Kabanata 6

534 39 14
                                    

Danielle

"Leo?" pagtawag ng isa sa kanila.

Malaki ang pangangatawan nito, kalbo, maraming hikaw at tato, tipikal na tambay sa kanto.

Nanigas naman sa kinauupuan niya si Leo.

"Ikaw nga!" sabi naman no'ng isa pa.

Medyo payat naman ang pangangatawan niya, may balbas at bigote, mahaba ang buhok, marami ring tato at hikaw. Ito naman mukhang leader ng rock band.

"Anong kailangan niyo?" Bakas ang pagkairita sa boses ni Leo. Hindi ba sila magkakaibigan?

"Chillax, pareng Leo. Mangangamusta lang naman kami," sabi naman no'ng isa.

Katamtaman naman ang pangangatawan, may isang hikaw sa kanang tenga, at malaking tato sa braso. Ito naman mukhang sundalo na naging adik.

Ang judgemental ko.

Pansin ko rin na magkakamukha ang mga tato nila sa braso. Dragon, kamukha rin no'ng kay Leo.

"Umalis na tayo," sabi ni Leo sa 'kin at hinawakan ang kamay ni Andrei.

"Oh, siya na ba 'yong batang-"
Bago pa matapos no'ng kalbong lalaki ang sasabihin niya ay lumipad na ang kamao ni Leo patungo sa mukha niya.

"Putangina mo, Brandon! Manahimik kang hayop ka!" galit na sigaw ni Leo habang nakahawak sa kwelyo ng dami nito.

"Papalag ka na ngayon, Leo? E, gago ka pala!" sigaw niya rin pabalik kay Leo at akmang susuntok pero hinila ko na palayo si Leo.

"Leo, tama na! Ano ka ba, nandito si Andrei," bulong ko sa kaniya. Napatingin naman siya kay Andrei at tila nahimasmasan.

"Tarantado ka pala e, Leo! Huwag kang masiyadong mayabang kung ayaw mong samain sa amin! Baka nakakalimutan mo kung paano mo kami tinarantado noon," galit na sabi no'ng kalbo.

"Tangina mo pala! Sino bang nagsimula, ha?!" sigaw rin ni Leo. Tila mas lalong nainis 'yong kalbo.

"Gago ka pala, e!" sigaw niya at akmang lalapit kay Leo pero pumagitna na ako.

"Ano ba, tama na nga!"

Natatakot ako, oo. Baka mamaya ako naman 'tong masuntok. Pero feeling strong ako kaya pumagitna pa rin ako.

"Miss, huwag kang make-alam dito kung ayaw mong madamay!" sigaw niya sa 'kin. Tinignan ko siya nang masama.

"Manahimik ka, kalbo! Ikaw 'tong nagsimula ng gulo kaya ikaw ang umalis!" sigaw ko rin.

Sigawan pala ang hanap mo, edi ibibigay ko sa'yo.

Mukhang hindi siya natuwa sa pagsagot ko at akmang lalapit sa 'kin pero pinigilan siya ng dalawa niya pang kasama.

"Tama na, Bradon! Babae 'yan, kalma!" sabi no'ng naka-clean cut.

"Ano naman kung babae 'yan?! Pake-alamera masiyado! Edi pagbigyan natin!" gatong niya pa. Mas lalo nilang hinigpitan ang hawak kay kalbo.

"Brandon, tama na! Umalis na tayo rito," pag-awat din no'ng mukhang leader ng rock band. Kumalas naman sa pagkakahawak nila si kalbo. Akala ko nga aambahan na naman ako.

"Ikaw babae, putangina mo! Kilalanin mo kinakalaban mo. Ikaw naman, Leo, gago ka rin! Hindi pa tayo tapos, tangina mo!" Galit na galit siya pero umalis na rin sila.

Hay, salamat.

Mabuti nalang at pinigilan siya n'ong dalawa niyang kasama dahil kung hindi, baka may kinalagyan ako.

The Incapable ManDonde viven las historias. Descúbrelo ahora