Chapter 12:

1.7K 85 8
                                    





AKAY SIYA nito ay mabilis na tinungo ang lagusan palabas sa helira ng mga tiyangehan sa gilid ng motel. Mabilis nitong tinadyakan ang pintuhan at bumukas naman iyon saka sila mabilis na humalo sa mga taong naroroon. Mabuti na lamang at matao roon dahil naramdaman nilang hinabol sila ng mga ito.

Hawak niya ang tagilirang nabaril. Habang pilit nilang lumalayo sa lugar na iyon. Nang medyo makalayo sila ay agad nitong binunot ang cellphone at inalam sa kasamahan kung anong nangyayari.

"What! Why, don't you tell me?" Gilalas na tanong rito. "Sana sinabihan niyo naman lang ako. Bakit may transaksyon kayong ganito. Muntik niyo na akong idamay!" Inis rito.

Sa narinig ay batid niyang wala itong kinalaman sa transakyong muntik na nilang kinapahamak. "Kailangan na kitang madala sa ospital.." anito nang maibaba ang tawag nito. Nakitang marami-rami nang dugo ang nawala sa kaniya. Mabilis itong kumuha ng taxi. Nagpadala sila sa ospital. Sa ospital ay agad siyang pinasok sa emergency room at nakitang pumasok rin ito. "Don't worry.." anito nang turukan siya ng anesthesia upang tanggalin ang balang bumaon sa tagiliran niya.

Nakampante siya ng makitang. Ito mismo ang oopera sa kaniya. Nang umepekto ang tinurok sa kaniya ay wala na siyang maalala.

Samantala, nag-aalala na si Winona dahil wala pa rin ang kapatid. Malalim na ang gabi pero walang Daisy na tumawag man lang. Maging ang cellphone nito ay nakapatay na.

"Daisy, asaan ka na ba?" Gigil na turan habang paulit-ulit na tinatawagan ito.

Wala siyang nagawa kundi ang matulog at hintaying umuwi ang kapatid. Batid niyang malala ang tama nito kaya siguro hindi nakauwi. Tinatamad man ay nakatanggap siya ng tawag mula sa head quarters nila. Agad siyang nagmadali dahil sa tinig ni Angelic ay tila mabigat ang dahilan kung bakit siya pinagmamadali nito.


Pagpasok sa head quarter ay naroon na silang lahat. Mas lalo siyang napakunot nang tila seryoso ang lahat ng mga ito at nagkukumpulan sa harap ng desktop. "Anong nangyayari rito?" Maang na tanong sa mga ito.

Lumingon ang mga ito at sinenyasan siya ni Alexis. Napakunot noo siya at nakita ang isang lalaki habang binibiyak at tila dina-dissect ang tiyan ni Daisy. Napalunok siya. Hanggang sa nasusuka na siya sa nakikitang pagsiret ng dugo mula roon.

"Hayop sila! Hayop!" Sigaw niya.

Kinalma siya ng mga kasamahan. Siguro akala ng mga ito ay masyado lang siyang napalapit kay Daisy kaya ganoon ang impact nito sa kaniya. Hindi alam ng mga ito na mas malalim pa roon ang meron sila ni Daisy. Dahil kapatid niya ito.


"Kailangan nating mag-ingat. Pauwi na si Black Dragon. We have to be aggressive lalo pa at nawalan na tayo ng isa!" Turan ni Haidee na tila naging lider muna.

Pagbalik ng tingin sa monitor ay nakitang binuhusan ng gasolina si Daisy at sinunog. 'Sorry Daisy, patawad.' Usal niya,


DUMATING na rin sa wakas ang lider. Wala nang pakialam si Winona. Pinatay na nila ang kapatid at tiyak, walang kasiguraduhang buhay pa ang kaniyang mga magulang. Si Dante na lamang ang pag-asa para makaganti man lang. "Mga hayop kayo.." aniya.

"Hindi ko alam kung saan magsisimula?" Saad ng lider na apektado sa pagkawala ng kauna-unahang babaeng na-recruit nito. "Gayun pa man ay kailangan nating maging matatag. Alam kong gusto lang nilang mabuwag ang depensa natin. Hayaan niyo dahil may darating na isa na magiging kasama ninyo." Anito saka pumasok sa opisina nito.

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Where stories live. Discover now