Chapter 34

374K 14.8K 5.4K
                                    

"HUY SIRAULO KA NA?"


Tumawa si Jackson at hinila ako palapit at niyakap nang mahigpit. "Sobrang tapang na ng bibig mo."


Itinulak ko siya para lang mangudngod sa matigas niyang dibdib. Hindi niya ako pinapakawalan. "Bakit ka kasi nagyayaya ng kasal?!"


I was only nineteen! Kahit hustong gulang na iyon, still, sino ang hindi mabibigla?! At sigurado ba siya?!


"I just wanna make sure na akin ka na palagi." Hinila niya ako at naupo siya sa kanyang swivel chair. Sa kandungan niya naman ang landing ng pwet ko nang hilahin niya na naman ako.


"Gusto mo bang magdeklara ng world war ang daddy mo?"


Ginusot niya ang buhok ko kaya nalaglag tuloy sa may noo ko ang aking medyo mahaba ng bangs.


"I'm serious, doll, I wanna marry you." Nakatitig siya sa akin na parang nasisiyahan sa itsura ko.


Pinitik ko ang matangos niyang ilong. "Wag kang magsasalita nang ganyan nga."


Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. "Ayaw mo ba akong maging asawa?"


Lumabi ako.


"Dad can no longer do anything once we're already married. And about my business marriage with your late mother, it's a secret that not many people know about. It has no meaning as just a fake partnership for strategic purposes."


Napabuntong-hininga ako. Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya?


"You have nothing to worry because I'll take care of everything." Marahan niyang kinagat ang hintuturo ko.


"Jackson..." Ramdam ko ang pagapang ng init mula sa gilid ng mga tainga ko hanggang sa pisngi. Inisa-isa niya ang mga daliri ko.


"Marry me, Fran." Seryoso siya at parang bibigay ang mga tuhod ko sa mga titig niya. He's still biting the tip of my fingers.


"Masyadong mabilis..." May tiwala naman ako sa kanya, hindi rin naman ako nag-iisip na magkagusto pa sa iba, at nakikita ko rin ang aking sarili na kahit lumipas ang panahon ay siya pa rin ang gustong makasama... But what about him? Gaano siya kasigurado sa akin?


"Doon din tayo pupunta."


"Gaano ka kasigurado?"


"Basta alam ko." Ang buhok ko naman ngayon ang nilalaro niya. "Okay na ako. Hindi na ako malungkot, my doll."


"Mabuti naman. Ayaw kong malungkot ka. Hindi ako sanay na malungkot ka."


"Saan ka sanay?" Ngumisi siya at kinabig ang bewang ko.


"Sa nagsusungit ka. Sa seryoso ka lang. Iyon ang kinasanayan ko."

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon