Kabanata 8

445 29 6
                                    

Danielle

Kinabukasan ay um-okay naman na ang pakiramdam ko kaya naman pumasok na ako. Sayang ang kita.

Papasok na ako ng paaralan nang harangin ako ni Leo.

"Hindi makakapasok si Andrei. Bumisita kasi 'yong lola niya, mag b-bonding daw sila."

Iyon lang ang sinabi niya bago bumalik sa guard house. Nagkibit balikat lang ako at dumeretso na papasok ng classroom.

Wala pang isang oras ang nakakalipas nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hassle naman. Wala akong dalang payong. Maganda naman kasi ang panahon kanina kaya hindi ko inaasahang uulan pala.

Nagkibit-balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagtuturo. Maya-maya pa ay pinuntahan ako ni Teacher Mai, papauwiin daw nang maaga ang mga estudyante.

Nang matapos ang klase ay isa-isa nang nagsi-uwian ang mga bata kasama ang mga sundo nila.

Nanatili pa ako sa classroom. Naka-pangalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Madilim na ang langit at hindi pa humuhupa ang ulan, palakas pa nga nang palakas, e. Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa.

Gusto ko nang umuwi.

Naalimpungatan ako nang may kumatok sa bintana na nasa tabi ko. Sinulyapan ko ang relo ko.

Hala, alas-tres y media na pala. Mag ta-talong oras na akong tulog.

Napakislot ako nang may kumatok muli sa bintana. Pag lingon ko ay naroroon si Leo, magkasalubong ang kilay niya.

Tumayo ako at binuksan iyong bintana.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Wala ka pa bang balak umuwi? Ikaw nalang ang nandito. Gusto ko na ring umuwi," inis niyang sabi.

"Hala, mauna ka nang umuwi. Hindi mo naman ako kailangan hintayin," sabi ko sa kaniya. Gusto niya bang sabay kaming umuwi?

"Wala akong ibang choice kung hindi ang hintayin ka. Baka nakakalimutan mong guard ako ng school na 'to. O baka naman gusto mong ikaw na ang magsara ng gate?" sarkastikong sabi niya. Napangiwi ako. Bakit ba ang hilig kong mag assume?

Tumingin ako sa likuran niya. Hindi pa rin tumitila ang ulan. Ano ba naman 'yan? Mukhang maliligo ako sa ulan, ah.

"Ah, naiwan ko kasi 'yong payong ko," sabi ko.

"May payong ka ba diyan? Puwedeng pahiram muna? Hanggang doon lang sa gate, kapag may jeep nang huminto, isasauli ko na sa 'yo," pakiusap ko sa kaniya. Napabuntong-hininga siya.

"Bilisan mo, gusto ko nang umuwi."
Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na.

"Sukob na!" irita niyang sabi. Tumabi naman ako sa kaniya at naki-sukob sa payong niya.

Habang naglalakad kami ay napansin kong sobrang layo niya sa 'kin dahilan para mabasa ang kaliwang balikat niya. Dumikit ako sa kaniya at naramdaman kong napakislot siya.

"Ano ba?! Huwag ka ngang dumikit sa 'kin!" inis niyang sabi at mas lalong lumayo.

"Nababasa ka na, e. Tsaka, wala naman akong virus. Nandidiri ka ba sa 'kin?" naguguluminahan kong tanong. Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Basta! Diyan ka lang, huwag kang didikit masiyado. Ang kulit mo," irita niyang sabi.

Hmp, bahala ka nga. Nahihiya lang naman ako kasi ako na nga 'tong humingi ng pabor, siya pa 'tong naa-aberya.

Nang makarating na kami sa may gate ay naghintay na kami ng jeep. Ngunit magka-kalahating oras na ay wala pa ring nadaan na jeep.

"Tang orange naman, o. Ang tagal ng jeep, gusto ko nang umuwi," bulong niya.

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon