Chapter Twenty Nine

7.6K 170 7
                                    

TWENTY NINE

"I'll drive you home.." He insisted. Hindi na ako nakapagsalita at hinayaan na lang siya sa gusto niyang gawin.

Nawalan na ako ng mga salitang gusto kong sabihin. So my sister is lying? Bakit naman niya gagawin yun sa akin? But rememberimg everything, wala namang gustong gawin ang kapatid ko kundi ang masaktan ako.

"When's your graduation?" He asked without leaving his eyes on the road.

Sinubukan kong hindi siya tignan bago sumagot. "April 14."

"What time?"

Nagkibit balikat ako sa kanya dahil wala pa namang binibigay na oras sa amin. Pagkatapos ng maikli naming pag-uusap ay balik sa tahimik ang paligid.

Niliko ni Mikael ang kotse papuntang bahay ni Yel.

Hindi na niya kailangan pang tanungin kung nasaan ang lokasyon ng bahay ni Yel.. Minsan na rin siyang pumunta dito at...

Itinapat ni Mikael ang sasakyan niya sakto sa pagbababaan ko, mabilis kong tinanggal ang seatbelt.

"Salamat.." Atat kong sinabi bago ako nagmamadaling lumabas ng kanyang sasakyan.

Napatigil ako nang makita siyang lumabas rin. I wanted to ask him why but it seems like he is really gonna stay for a while.

"Wala kang trabaho?" Tanong ko habang inaalis ang kandado ng pinto, nauna akong pumasok at laking pasasalamat ko nang madatnan kong malinis ang sala.

"Tapos na." Ani Mikael, hindi niya na hinintay pa na imbitahin ko siya sa loob. Maybe he thinks that he is welcome here?

Nilapag ko ang bag sa malaking couch. "Appointments? Schedules? Meeting? Wala kang titignan na mga papers?"

Not that I'm pushing him to go pero parang ganun na nga.

Tinignan ako ni Mikael na para bang isang malaking joke ang sinabi ko, he removed his coat and put it beside my bag.

"I already cancelled it.." He sat down while massaging the bridge of his nose.

Ayoko nang magtanong pa, he's tired. Alam ko. Pumunta ako sa kwarto namin ni Yel para magbihis. Agad na uminit ang pisngi ko nang maalala ko ang nangyari dalawang linggo na ang nakakalipas.

Mikael took me. He's my first. Nasaktan ako ng sobra sa mga sinabi ng Fiancée ni Sir Syche, kaya kailangan ko nang may makakapitan. I need someone to be there for me at alam kong si Mikael lang ang makakapagbigay sa akin nun.

Hindi ako nagsisisi. Ginusto ko 'yon kaya kailangan kong tanggapin.

Mikael is busy looking around the house. Sinilip ko siya ng ilang minuto at napansin ko ang kanyang mas lalong nag matured na hitsura.

His stubble beard perfectly fits his thick eyebrows, the authority will never fade in his aura. Minsan ay naisip ko, naranasan na kaya ni Mikael ang mag pahaba ng buhok?

Napangiti ako ng wala sa oras pero agad ding napawi dahil nararamdaman kong bumabalik sa pagka masigla ang aking puso.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. I caught his attention, nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Yel will be late tonight.." Aniya

Tumango ako. She's been like that lately. Siguro ay maraming inaasikaso sa opisina.

"Masipag si Yel.." Sabi ko na lang at nilabas ang laptop sa bag upang buksan 'yon.

Umayos ng upo si Mikael nang makita ako. I'm sitting opposite to him. Tanging isang glass coffee table lang ang pumapagitna sa aming dalawa.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now