Kabanata 15

481 27 7
                                    

Danielle

Isa lang ang alam ko. Sobrang pula ng mukha ko.

"G-gusto mo rin ako?" hindi makapaniwalang tanong niya. Nakayuko lang ako.

Bakit n'ong nagconfess siya sa 'kin, hindi naman siya nahihiya? Confident pa nga siya, e. Bakit ako, parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.

"Ano ba?! Hindi ka ba magsasalita?" inis niyang tanong.

"Ewan ko, okay?" sagot ko habang nakayuko pa rin.

"Kakasabi mo lang, 'di ba? Gusto mo ako, Danielle! Paanong ewan mo?" Ramdam ko ang frustration sa boses niya. Inangat ko ang tingin ko.

"N-naguguluhan pa ako. Nabigla rin ako sa sarili ko n'ong sinabi ko iyon," pag-amin ko. Nakita kong bumuntong-hininga siya.

"Magdate tayo," sabi niya na ikinabigla ko.

"D-date?" gulat kong tanong. Kumunot ang noo niya.

"Ayaw mo?" inis niyang tanong. Umiling ako.

"G-gusto," mahina kong sabi.

"Pero bakit?" tanong kong muli.

"E gusto kita, tapos, gusto mo rin ako. Siyempre dapat lang na magdate tayo. Dapat nga magboyfriend-girlfriend na tayo ngayon, e," sagot niya. Tinignan ko siya nang masama.

"Hindi naman ganoon 'yon, e!" inis kong sabi. Nagsalubong ang kilay niya.

"E, ano bang gusto mo?" inis niya ring sabi. Napabuntong-hininga ako.

"H-hindi mo man lang ba ako liligawan?" mahina kong tanong.

"Edi, liligawan kita," sabi niya.

"Basta, magde-date tayo sa sabado," dagdag niya.

Natawa na lang ako at tumango. Maya-maya pa ay nag-aya na akong umuwi. Nagpresinta naman siyang ihatid na ako.

"Dapat ba tayong magholding-hands?" tanong niya bigla. Napatingin naman ako sa kaniya.

"E-ewan ko," sagot ko.

Ano ba 'yan. Ang awkward namin parehas.

"Okay," tipid niyang sabi.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Okay lang ba?" tanong niya. Napakagat labi ako bago tumango.

This kinda feel nice.

"Bakit mo ako nagustuhan?" tanong ko para na rin basagin ang katahimikan.

"Hindi ko alam. Kailangan ba, may rason? Gusto kita, e. Anong magagawa ko?" sagot niya.

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Alam ko namang hindi ako 'yong lalaki na pinapangarap mo. Kita mo naman, may anak na 'ko. Hindi ka-gwapuhan, hindi rin mayaman, at wala rin akong diploma na ipapakita sa mga magulang mo. Tipikal na lalaki lang ako. Iyon nga lang, mukhang adik at tambay sa kanto," natatawa niyang sabi.

"Pero kahit naman ganito lang ako, kahit gago at maraming katarantaduhang nagawa, marunong akong magseryoso. Seryoso ako sa 'yo, Danielle," dagdag niya pa.

Napatingin din siya sa 'kin kung kaya't bigla akong nag-iwas ng tingin.

"A-ang seryoso mo naman," sabi ko sabay tawa, pilit na tawa.

Sasagot pa sana siya nang mapansin naming nasa harap na kami ng apartment ko. Humarap ako sa kaniya.

"S-sige, mauna na ko," sabi ko at bumitaw na sa kamay niya.

"Sige. Sa sabado, ha?" paalala niya bago tumalikod.

"Leo," pagtawag kong muli.

Nang humarap siya ay mabilis kong idinampi ang labi ko sa pisngi niya.

"Ingat," sabi ko at nagmamadaling pumasok sa loob.

Pagdating ko sa kuwarto ko ay agad akong humiga sa kama at nagpagulong-gulong.

"Shit, shit, shit, shit," sunod-sunod kong bulong.

M.U na ba kami? Teka, bakit parang ang bilis naman? Kahapon lang siya nagtapat, ha? Bakit naman um-oo agad ako? Marupok ba ako? Gusto ko ba talaga siya? Sandali, ilang linggo pa lang kami magkakilala, ha?

Umiling-iling ako at pilit iwinaksi ang mga tanong sa isip ko.

Sht, biyernes na pala bukas. Saan naman kaya kami magde-date? Ah, bahala na.

Noong gabi rin na 'yon ay iilang oras lang ang tulog ko. Hindi ko siya iniisip, okay? Ano, may insomia lang ako.

Nanlalata ako nang pumasok. Kapansin-pansin din ang itim sa ilalim ng mga mata ko at ang tigyawat sa ilong ko.

"Good morning," bati ni Leo. Napatingin naman ako sa kaniya.

"G-good morning din, Leo," bati ko pabalik.

Nagkatinginan lang kami at nang matauhan ako ay nag-iwas ako ng tingin.

"H-hehe, sige, mauna na ko," sabi ko. Tumango naman siya.

"Sige, ingat," sabi niya bago ako tumalikod.

Sht, ano 'yon? Mukha kaming mga teenager na ewan.

Nagdaan ang sabado at nag dinner nga kami. Sa ilang araw at mga linggo naming magkasama ay mas lalong naging palagay ang loob namin sa isa't isa. Madalas niya akong ihatid sa apartment lulan ang kaniyang motorsiklo. Hinahatiran niya rin ako ng lunch, at kung minsan pa'y dinadalhan ako ng pagkain galing sa convenient store tuwing inaabot ako ng hating gabi sa pagtapos ng trabaho.

Si Leo iyong tipo ng tao na hindi mahirap mahalin o magustuhan. I mean, sa una ay mahirap talaga siyang amuhin. Pero napakabuti ng puso niya.

Kanina ay nakatanggap ako ng text mula kay Leo. Sabi niya ay lalabas raw kami mamaya.

Nag suot lamang ako ng square neck tie back ruffle hem dress na tinernohan ng flats dahil sabi niya'y casual daw. Naglagay rin ako ng kaunting foundation at eyeliner.

Nang matunugan ko ang motorsiklo niya ay agad kong kinuha ang wallet ko at binuksan ang pinto.

"Tara na?" sabi ko. Tumango lang siya at sabay kaming naglakad pababa.

Tae, ang guwapo niya ngayon. Naka t-shirt at pantalon lang siya pero ang bango niyang tignan. Nag-iwas ako ng tingin. Nasa labas na kami nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napatakbo kami papasok pero si Leo, basang-basa na.

"Puchang ulan 'to, panira," bulong niya. Parehas kaming napabuntong-hininga.

"Pasok muna tayo?" Tumango lang siya at muli kaming bumalik sa apartment ko.

Inabutan ko siya ng tuwalya. Napaiwas ako ng tingin nang bigla niyang alisin ang tshirt niya.

"H-haha, parang ang init, 'no?" sabi ko sabay paypay gamit ang kamay ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa 'kin.

"Puwede ba kitang halikan?" tanong niya.

Hindi pa ako nakakasagot ay sinunggaban niya na ako. Napakapit ako sa braso niya at tinugon ang mga halik niya. Naramdaman ko ang pagsandal ng likod ko sa pader kasabay ng pag-angat ko sa ere kung kaya't kumapit ako sa leeg niya.

"Ang bigat mo," bulong niya.

Namula ako at akmang sasagot nang muli niya akong hinalikan. Tuluyan na akong nalunod sa halik niya at hindi ko na napansin na nasa kuwarto na pala kami. Marahan niyang binagsak ang katawan ko sa kama. Umibabaw siya sa 'kin at tinitigan ako sa mata.

"Sigurado ka na ba?" marahan niyang tanong. Ngumiti ako at tumango.

"Sigurado na."

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon