Chapter 1

720 25 42
                                    


"Sometimes, all we need is a space. A space to give each other some time. A space to think over again, to remember what our purpose is, to reevaluate ourselves and to heal."

Ipikit-imulat ni Spring ang mga mata habang nakatitig sa librong hawak.

"Oo nga ano? Tama 'yung character sa book na 'to," sabi niya sa sarili.

"Sometimes we need to realize everything. Maybe all we needed to realize what being a warrior was and what it wasn't. And maybe we still needed to grow alone. To discover that everything was never random. Nothing were happened accidentally..."

Napatango-tango pa siya habang patuloy na binabasa nang tahimik ang mga nakasulat sa librong binili.

"Hoy! Spring Mendoza!" sigaw ng isang babaeng mula sa labas ng kuwarto niya. Wala tuloy sa loob na napatayo siya at ibinato sa direksyon ng pinto ang nahagip ng mga kamay na mineral water na hindi pa nabubuksan kung kaya puno pa iyon.

"Aray!"

Pumasok na sa kuwarto niya ang babaeng sumisigaw habang hawak ang brasong marahil ay tinamaan ng ibinato niyang mineral water.

"Ano ba kasing problema mo?" singhal rin niya dito saka muling umupo sa kanyang kama. "Bakit ka sumisigaw? At talagang buong pangalan ko pa ang tinawag mo, ah?"

"Eh, kasi naman, girl, kanina pa 'ko katok nang katok sa labas," nakairap na sabi nito bago kusang umupo na sa may paanan niya sa sa kama, "tapos nandito ka lang pala sa kuwarto mo. Bukas naman ang pinto, hindi mo ba ako naririnig?"

"Hindi," simpleng sagot niya saka itinuloy ang ginagawang pagbabasa.

"Sandali nga—," pilit nitong inaabot ang librong hawak niya na hindi naman nito maabot dahil mabilis niyang naitago sa kanyang likuran. "Bagong book yan 'no?," naninigurong tanong nito.

"Oo. Book 9. Ssica, The Pathfinder ni Ms. Spring Mendez," dire-diretsong sabi niya habang nagniningning pa ang mga mata. "Ang ganda ng story kaya siguro hindi kita narinig. Ibang klase ang kuwento, nakakai—"

"Nakakaiyak kaya namumula 'yang mata mo," nakairap na sabi nito.

"Halata ba?," sabi niyang sumisinghot- singhot pa.

"Halatang-halata Ms. Spring Mendoza," inismiran pa siya nito na ikinangiti na lang niya.

Hindi naman niya masisisi ang kaibigan kung mainis sa kanya pero alam rin naman niyang naiintindihan nitong mas mahal niya ang mga librong nasa loob ng kuwarto niya kaysa sa mga bagay na maaaring makita sa labas ng silid na iyon kaya madalas ay wala talaga siyang pakialam sa nasa labas niyon na malimit ay napapabilang ito.

"Ano ba kasi 'yon?" malambing niyang tanong para mabawasan ang hinampo nito sa kanya.

Magkasalubong pa rin ang mga kilay na inabot nito sa kanya ang isang sobre.

"Ano 'to?" maang niyang tanong.

"Eh, di buksan mo" saad nito sa naiinis na tono bago siya tinalikuran at lumabas sa kuwarto niya nang walang lingon-likod pa.

Ano'ng problema ng babaeng 'yon?

Naiiling na tinitigan niyang mabuti ang inabot nitong pink envelop bago nagtatakang binuksan iyon. May nakita siya roong puting card.

Isang invitation card iyon.

Napangiti siya.

Iiling-iling na napasulyap siya sa pintong nilabasan ng kaibigan. Kaya pala galit na galit ito sa kanya ay dahil ito ang birthday celebrant sa buwang iyon. Taliwas sa buwan ang pangalan nito pero ayos lang iyon sa kanya dahil palagi rin namang 'summer' ang mood ng kaibigan niyang iyon. Sa naisip ay lalo lang siyang napangiti.

Isla Encantacia Series Book 1 PRIMAVERA- The Missing HopeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz