𝕻𝖗𝖔𝖑𝖔𝖌𝖚𝖊

1.5K 56 25
                                    


𝕻𝖗𝖔𝖑𝖔𝖌𝖚𝖊

EatㅡSleepㅡRepeat.

That’s the only efficient things I want to do during the last day of my vacation, but my brother won’t let me. He keeps knocking and knocking on my door like a madman. Seriously, what’s wrong with him?

“Bubuksan mo ba ‘yong pinto o bubuksan mo?” Saktong pagkasabi niya noon ay narinig ko ang pag-ikot ng doorknob, hudyat na nabuksan na nito ang pintuan ng aking kwarto. “Rise and shine, panget!”

I immediately pulled the comforter up over my head and snuggled into the warmth of my bed, not wanting to get up. Hindi ko na rin inalintala ang ginawa niyang pagtalon at pagdagan sa akin na para bang kama lang din ang kanyang hinihigaan.

Nanatili akong nagtulug-tulugan ngunit hindi iyon napanindigan nang buksan niya ang kurtina, dahilan upang makapasok ang pang-umagang sinag ng araw at magbigay liwanag sa bawat sulok ng kwarto.

“Kuya naman!” Inalis ko ang pagkakatakip ng comforter sa aking ulo at tinignan ito ng masama. “Bakit ka ba pumapasok dito nang walang permiso ko? Wala akong bra!”

“Wala ka rin namang dede,” Awtomatikong lumanding ang kamay ko sa pinakamalapit na unan at ibinato iyon sa kanyang direksyon, hindi na rin ako nabigla pa nang ibato niya iyon sa akin pabalik.

“Isa kang malaking pigsa na tinubuan ng mukha!” I wasn’t really in the mood of getting up but I don’t have a choice, especially when he’s aroundㅡkaya kahit tinatamad pa ay bumangon na ako at kinuha ang twalya na nakasabit sa headboard ng kama.

Muli kong tinignan ang nakatatandang kapatid at napansin ang suot nitong gym wear. “Are you serious? Don’t tell me.....”

“It’s time for extreme workouts.” Sabi nito nang lumapit siya sa akin at hawakan ang likuran ko para lang itulak papunta ng banyo. “Faster. I’ll wait for you downstairs.”

Left with no choice, I entered the bathroom and take a shower. I undressed myself and shut my eyes as I stood in the open shower stall. Hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa aking buong katawan at hindi maiwasang mapaisip kung bakit ko nga ba pinasok ang ganitong buhay.

Entering a secret service academy and wanting to become an undercover agent probably ranks as one of the most craziest and dangerous decision I’ve ever made.

Hindi langad sa kaalaman ko na nasa hukay ang aking isang paa tuwing sasabak sa isang misyon, I am fully aware of the risk involved when I chose this path. Aware rin ako na hindi ko mararanasan kung paano mabuhay ng normal ang dalagang tulad ko.

Having a boyfriend, romantic date, partying or even traveling? I have never experienced any of that. That’s why sometimes, I can’t help but to think that what if I had chosen a different path? I’m sure I’m living my life differently right now, but somehowㅡI don’t regret my decision.

Siguro, dala na rin na dating Heneral ang aking lolo, Chief Superintendent ang aking yumaong ama at Trainer naman ang aking kuya sa Cypress Academy na pinapasukan ko. Sila ang dahilan kung bakit hindi ako nagsisisi sa mga desisyon ko. Gusto kong sundan ang yapak nila, gusto kong makatulong sa bansa at higit sa lahat, gusto kong sumabak sa mga delikadong misyon.

I don’t know but I like being thrown into the deep end to infiltrate some of the country’s most savage and menacing criminal organizationsㅡI want excitement in life, I want to be what I was born to be and that is being undercover agent.

“Ang tagal mo namang maligo? Nag-exercise ka pa siguro para lumaki ‘yangㅡ” Bago pa man maituloy nang kuya ko ang sasabihin niyang hindi maganda ay isinubo ko na sa bibig niya ang tinapay na nakuha ko sa mesa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lethal Grandeur (Revi's POV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon