Chapter 13:

1.6K 84 8
                                    




KAPWA SABIK sa isa't isa. Hindi na nila napigilan pa ang mga damdaming umaalipin sa kanila. Paulit-ulit na sinasabi ng isip na hindi pwede pero iba ang ginagawa ng kaniyang sariling katawan. "Winona.." paos na turan ni Dante. Pilit inisiksik sa isipan na hindi ito tama pero hindi kayang suwayin ang tinitibok ng puso pati bugso ng pusod.

Lalo pa at tumutugon na si Winona sa bawat halik at haplos niya. "Hmmmmmm..ohhhhh..." ungol nito matapos bitawan ang labi nito. Hindi man aminin ni Dante ay na-miss niya ito. Sa halos kalahating taon hindi ito kasama ay aminado siyang pinanabikang makita at makasama ito.


Mas lalong naging mapang-ubaya si Winona kaya hindi na niya nakontrol ang sarili at tuluyang nalunod sa mapang-aliping katawan nito. Mabilis na binukas ang blusa nito at mas lalong nag-init ang pakiramdam nang makita ang hubad nitong katawan.

Habang hinahalikan ito ay kinukombinsi itong pigilan siya nito pero tahimik lang ang babae at humahaplos din sa kaniyang katawan. "Winona, pigilan mo hanggang kaya ko pa.." sumamo rito kasabay ng malalim na halik sa labi nito.

"Noo...please Dante. I want it too.." paanas na turan na tila nahihibang sa ligayang dulot ng halik ni Dante at sa gagawin pa nito.

Sa narinig ay wala na ngang pumigil pa upang muling maangkin ang babae. Mabilis itong inihiga sa kahoy na upuan ng mga ito. Tinitigan ang mukha nito ngunit nakapikit lang ito. Muling inangkin ang labi. Saka pinadausdos pababa ang halik nito. Inangkin ang katamtaman nitong dibdib hanggang sa maramdamang handa na ito.

Kapwa sila halos habol ang paghinga nang paulit-ulit na inangkin ito. Ramdam niyang gusto rin ng babae ang nangyayari kaya hinayaan na lamang ang sariling damhin ang ligayang hatid ng pagniniig ng katawan nila. Kapwa ungol nila ang maririnig sa bahay na iyon.


Nang magkamalay si Daisy ay agad na ginala ang tingin. "Nasaan ako?" Tanong sa sarili hanggang makita ang lalaking nasa gilid niya. Si Alan.

"Thanks God, you're awake.." anito.

"Oh my God! Si ate Winona.." aniya na agad na naalala ang kapatid dahil tiyak na nag-aalala na ito sa kaniya. "Kailangan ko siyang tawagan. Nasaan ang cellphone ko.." hanap sa lalaki.

Nakitang nakatingin lamang ito sa kaniya. "Nasaan?" Ulit niya nang hindi ito sumasagot.

"Daisy, aalis ka na sa grupo kaya tinapon ko na rin ang cellphone mo.." turan nito.

"What!" Gilalas niya.

"I said. Ti-na-pon-ko-na.." pagbibinsa nito. Nangunot ang noo niya. "Noong sumama ka sa akin, you choose to leave them."

"Not my sister? Please, baka nag-aalala na iyon.." aniya na nagsusumamo rito. "Please, please...sasabihin ko lang na okay na ako. Na ito na ang pagkakataon kong kumalas sa grupo.." sumamo kay Alan. Nakitang umiling ito pero nakakita rin ng pag-asa. "Pleasee..." sumamo pa rin.

"Okay. But just text her.." anito sabay abot ang cellphone nito.

Doon ay ngumiti siya rito. "Thanks.." aniya saka mabilis na inabot iyon at nagpadala ng mensahe sa kapatid. Mabuti na lamang at kabisado ang numero nito. Matapos ay agad na binalik ang cellphone sa lalaki at nagpasalamat.

Kapwa sila natahimik ng ilang minuto ngunit muli siyang nangulit sa lalaki. "Pwede ko bang makita sina nanay at tatay?" Tanong rito.

Tumiim ang titig nito. "Mas mabuting huwag mo nang iinvolve ang sarili mo sa sindikato. Paglabas mo rito ay kukuhanan kita ng condo. Mag-aral ka kung gusto mo.." saad ni Alan na balak talaga siyang ilayo sa grupo ni Dante at sa sindikato.


DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Where stories live. Discover now