Prologue

40K 1.1K 27
                                    

"One-Night With A Stranger"

[PROLOGUE]

><><><><><><

NAPAHAWAK ako sa aking ulo while I'm still struggling to walk. Umiikot ang paningin ko dulot ng sobrang daming alak na pinainom sa'kin ng babaeng 'yon. Damn it! Kung alam ko lang na gagapang nanaman kami pauwi, hindi na sana ako pumayag na sumama pa sa kaniya.

Ramdam ko ang muling pagbigat ng pantog ko at agad kong hinanap kung saan ang restroom. Nang makita ko ito, I gathered all of my strength upang pumasok sa loob at humanap ng cubicle. After a couple of minutes, I flushed the toilet at mabilis na lumabas.

Nagd-dalawang isip pa rin ako kung gagawin ko ang dare na pinapagawa nila sa'kin, to kiss a sexy man here inside the club. Mukhang mahihirapan akong maghanap dahil sobrang daming tao sa loob ng bar.

Pilit kong nilalabanan ang kalasingan, and even though I still can't walk properly, kumakapit ako sa pader to support myself. Nang makalabas ako sa restroom, I wandered around ngunit walang pumapasa sa taste ko.

I guess, I won't do it.

Wala naman sigurong papatol sa isang tulad ko. At kung hindi dahil sa best friend ko, there's no place for a nobody like me here. Mas pipiliin ko pang tanggapin ang punishment kaysa sa ipahiya ang sarili ko sa harap ng isang lalaki.

I was about to walk away, ngunit napako ang tingin ko sa isang lalaking mataimtim na umiinom sa bar counter, and it seems like sobrang lalim ng iniisip nito. Napalunok ako, and my lips suddenly parted.

Sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib ko, and I never felt like this before, not even from Lucas! Tila nagising ang temptasyon at pagnanasa sa katawan ko nang masilayan ko ang kagwapuhan ng lalaki malayo mula sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam if I'm still hallucinating, but I can properly see his perfect jawline with his clean hair cut na talagang kahit sinong babae ay mapapalingon rito. He looks ruddy at namumula na rin ito, tila timatamaan na rin ng kalasingan.

Muli akong napakapit sa pader as I locked my gaze on him. Ramdam na ramdam ko ang init na nagsisimulang mabuhay sa kaloob-looban ko. It might sound ridiculous, but it feels like I'm a teenager na nalalaglag ang panty dahil sa isang gwapong lalaki.

He's just wearing a simple and plain sleeves, ngunit bakit sobrang lakas ng dating niya sa'kin? He's also wearing a cold and distant look, kaya siguro hindi siya nilalapitan ng mga babae rito.

Ngunit marahas akong umiling, 'cause I know I won't stand any chance kung sakaling lumapit man ako dito. I'm not at the gay bar! At mukhang straight ito, kahit pa siguro maghubad ako sa harap niya ay hindi ako papatulan nito, or worse baka bugbugin lang ako nito.

"Tsaka, sa laki ng Pilipinas do you think magkikita pa kayo ng lalaking hahalikan mo? Duh, siguradong lunod na rin 'yon sa alak tulad mo at makakalimutan din 'non ang nangyari sa inyo kinabukasan. Kaya sige na, fren. Halik lang naman 'yon." Singhal ni Cherry, at hindi na lamang ako nakasagot.

Tila nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko, at dahil sa dala ng alak wala sa katinuan akong naglakad papalapit sa lalaki. I can feel the eyes of the crowd dahil alam kong pinagtitingin ako dahil hindi ako makapaglakad ng maayos. I can't hear them, and all I can hear is my loud heart beat, at tila nabingi na ako sa tunog na nakapaligid sa akin.

I paused at the moment nang maramdaman ko ang presensya ng lalaki. I'm just inches away from him, and it is too late to back out at tumakbo 'cause the guy is currently fixing his eyes on me. Napasinghap ako when his eyes captured my breath, at napatulala lamang ako sa nangungusap nitong mata.

Mukhang lasing na rin siya katulad ko. Napakagat ako ng labi and I can't help myself but to feel something inside na gustong kumawala, ngunit pinipigilan ko ito alang-alang sa dare ng mga kaibigan ko.

Umikot ang lalaki at tuluyang humarap sa'kin. "Yes?"

Napalunok ako. Sige lang, Meckelian. Lunok lang ng lunok sa kaba. I still can't process na nasa harap na ako ngayon ng lalaking tinitignan ko lang kanina mula sa malayo.

'What a deep baritone voice!' Manghang bulong ko sa sarili at tila mas lalong nagliyab ang nararamdaman ko. Unti-unting bumaba ang tingin ko sa labi nito. It very red, seems soft and fresh, and it's inviting me to kiss the stranger.

Napakagat ako ng labi at pinipigilan ang sarili ko, dahil iniisip ko pa rin ang magiging reaksyon ng lalaking 'to sa gagawin ko.

"It's not like you're going to have sex with someone. It's just a mere kiss. Tsaka ang mga lalaking katulad namin, we're unconscious when it comes to liquor, kaya I'm pretty sure he'll recognize you as a sexy woman because of the alcohol. Kagaya nga ng sinasabi niya, 'You only live once', so I bet you can do it, Meckelian. This is the last thing na id-dare namin sa'yo. Please, kahit ito lang ang gift mo para sa birthday ko." Pakiusap naman ni Alex.

I heard him sighed. "You know what, if you-"

Tuluyan na akong nawala sa katinuan, and the spirit of alcohol is now controlling my body. I threw all my cautions away at mabilis na hinawakan ang magkabilang pisngi ng lalaki and crashed his lips into mine.

...and the next thing I remember is waking up with a stranger in my bed.

><><><><><><

SMOKESTONE | © 2021

One-Night With A Stranger [BxB]Where stories live. Discover now