Chapter 18

257 14 0
                                    


"M-MATTIAS," nag-aalangang tawag ni Spring rito. Hindi siya tiyak subalit maaari ring tama siya. Kamukhang-kamukha nito ang magiting na lalaking tinawag ni Alejandro na ama.

Umungol ito na tila ba narinig siya.

Pinagmasdan niya itong mabuti. Tila ba nagkaroon ito ng mga linya sa mukha, tanda ng mga taong nagdaan. Ngunit hindi naman gayon ang anyo nito nang makita niya kanina lang sa bulwagan. At bakit ganoon ang ayos niyon? Bagaman nakasuot ng damit pandigma, may bakas naman iyon ng dugo. Mayroon din itong mga galos at sugat sa mga katawan. At bakit ito naroon at nakakulong?

Minsan pa ay inilibot niya ang tingin sa kanyang paligid. Hindi lang sa loob ng maliit na kulungan kundi maging sa labas niyon. Marami pang katabing selda roon ngunit walang mga laman. Madilim sa paligid. Ang tanging nagbibigay liwanag roon ay ang ilang mga sulo na nakasabit sa bawat kanto ng mga selda. Mula roon ay may napansin rin siyang makitid na hagdan paakyat. Marahil ay nasa basement sila. Nakikita rin niya ang palakad-lakad na mga kawal. Mga kawal na may pulang mga mata. Mga bampira.

Nahintakutang bumalik siya sa tabi ni Mattias nang mapatingin sa direksyon nila ang isa sa mga kawal na nagroronda. Alam naman niyang hindi siya nakikita nito subalit mas mabuti na ang mag-ingat. Iyon na ang naging motto niya simula nang dumating siya sa isla. Isa pa hindi niya alam kung nasaan siya at ang mga kasama.

Dahil sa pagmamadaling bumalik sa tabi ni Mattias ay hindi sinasadyang nadaiti ang kanyang palad sa braso nito. Hindi niya inaasahan ang kinalabasan ng simpleng pagkakadikit ng kanilangbalat kung kaya napatitig na siya sa ginoo habang nakaawang ang mga labi.

Hanggang sa hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha.

Nakita niya ang nakaraan sa isipan nito sa simpleng pagkakadikit nila. Nakita niya ang pagbasbas sa kanya ng lahat ng mga natatanging nilalang sa isla bilang regalo sa kanya. Ang nakita niyang batang babae sa pasilyo at sa bulwagan ay si Cornelia. Ang ama nitong si Arman, si Mattias may labing- walong taon na ang nakalilipas, kasama si Alejandro at ang Haring Alexandrio at Reyna Crisanta— ang kanyang mga magulang. Ilang linggo matapos ang pagtitipon na iyon ay ang giyera na pinasimulan ni Maora, isang manggagaway na naging bampira at karelasyon ng bampirang si Saulo na napatay niya sa kampo may kulang dalawang linggo na ang nagdaan.

Nakita niya mula sa isip ni Mattias ang pag-iyak ng kanyang mga magulang. Ang hindi matatawarang pagmamahal ng mga iyon sa kanya nang ipagkatiwala siya kay Mattias at sa anak nitong si Alejandro— ang kanyang kuya Andro— para itakas at tiyaking ligtas. Naiwan ang mga magulang niya sa kahariang halos gumuho na. Sa kahariang halos tupukin na ng nagngangalit na apoy na nagmumula sa kamay ni Maora na nakalutang sa ere sa pagkagilalas ng lahat.

Nakita niya ang pagtiim-bagang ni Alejandro at ang pagngangalit ng mga panga ni Mattias nang makita ang pagbagsak ng kanyang ina sa umaapoy na ring sahig dahil sa palasong tumama sa kaliwang dibdib nito. Sapul sa puso. Sinunog naman ng apoy ang katawan ng kanyang ama na narinig niya ang paghiyaw sa sakit ngunit pilit lumalaban kay Maora.

Napaiyak siya sa mga natuklasan. Subalit hindi pa rin siya lumayo sa lalaki. Gusto niyang makita nag lahat ng dapat makita. Iyon lang ang tanging paraan para malaman niya ang katotohanan sa kanyang pagkatao.

Pigil-hiningang pinanuod niya ang mga sunod na kaganapan pagkatapos niyon. Ang pagtakas nila kasama ang mga sirena. Ang pagpaplano nito para iligtas siya kapalit ng pamilya nito. Ang pakikipagharap nito sa manggagaway na si Riyana at ang pagtatagumpay nito sa labang iyon kasabay ng pagluluksa sa inaakalang pagkamatay ng anak kasama ang sanggol na napulot lang ng mga ito habang tumatakas.

Isla Encantacia Series Book 1 PRIMAVERA- The Missing HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon