Mikael Thai Arrhenius

10.2K 254 11
                                    

MIKAEL THAI ARRHENIUS

In my younger years, I remembered a girl who confessed her feelings to me. She wrote a love letter in a pink paper. I remembered how embarrassing it was.

"Jasper, hindi kita pinalaking ganyan!" I was disturbed by mom's raging voice. Hindi siya pinansin ng kapatid ko at dire-diretsyong lumabas ng pinto.

Napahawak si mom sa kanyang sentido at hinilot iyon. Nagmadali akong kumuha ng tubig at nilapitan siya.

"Thanks, anak." My mom smiled at me.

Sobrang ayaw ko kapag sinusuway ng mga kapatid ko ang mama namin. She may not be the perfect mom but I love her. Ano nanaman kaya ang problema ngayon?

"He refused to marry the girl." My mom told me, I can see the disappoinment in her eyes. "You know, I'm doing this for your futures, anak!"

I nodded before hugging her. My mom wants to arrange our marriage and I'm fine with that. Kung para sa kompanya iyon ay papayag ako, I can still file a divorce after a year or two. I just don't get why my brothers are not into it. Dahil ba hindi na sila magkakaibang babae? Napailing ako sa isipan na iyon.

After several years we decided to go back in the Philippines. My mom thought it would be easy for us to accept her proposals if we're going to marry a heiress or a businesswoman.

"What the fuck did you do, Lorcan?" I hissed at my younger brother.

Halatang wala itong pakialam sa kanyang ginawa. Sa kasal ba naman ni Cadence ay sinubukan ni Lorcan na halikan ito? Muntik pa magkagulo!

"I just want to greet her, man." Walang ganang sabi niya.

"Greet her?!" Ulit ko, "You almost kissed Cadence! Stop disrespecting Stan!"

"And you stop being mom!"

Napatigil ako sa mungkahi sa akin ni Lorcan. Akmang susugurin ko na siya para suntukin nang pigilan ako ni Jasper, ang pangalawa kong kapatid.

"I'll handle him. Go back to the party, malamang hinahanap na tayo nila Stan." Kalmadong wika niya.

Good thing is, our characteristics are well balanced. May isang sakit sa ulo, ako naman itong walang pasensya at itong si Jasper ang taga-awat kapag umiinit na ang usapan namin ni Lorcan.

Tumango ako. I fixed my coat before going back to the party. Nakita ko agad sila Cadence na kausap ang iilan niyang mga kaibigan. Si Stan agad ang nakapansin sa akin.

"Man!" Ani Stan, we did a fist bump.

"Ikaw ba ang mag-uuwi sa kanila, Mikael?" Ani Cadence.

Kumunot ang noo ko sa tinuran ni Cadence. What am I? A driver now?

"Yeah.."

Buti na lang at full tank ang kotse ko ngayon. Ilan ba ang ihahatid ko? Lima?

"Uhm, Cadence! Uuwi na pala akong mag-isa.. Siya na lang yung ihatid mo, Mikael. Ihahatid na pala ako ni Dan."

"What? Sabay na tayo.."

Tinignan ko ang dalawang babae. The chinita girl was referring to the morena one. At bakit parang may kakaiba sa pag-uusap nila?

"Hindi pwede, bawal ang tatlo sa motor."

The two girls are still arguing. Bakit kailangan nilang magtalo? Kung ayaw naman nilang ihatid ko sila...

"Hatid mo na si Aurora, Mikael.." Nanunuyang sabi sa akin ng pinsan ko.

I can now sense why they are all acting like that. Sino ba diyan sa dalawang yan at nang makilala ko ng husto? Really Mikael? Kailan ka pa naging si Lorcan?

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now