👄 Chapter 26 👄

3.9K 49 2
                                    

" MASAYANG masaya pala ang kakambal ko ngayon, ah. " wika ni Madeline habang nakatanaw sa litrato na ipinadala sakanya ng kanyang private informant.

" paano mo nasabi? "  tanong naman sakanya ni Chelsie.

Nandito kasi siya ngayon sa bahay ng kaibigan.

" Bongga pala ang love life niya ngayon. . She's very inlove with Gavin Reyes. "

" huh?! Talaga? Paano mo nga nasabi yun? "

" boba! Ofcourse nakita ko silang magkasama! Kakambal ko si Maureen kaya alam na alam ko ang mga tingin niya kay Gavin, at ikinompirma ito nang ini-hire kong Paparazzi na may relasyon nga ang dalawa. "

" really?! Ang bongga naman pala talaga ng love life ni Maureen, ang gwapo kaya ni Gavin, all in na! . . Ey teka, ano naman ang paki mo? Eh diba dapat ikapanatag yan ng loob mo dahil sa wakas wala na siyang pakialam kay Ariel?! . .mag diwang na tayo, friend! "

" boba! Hindi ko hahayaang maging masaya si Maureen habang ako nagtitiis sa malamig na pakikitungo sa akin ni Ariel! "

" ay ang bitter! Ang selfish mo nga naman friend, hayaan mo nalang kaya ang twin sister mo, ang mahalaga hindi niya na inaagaw sayo ang asawa mo! "

" tssee! ! Kahit na! "

" hmmmp! ! So. . Ano na naman yang binabalak mo? "

Naglakad siya patungo sa terrace sabay langhap sa preskong simoy ng hangin.   " Sisiraan ko siya kay Gavin. . .at pag nangyari yun, I'm sure hihiwalayan siya nito & the worst is, kakamuhian siya! Ha ha ha! ! ! " aniya.

" anong gagawin mo? "

" watch & learn, Chelsie, everything's gonna be perfect according to my plan. "  and she grin like a beautiful devil.

• • • • •

NAGTAKA si Ariel nang hindi dumalo si Maureen sa isang mahalagang meeting na idinaos nila kanina. Si Mr. Delgado ang dumalo imbes na ang dalaga.

Nang makasabay niya ang matanda sa elevator ay kinausap niya ito.

" Papa, bakit ikaw po ang dumalo sa meeting kanina? Nasaan po ba si Maureen? "

" I'm sorry not to tell you sooner, hijo, but Maureen already quit her job kaya simula ngayon babalik na ako sa trabaho. "

" b-bakit po? Anong problema? Nasaan ho ba siya baka makumbinsi ko pa siyang bumalik sa trabaho. "

" I think it's too late, hijo. Tuluyan na yatang nalason ang utak niya sa Gavin Reyes na iyon! "

" H-huh? What do you mean, papa? "

" may relasyon sila ng anak ko. . Dahil sa galit ko ay pinalayas ko si Maureen at malamang sa lalaking yun siya pumunta. "

Napakunot noo siya. Parang may kumirot sa puso niya. Napakasakit na malamang may relasyon na nga sila Gavin at Maureen.

Tuluyan niya na ba talaga akong nilimot? Wala na ba talaga siyang natitira kahit konting pagmamahal sa akin? . . Hindi ko naman ginusto ang sitwasyon ko ngayon. .  Tiniis ko ang lahat ng ito, nagtiis ako sa piling ni Madeline, dahil ayokong malagay siya sa panganib. . Kung alam mo lang, Maureen. . Pinopoprotekthan lang kita, pero ano ito? Bumigay kana. .

Nang lumabas na sila ng elevator ay nagpaalam na siya sa kanyang father-in-law at umuwi na ng bahay. Magdamag siyang nagkulong sa kanyang mini-library at nagpakalunod sa alak. Ayaw niya mang umiyak ngunit kusa namang tumutulo ang kanyang mga luha, siguro ay dahil iyon sa sakit na nadarama.

• • • • • •

" HELLO, Billy? "  sagot ni Maureen sa telepono habang naghahanda siya ng panligo ni Kellah.

Chairman's Magdalene 👄   ∆ R+18 ∆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon