Marry Me!

5 1 0
                                    

One Shot Story

Unting unti syang Lumuhod at may hawak syang pulang maliit na kahon.

Naiiyak nako sa totoo lang hindi ko aakalain na gagawin nya yun sa maraming tao.

"Love, Ito ang matagal ko ng gustong gawin sayo, sa totoo lang nahihiya ako kasi ang daming tao nakatingin sa atin. Alam mo naman na mahiyain ang boyfriend mo."

Hindi ko na mapigilan na humagulhol sa sinabi nya. Nakakalambot ng puso.

Bakit ko ba kasi ito iniwan?

"Love."

Habang unting unti nyang binubuksan ang maliit na kahon.

"Tinatanggap mo ba ako bilang kabiyak sa hirap at ginhawa. Tinatanggap mo ba itong sing sing na inaalay ko sayo tanda na ikaw ay mapapangasawa ko."

Umiiyak lahat ng tao sa paligid habang sinambit nya ito. Hindi kasiyahan ang nararamdaman ko kundi kalungkutan.

"Love, Will you marry me?"

At tuluyan na nyang binuksan ang pulang kahon.

Napakaganda ng sing sing na inaalay nya sa akin, bagay na bagay saking palasingsingang daliri.

Nakaluhod parin sya, nakaluhod parin sya sa aking lapida, Lahat ng tao ay nag iiyakan sa kanyang ginawa.

Nag aalay sya ng sing sing kahit na ako'y patay na.

"Sorry Love kung iniwan na kita, kahit na gusto ko mang tanggapin ang sing sing hindi ko na magagawa, sapagkat ako'y kaluluwa na."

-vote or comment blues💙

One Shot/Short StoriesWhere stories live. Discover now