Chapter 10

5.3K 171 25
                                    

NAPA-ANGAT ang tingin ni Akira mula sa computer na nasa harapan niya nang marinig ang pag-ring ng kanyang cell phone. Kinuha niya iyon mula sa kanyang bag at saka sinagot.

"Iona," aniya sa nasa kabilang linya.

"Hi!" bati nito sa kanya. "Busy ka ba?"

Napahinga siya ng malalim at sinulyapan ang screen ng computer niya. Gumagawa siya ng resignation letter niya. Halos buong gabi siyang hindi nakatulog dahil sa pag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin. Sa Lunes ay magiging official na ang partnership ng MDC at Hovert. Nangangahulugan iyon na posibleng araw-araw silang magkita ni Raizen, at parang hindi yata niya iyon kakayanin kaya nabuo ang desisyon niya na mag-resign na lamang.

"No, gumagawa lang ako ng resignation letter ko," tugon niya.

"What? Ano'ng resignation? Magre-resign ka?" gulat na sabi ni Iona. "Is it because of Raizen?"

"Hindi ko yata kaya na makita pa siya at maka-trabaho," aniya na napasandal sa backrest ng swivel chair niya.

"Sa tingin mo tatanggapin 'yan ni Tito Joaquin? Akira, hindi iyan ang solusyon sa problema mo."

"At ano'ng solusyon?" pakli niya. Alam niyang tama ang kaibigan niya, hindi iyon basta tatanggapin ng ama niya at tiyak niyang ikakagalit na naman nito ang gagawin niyang iyon. Pero hindi na iyon mahalaga. Hindi na baleng pag-awayan nila iyon ng kanyang mga magulang, ang mahalaga ay makaiwas siya sa binata. "Ayoko nang pahirapan pa ang sarili ko. I need to get over him, at hindi iyon mangyayari kung palagi ko siyang makikita."

Narinig niya ang paghinga ng malalim ng kausap. "You really love him, don't you?"

Mapait siyang napangiti. "Alam mo 'yan. After ng walanghiyang si Jake, wala na akong ibang minahal kundi si Raizen."

Sa buong buhay niya dalawang lalaki lamang ang minahal niya. Ang una ay ang first boyfriend niya noong college na si Jake. Ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit naging ganoon siya sa pakikipag-relasyon. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanya noon at iyon ang dahilan bakit wala siyang tiwala sa mga lalaki. Sino ba naman ang hindi magtatanda kung ikaw ang maloko, at hindi basta panloloko ang ginawa ni Jake sa kanya. Tatlo-tatlo silang babae na pinagsabay-sabay ng lalaking iyon. At ngayon sa pangalawang pagkakataon ay nagkamali ulit siya sa pagpili ng taong mamahalin.

"Kung kailan ka naging seryoso saka pa iyan nangyari," bakas ang simpatya na sabi ni Iona.

Hindi siya sumagot.

"Pero sabihin mo nga sa akin ang totoo," maya-maya ay sabi ng kaibigan niya. "Totoo ba lahat ng mga nakasulat doon sa sex journal mo?"

Napahinga siya ng malalim. "No."

"Ha?" nagulat na sabi ni Iona. "Eh, ano ang mga pinagsusulat mo doon?"

"Ganoon ba ang tingin mo sa akin?" balik-tanong naman niya.

"You mean, hindi totoo ang laman niyon?"

Napaikot ang mga mata niya. "No, those were just the products of my fantasy. Ang isinulat ko doon ay kung ano'ng gusto kong gawin sa akin ng lover ko. Kasalanan 'yon ni Scarlet, kung anu-ano kasing libro ang pinapabasa niya sa akin. And besides alam mo naman ang trabaho ko dati, 'di ba? At ang mga kasamahan ko noon ay suki na ng one night stand. Na-corrupt ang utak ko, but I never really do that with anyone. Ayoko namang tumulad sa mga ibang kakilala ko. So instead of going to bed kasama ang kung sino-sino'ng lalaki, nagsulat ako no'n."

"Sira talaga ang ulo mo ano? Tingnan mo nga ang nangyari dahil sa kalokohan mo!" sermon nito. "Kung hindi naman pala iyon totoo, then why did you let that man blackmailed you with that?"

Posh Girls Series Book 2: Akira (Complete; Published by PHR)Where stories live. Discover now