Chapter 46

291K 12.4K 3.8K
                                    

"HELLO, PRETTY GIRL!"


Nahinto ako sa paglalakad. Four pm at katatapos lang ng last class ko. Galing akong comfort room at babalik na sana sa bench kung saan naghihintay sina Hilda sa akin nang biglang may humarang sa daan.


"How are you?" Nakangiti siya nang lumapit.


"Okay lang." I casually smiled at her. "Sige, ah? May naghihintay kasi sa akin." Nilampasan ko na siya.


Ano bang ginagawa niya rito? As far as I know, hindi na siya student dito. Kahit naglalakad na ako palayo ay ramdam ko pa rin ang mga mata niya. When I turned, she was still there.


Kumaway siya at humabol. "Saan ka ba? Sinong naghihintay sa 'yo?"


"My friends..."


Namilog ang mga mata niya. "May kaibigan ka?"


"Mga kaklase ko sa isang subject." Hindi ko alam kung bakit sinasagot ko pa ang mga tanong niya. "And yup, mga kaibigan ko sila."


"Sila? So marami ka na palang friends?"


Mabilis ang mga lakad ko kasi gusto ko nang makalayo, pero mabilis din ang mga lakad niya pasunod sa akin. Sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayang may bato sa daan, natalisod ako at muntik nang mangudngod sa semento kung hindi lang naagapan ni Olly ang buhok ko.


Napangiwi ako nang hilahin niya ang buhok ko na nakapigtail. "Okay ka lang, Fran? Di ka kasi tumitingin sa daan."


"I... I'm okay. Please get your hand off me."


"Some things never change, 'noh? Hindi ka pa rin pwedeng mag-isa, kasi napapahamak ka. San ba 'yang mga friends na sinasabi mo? Mga di maaasahan."


"Oh, look who's here. Reunion ba 'to?" Boses mula sa may ari ng kulay itim na stilettos sa harapan ko.


I looked up to see a familiar face. Sacha was staring at me with her mocking eyes.


Napatuwid ako nang tayo sabay pagpag sa kamay ni Olly na nakakapit pa rin pala sa buhok ko. "Olly, my hair!"


Binitawan niya ang buhok ko saka ako hinawakan sa balikat. "Don't worry, Fran, I got your back this time."


"So Olly, are you sure you're siding with that girl now?" Tiningnan ako ni Sacha.


Napangiwi ako. Mukhang reunion nga ito. Reunion ng mga plastic.


"Why so surprised that I am here?" nakasimangot na tanong ni Sacha. "What, Fran? Wala akong karapatang magback to school? Why? Feeling mo ikaw na ang reyna rito? Ang pinakamaganda after kong umalis dito?"


"Wala akong ganyang iniisip, Sacha," mahinahong kong sagot sa kanya.


Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon