CAN I COURT YOU?

0 1 0
                                    

Title: Can I COURT YOU?
Dedicated by: Cherrylou Nacario and Kevin Sanchez

"Chelo! tignan mo oh! ang galing nyang sumayaw." sabay pakita ng isang dance video.
"Tssk. mas magaling tayo dyan bes!"
"Alergic kaba sa lalaki aber? Ang gwapo kaya." kinikilig pang sabi.
"Saan mo naman nakita yang video nyan? Basta lalaki G na G ka."
"Che manahimik ka!"
------------------------
" Bes tignan mo yun oh! sya ung pinapakita ko sa isang dance video ang galing nya." makulit na tinig nito saka sabay turo sa lalaki na sumasayaw sa amphi ng school nila kaya si chelo naman sinundan nya kung saan nakaturo ang kaibigan.
Na stock ang paningin nya sa lalaking sumasayaw ayaw man nyang aminin nagagwapuhan sya dito para bang nahihipnotismo sya.
"Hoy bes, tulala ang peg?"
Nagising lang ang diwa nya ng sigawan sya ng kaibigan.
"Ano bang meron sa lalaking yun?." sabi nya sa isip nya.
------------------------
Seryosong sumasayaw si chelo ng biglang may tumamang bola sa ulo nya na naging sanhi ng pagkatumba nya.
"Hala bes okay ka lang?."
"Nakita mo na ngang natumba ako tatanungin mo pa kung okay lang ako?." Inis na tugon nya kaya mabilis na tumayo sya para hanapin kung sino ang pasimuno nito.
"Sorry Miss."
Napaigtad sya sa sa gulat ng may nag salita sa likod nya.
"Sorry Miss, I didn't mean to hurt you." apologize ng lalaki sa kanya samantala nakatunganga lamang sya. "Miss, Miss? are you okay?."
"Yeah, I'm fine." Hindi nya kayang magalit kahit na gustong gusto nya. Yun ang unang beses na hindi sya nagalit sa nakasakit sa kanya.
----------------------
Nagpapalipas ng oras si Chelo ng may nag-notif sa kanyang isang Friend Request.
"Kevin Sanchez." Aniya nya.
Nang pindutin nya, may sumilay na ngiti sa labi nya then sa messenger may message request syang natanggap.
"Good Evening Miss Cherry, Sorry kung inadd at chinat kita. Nalaman ko ang pangalan mo sa kaibigan mong madaldal. Hmm. Sorry pala sa nangyari kanina sa court dahil nasaktan kita. Sorry kung bigla nalang akong umalis dahil kaylangan na ako ng team ko."
Napangiti sya lalo dahil nag sorry ito kahit na nagsorry na sa personal at inalam pa talaga ng lalaki ang pangalan nya.
"Wala 'yon atleast nag sorry ka naman sakin."
Doon na nagsimula ang pagiging chatmate nila dahil lang sa simpleng pagtama ng bola sa ulo nya.
---------------------
Lumipas ang maraming araw at buwan na palapit na sila sa isa't-isa. Alam ni Chelo na nahuhulog na sya sa binata pero hindi nya maamin ang totoong nararamdaman.
Naisipan ni Kevin na magkita sila sa isang lugar kaya agad naman pumayag si Chelo dahil nais nya rin itong makita.
Makalipas ang ilang araw dumating na ang takdang araw ng pagkikita. Kinakabahan si Chelo sa mangyayaring pagkikita nila.
"Hey."
"Oh! nandyan kana pala hehehe."
nahihiya nyang tugon.
"So, Start na ang formal date natin."
"huh? date?." pinipigilan nyang kiligin sa sinabi nito.
"I mean Friendly date pero gusto ko lovely date. HAHAHA Joking." sabay peace sign.
"Loko ka talaga." pilit nyan sabi kahit sa loob loob nya na bibwisit sya.
Dinala sya ni kevin sa isang simpleng kainan pero yung simpleng iyon ay mahalaga para sa kanya. Hindi sya nag hahangad ng bonggang date sa kanilang dalawa dahil nais nya lamang makasama ang dalaga.
Napansin nyang hindi mapakali si Kevin sa kinauupuan.
"Natatae kaba?." Diretsahang tanong nya.
"Ha- No!." Depensya sa kanya.
"Akala ko eh."
"Am Che?."
"Yes?."
"Ah....."
"E.I.O.U oh! ayan dinugtungan ko na, parang hirap na hirap kang sabihin." Masungit nyang saad.
Nagtaka sya ng bigla nalang itong tumawa. "Hoy! Anong nakakatawa?." Patuloy lang itong tumatawa ng sabihin ni kevin sa kanya na.
"That's my Girl." Then parang ginulo ang buhok nya.
Nakaramdam sya ng kilig na pilit nyang tinatago pero nabigo sya dahil sa sinabi nito na...
"Can i court you baby?."
---------------------
Sa bawat araw na nagdaan walang araw na hindi kinilig si Chelo kay Kevin kahit sa chat lang. Kahit na magkaiba ang school nila hindi ito naging hadlang sa panliligaw ng binata sa kanya.
Scroll up, Scroll down lang ang ginagawa ni Chelo ng biglang may lumitaw na picture sa Newsfeed nya. May kasamang babae si kevin kaya nagalit sya. Aminin nyang maganda ang babae pero confident syang mas maganda sya kaya naisipan nyang i-block si Kevin dahil sa galit or selos.
Nagtaka si Kevin kung bakit binlock sya ni Chelo wala man syang maaala na nag aaway sila ng matindi.
Ilang araw na simula nang binlock nya si Kevin ng biglang...
"Baby Let's stalk."
"Huh?." Dahil sa sobrang inis nya. "Naka drugs kaba? Wag mokong pagtripan kung sino ka naman." *insert Galit emoji*
"Baby It's Kevin. Baby, unblock mo nako please. Pag usapan natin kung anong problema."
"Paano ako makakasigurado na ikaw yan?."
*Astroboy sent a photo*
Imbis na magalit sya natatawa pa sya dahil sa sinend nitong picture na kunwaring umiiyak and pabebe post.
"Please Baby."
"Oh sya Wait lang." then Unblock Kevin Sanchez.
--------------
Matapos ma-unblock ni Chelo si Kevin, tadtad ng chat ang natanggap nya mula sa binata gusto man nyang kiligin pero pinipigilan nya. Sinabi nya ang dahilan kung bakit nya binlock si Kevin.
"Baby, yang picture na iyon isang stolen shot okay? titigan mong mabuti natime-mingan lang na nakuhanan kami isang pilit na pakikisama ko sa kanya. That girl is a brat, crush nya ako eh. Sabi nila pero hindi ko sya gusto baby. Then nalaman nya na may nililigawan ako kaya pinost yang picture na yan na pinagmamalaki nya. Baby I'm Sorry kung iniisip mo na ipagpapalit kita hindi ko magagawa 'yun. May Picture man kami pero hindi ko sya magugustuhan dahil ikaw lang. First time kong manligaw at sayo lang kaya please sorry na."
Lalo syang kinilig sa sinabi nito na sya lang ang bukod tanging niligawan feeling nya napaka speacial nyang girl para kay Kevin.
---------------------
Matagal nang nanliligaw si Kevin kay Chelo pero bakit sa katagal tagal na panliligaw hindi masagot sagot?
Hanggang sa na realize nila na mas magtatagal sila sa friendship.
Bakit kaya?
Ayaw nilang pilitin ang isa't-isa na magkaroon ng relasyon dahil alam nila sa sarili na hindi pa ito ang tamang panahon.
Mahirap ipilit ang ayaw dahil pag pinilit nila ito isa sa kanila ang masasaktan o parehas sila. Mas mainam na maaga nila itong nalaman, masakit kung isa sa kanila ang lumalim na ang pagmamahal pero hindi na kayang suklian ng isa.
-----------------
Porket may nangligaw sayo sagot agad, may halaga ang panliligaw dahil dyan mo malalaman kung magkakaroon ba kayo ng relasyon. Ang panliligaw hindi minamadali maraming prosesong pagdaanan. Isa sa mga proseso nito kung paano mo mahahanap si Mr. Right.
Porket mahal nyo ang isa't-isa kayo agad, suriin ang nararamdaman kung kayo ba talaga dahil nasa ang huli ang pagsisi. Mas mahirap masaktan ng may 'Label'. Hayaan nyong manligaw ang gustong manligaw sa inyo wag kayong magsisi kung hinding naging kayo ang importante pinagtagpo kayo.
--------------------
Si Cherrylou(Chelo for short) isa syang dalagang pilipina dahil hindi nya pinilit ang sarili sa isang lalaki para magkaroon lamang ng relasyon.
Si Kevin naman isa syang maginoong lalaki na kahit matagal syang nanligaw wala syang pagsisi sa ginawa dahil ginusto naman nya at hindi rin nya pinilit na sagutin lamang sya.
--------------
Walang nagloko sa kanilang dalawa sadyang hindi pa sila handa magkaroon ng relasyon.
Kung sila man ang tunay na nakatadhana salamat sa Diyos dahil naging sila hanggang dulo pero kung makatagpo man sila ng iba magpasalamat dahil napasaya nila ang isa't isa kahit hindi sila ang itinadhana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot/Short StoriesWhere stories live. Discover now