👄 Chapter 16 👄

4.8K 56 6
                                    

" SO , she is Kellah? "

" Oo, siya nga. "

Nandito sila ngayon sa park habang pinapanuod ang bata na naglalaro.

" Maureen, salamat ng marami sayo, dahil baka kung hindi sayo, wala na siya sa tabi ko. . . You know, I can't afford to loose her, I promise to my sister, at sa mama ko na hinding hindi ko siya pababayaan. . But today I failed, mas inuuna ko ang trabaho kaysa sa pagbabantay sa kanya. What if, wala ka doon, masasalba ba ng trabaho ko ang buhay niya? Hindi diba?. . "

She gap his hands. " Gavin, don't blame yourself. . Nakikita ko sayo kung gaano kahalaga sayo si Kellah at nauunawaan ko yun. . . You will be a good tito and a father as well  . And I'm thanking God na nandoon ako para iligtas siya. . Kaya wag kana mag alala okay? Safe na siya. "

" Daddy, I want Ice cream. " wika ng bata nang makalapit sa kanila.

Napabaling naman ang atensyon nila rito.

" Okay, baby, bili tayo. " wika ni Gavin saka kinarga ang bata.

Pagkatapos nilang bumili ay umupo silang tatlo sa bench habang kumakain ng ice cream.

" Tita Maureen, visit ka po sa bahay namin this saturday ha? Birthday ko po kasi eh. "

" oww? Malapit na pala birthday mo. Anong gusto mong gift? "

" Mau, baka ma spoiled yang bata ah. Hehe. " sabat ni Gavin.

" hindi naman, diba, Kellah? Hehe.. So ano gusto mo? "

Tumahimik saglit ang bata saka muling nagsalita.  " gusto ko po sana ng isang buong pamilya, yung may daddy at mommy. "  bigla itong nalungkot.

" hey, baby, nandito naman si Daddy, hindi ba? "

" pero kulang po ng mommy, gusto ko din po ng mommy. "

" kellah, what if sa araw ng birthday mo, I will be your mom, para kahit sa espesyal na araw mo ay maranasan mo magkaroon ng buong pamilya. . . Kung ayos lang sayo? "

Napalinga ang binata sa kanya pero hindi niya ito batid dahil ang kanyang buong atensyon ay nasa bata.

" Talaga po?? " halos mapunit ang mga labi ng bata dahil sa sobrang laki ng ngiti.

" Oo naman. . . I want you to be happy in your birthday. "

Kay Gavin naman napalinga ang bata.
" Daddy, is it okay to you? Please daddy, pleaseee. . . .  "

Nakangiting bumaling sa kanya si Gavin bago tumingin sa bata.

" Oo naman, kung ganyan ba naman kaganda ang mag presentar na maging mommy mo, edi oks na oks si Daddy! Hehehe. . . " anito saka biglang kumindat sa kanya.

Natatawa siya sa sinabi nito kung wala lang sana ang bata sa harap nila ay baka nahampas niya na ito.

" Yeeheeeeyyy!!!!! " sigaw ni Kellah sa sobrang tuwa saka sila niyakap pareho.


• • • • • •

NASA may terrace si Maureen sa kanilang bahay, nagpapahangin. Napapangiti siya nang maalala niya ang pamamasyal nila kanina sa park kasama si Gavin at Kellah, lalo nang isipin niyang naging instant mommy pa siya ng bata.

Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni muni ng biglang magsalita ang kanyang papa mula sa kanyang likuran.

" Maureen, may bisita ka. " anito .

Napaharap siya rito. " Sino po, papa? "

And then she saw Billy Akihiro.

" cge maiwan ko na kayo. " wika ng papa niya saka umalis.

Billy walk towards her.

" hey, are you okay? "

" yeah, I'm fine. . Ahm, may kailangan ka ba? "

Lumapit ito ng lumapit sa kanya. He pull her closer at ngayo'y magkadikit na ang kanilang mga katawan.

She can smell the attractive scent of this Man. He hold her chin and lift up her head. They look into each others eye.

" I miss you, Babe. . . I miss you. . "  he press her lips againts his until they have a quick passionate kiss.

" Billy, nandito ang papa ko, baka makita niya tayo at kung ano pa ang masabi niya. "

" so? Edi sabihin natin sa kanya na may relasyon tayo, alam ko namang papayag si Tito Samuel. . . "

" Wala tayong relasyon, were just friends with benefits, remember? "

" Mau, Alam mong gusto kita noon pa kahit nung mga bata pa tayo. Alam mo ba kung gaano kasakit nung malamang i.a-arranged marriage ka sa pinsan ko?! Kahit bata pa ako noon , alam ko na ang masaktan. . Pero ngayong si Madeline pala ang napakasalan ni Ariel, nagkaroon ako ng chance na iparamdam sayo ang pag ibig na matagal kong iningatan. "

Tumalikod siya dito.

" Billy, I don't want to hurt your feelings, pero gusto ko lang magpaka totoo sayo. Alam mo, na hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sayong commitment, diba? "

" hmmm. . . Yeah, alam ko. . But you can't stop me in hoping that someday you will loved me too. . . At willing akong hintayin ang araw na yun. "

She deeply sighed. Naging mabuting tao at naging mabuting kaibigan ito sakanya, pero sana dalangin niya ay maintindihan nito na iisang tao lang ang itinitibok ng puso niya at walang iba kundi si Ariel.

" pasensya kana sa abala, gusto sana kitang makausap kaya lang parang wrong timing ako. Sige, mauna na ako. Good night, Babe. " anito.

Naramdaman niya ang pag alis nito. Pumasok na rin siya sa kanyang silid at doon nagpahenga.














Chairman's Magdalene 👄   ∆ R+18 ∆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon