni Sacha na umalis na ako."


Wala pa rin siyang katinag-tinag sa pagkakahiga. Hindi niya na suot ang tux niya at tanging polo na bukas ang unang butones na lang ang pag-itaas niya, at sa ibaba ay jeans. Nakakalat naman sa sahig ng kwarto ko ang hinubad niyang tie at sapatos. Sa ibabaw ng dresser ko ay nakapatong ang mamahalin niyang cell phone at relo.


Hmn... mukhang uminom siya sa party. Kaya siguro siya nagkamali ng pinasok na kwarto dahil lasing siya.


Pinagmasdan ko siya habang nakapikit ang kanyang mga mata. Ang amo ng mukha niya kapag ganitong nakapikit at hindi seryoso. Wala akong mabakas na kahit na katiting na kasungitan. Pinagmasdan ko lahat ng detalye mula sa makinis na balat, makakapal niyang kilay, malalantik na pilikmata, perpektong ilong at mamula-mulang mga labi. Nakapaguwapo niya lalo ngayong hindi nakakunot ang kanyang noo at wala ang malamig niyang mga tingin.


"Staring is rude, doll."


Nag-init ang pisngi ko.


"So why are you staring at your stepfather?"


Napangiwi ako. How did he know that I'm staring at him? May mata ba siya sa noo?


"So why did you leave without me?"


"Ah... s-sumakit ang tiyan ko. Hindi na kita inistorbo dahil nakita kong busy ka with Val." Na sa sobrang busy mo yata ay nakalimot ka ng kasama mo ako. Dugtong ko sa isip.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon