Kasal

0 0 0
                                    

One Shot Story

Heto na! Heto na ang pinakahihintay ko sa lahat. Ang saya saya ko kasi matutupad na ang isa sa mga pangarap ko. Ang Ganda talaga ng suot ko ngayon ang haba ng bistida ko, ang bango at ang ganda ng bulaklak na aking hahawakan, simple lang ang kolorete ko, ang daming palamuti sa buhok ko, kumikinang ang aking kwintas at hikaw. Hay! ilang oras nalang malapit na akong lumakad sa altar sana bumilis na ang oras para makapunta na ako sa simbahan.

"Mahal! hintayin moko jan." wika ko habang nakangiting nakatingin sa salamin.
---------------------

Heto na! nandito na ako sa tapat ng simbahan hinihintay ko nalang buksan ang malaking pintuan, malapit ko ng makita ang pinakamamahal kong lalaki sa mundo. Hindi ko mapawi ang kasiyahan ko.

Heto na sya unting unti ng bumubukas.

Salamat mahal makikita na ulit kita.

Unting unti nakong lumalakad sa gitna ng simbahan ang daming nakatingin sa aking bisita.

Malapit na ako, malapit na malapit na.

Nakikita ko na sya...

Nakikita ko na ang lalaking pinakamamahal ko...

Nakikita ko syang nakahiga sa kabaong...

Ang saya saya ko maiikakasal na tayo kahit alam kong sa sarili ko wala ka nasa mundong ito.

Mahal hintayin moko maiikakasal na  rin tayo.

Naririnig ko na ang mga tao sa paligid na nag iiyakan pero pinatatag ko ang sarili kong wag lumuha.

"Mahal nandito na ako sa tabi mo."

"Mahal ang ganda ganda ng mapapangasawa mo ngayon."

"Mahal ilang sandali nalang ihahatid na kita sa kinaroroonan mo."

Binasbasan na sya ng pari para idala na sya sa nitso at ako hindi ko na mapigilan ang pagluha ko. Wala na ang mahal ko wala na ang mapapangasawa ko.

Imbis na simbahan ang tuluyan pero sa simenteryo ang kanyang hantungan.

One Shot/Short StoriesWhere stories live. Discover now