Chapter 21:

1.3K 55 6
                                    





NAGKAGULATAN SILANG dalawa. Hindi malaman ni Winona kung tatayo ba o hindi. Habang si Dante naman ay napatigil sa paglabas. Kita niya kasi ang pamumula ang mata ng babae nang ilang saglit ay parehong umilaw ang emergency alarm ng earpiece nila.

Mabilis na tumayo si Winona habang pinunasan ang luha nito. Sinagot agad ni Dante ang tawag. Si Sundee iyon. "Whats happening?" Matatag na tanong sa bataan.

"Bossing, si Alexis..." tinig nito. Hindi masyadong marinig ang tawag nito.

"Anong nangyayari kay Alexis?" Gagad na tanong. Nakikinig lang si Winona sa earpiece nito.

"May mga taong aali-aligid daw sa isla. Wala si Greg doon kaya natatakot siya." Tinig ng babae sa kabilang linya. May bumundol na takot para sa anak.

"Head quarter, now!" Utos sa mga ito. Batid niyang lahat ay nakikinig dahil nakailaw lahat ang earpiece sign maliban kay Alexis.

Alas sais na iyon ng gabi. Hindi alam ni Winona ang gagawin. Naunang naglakad papaalis si Dante. Bakas sa mukha nito ang kaba sa nakaambang panganib sa anak. Pagdating sa ibaba ng building ay agad siyang papara ng taxi.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Malamig na tinig nito. "Sumabay ka na, doon din naman ang punta ko." Dagdag pa nito.

Alumpihit na sumunod ito sa garahe. Agad siyang pinagbuksan nito sa tabi ng lalaki. Mas lalong naging uneasy si Winona.

"Galit ka ba?" Di mapigilang itanong sa kasama.

Walang tugon na narinig buhat rito. "I'm sorry.." usal pa ni Winona. Tuon pa rin ang tingin ni Dante sa daan. Nagtatalo ang puso at isipan. Ang prinsipyo at pagmamahal. Humugot ng malalim na buntong hininga.

"Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan iyan. Kailangan nating iligtas si Elma at saka natin pagplanuhan ang gagawin natin sa magulang mo." Matigas na turan kay Winona. Nakitang napaayos ito ng upo at bumaling sa bintana pero nakita ang muling paghulog ng luha sa mga mata nito.

Masakit makita ang babaeng mahal mong nasasaktan pero kung hindi siya magiging matigas. Pati ito ay mapapahamak, tanging iniisip nito ang magulang pero hindi naisip ang mismong kapakanan nito. Kilala niya ang sindikato. Kapag napasok mo ang mundo nila. Walang makakalabas ng buhay at batid niyang lahat sila ay mamamatay.

Nang makarating sa head quarter nila ay naroroon na si Angelic at Sundee.  Habang sina Taka at Haidee ay on the way na raw dahil nahirapan silang takasan ang amo at ama-amahan ng mga ito.

"Sabi ni Alexis, magbibigay siya ng go signal once na may masama. Pero nakakuha na ko ng aerial view ng private island ni Greg." Saad ni Angelic saka nilatag na pina-print nito. Lahat sila ay pinag-aralan ang isla. Walang kawala si Alexis. Ang isla ay napapalibutan ng tubig. Ang pinakamalapit na pampang ay ang northwest which is 1,500km at tiyak hindi kayang languyin iyon ni Alexis.

"We have to contact the Mindoro regional office. Alamin ninyo kung sino ang general director ng buong Mindoro. We need their diving materials. Baka isa o dalawa sa inyo ang lalangoy.." wika ni Black Dragon.

"Lalangoy? Sinong lalangoy?" Tinig buhat sa tarangkahan. Sina Taka at Haidee. Si Haidee iyon. "Naku! Swimming pool di ko carry.." anito na naalala na muntik pa siyang malunod sa swimming pool ni fafa Direk.

Nang naroroon na silang lahat ay masusi nilang pinag-aralan lahat ng gagawin nila. Mabuti na iyong handa bago sila sumugod lalo na at kuta ng kalaban. Batid niyang handa na ang mga bataan sa anumang laban. Sa kilos at galaw ng mga ito ay handa siyang magtiwala sa kakayahan ng bawat isa.

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Where stories live. Discover now