Chapter Thirty Three

8K 204 37
                                    

THIRTY THREE

I'm currently busy listing down Dan's photoshoot schedules for today. Sabay na kami ni Yel na may pasok ngayon at gaya nga ng nakagawian ay dala ko si Jethro. Good thing is the other photographers are making my son as their subject.

Nakita ko agad si Yel na hindi maipinta ang mukha ngayon, parang bigat na bigat sa nakasabit na camera sa leeg niya.

"Oh ano nanaman?" I asked her.

"Sino ba yung bagong lalaki na model, ha?"

Tinignan ko ang tinutukoy niyang si Clarence. He glanced over us, napakunot ang noo ko doon.

"Bakit?"

"Wala! Hindi ako makapag focus, ang lagkit tumingin." Aniya.

Tumakbo si Jethro papunta sa akin. Tumatalbog pa nga ang suot niyang diaper habang hawak hawak ang lollipop na malamang ay bigay sa kanya ng isang photographer.

Ugh. Sweets again!

"Ma-ma!" He reached the candy to me. Siguro ay gusto niyang buksan ko ito?

"Uy ang sarap naman niyan!" Si Yel ang kumuha ng lollipop ni Jethro at binuksan 'yon. "Where did you get this?"

Inosente namang tinuro ng anak ko si Lalaine na nagtatago na sa pader. Napailing ako. Alam naman nila na strikto ako pagdating kay Jethro at sa kinakain nito pero binibigyan parin ng mga matatamis.

"Maghanap na kaya ako ng babysitter?" Tanong ko sa kawalan.

Binigay ni Yel ang lollipop kay Jethro, ngumiti sa akin ang anak ko bago kumaripas ng takbo patungo kina Lalaine. "Bakit naman? Alagang alaga nga siya dito.."

Totoo naman pero ayaw ko naman isipin ng iba na sinasamantala ko ang pagkakaibigan namin ni Dan. Not everyone here likes me. Syempre may tinatagong inis din ang iilan dito sa akin pero hindi lang sinasabi.

"We're done! Have a break!" Sigaw ni Dan sa mga modelo.

Nilapag nito ang camera sa table bago tinanggap ang sandwich na binigay ni Desiree sa kanya.

"Aurora, nakakausap mo pa ba si Kesha?" Tanong agad ni Dan nang makalapit sa aming dalawa ni Yel.

Napailing ako. Isang buwan na akong walang balita sa kanya. Kesha was a model too. Si Arkeal nga lang ay hindi.

"She resigned, diba?" Tanong naman ni Yel.

Tumango si Dan pero parang lumilipad pa rin ang isip. "Tumawag 'yon sa akin kagabi, nung sinagot ko naman binaba din."

Nasabi ko na bang crush na crush nitong si Kesha si Dan? She wanted to be an Engineer pero nang malaman na nagtatrabaho ako dito ay nagpumilit na maging model na lang. Hindi ko na nga lang alam kung anong rason niya last month at nag resign.

"Malamang!" Pumameywang si Yel, "May girlfriend ka na diba? Nasaktan 'yon! Drunk call siguro ang ginawa niya, baka lasing yun, naku!"

"Yel naman!" Saway ko. Kung ano-anong iniisip nito.

"She's way too young for me. Hindi naman ako ganun ka gago para patulan ang batang 'yon." Sagot ni Dan sa sinabi ni Yel habang inuubos ang sandwich nito.

"Ilang years lang naman agwat niyo, tignan mo nga si Aurora, o!"

Sinamaan ko agad ng tingin si Yel dahil sa sinabi. Hindi ko alam kung nakalimot na siya pero ginagawa na lang niyang biro ang tungkol kay Mikael.

"Infatuated lang ako nun." Sagot ko.

"See? Baka ganun lang din si Kesha sayo! Huwag mo na lang pansinin, makakahanap din yun ng taong bagay sa kanya hindi yung katulad mo!"

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now