23 JUL, 1:03 AM
Light:
Sorry late reply
As in sobrang late na reply
Kanina 'di na kita nasagot kasi kinaladkad na ako ni Lolo para samahan siyang magsimba
Baka isipin mo kung bakit ala una na ako nakamessage ulit sayo
Nag-aral ako kanina pag-uwi namin hehe sorry 😔
Nilayo ko cellphone ko para maka-concentrate
Pinapahirapan na kami ng prof namin kahit first sem pa lang, eh. Ikaw? Musta na accounting mo?
Okay, for sure tulog ka na
Nga pala 'yung sa tanong mo sakin kanina, I refuse to answer. Secret lang muna. Malalaman mo din iyon someday
Sorry not sorry haha
Goodnight, Ali 😴
Seen 5:47 AM
23 JUL, 5:19 PM
Light:
Ali
Galit ata 'yung tadhana sakin. Ayaw niyang makipag-cooperate 💔
Magiging busy siguro ako this week. Ang dami nilang pinapagawa sa mga freshmen 😔
OOPPSIE CARELESS MISTAKE
Pero diba may clue ka na sa pagkatao ko haha. I'm a freshman just as you are.
Sige, advance goodnight
Seen 5:31 PM
25 JUL, 11:11 PM
Light:
Musta ka na?
Nag-online lang ako para magwish kasi 11:11
Here's my wish. Hindi mo na 'to mababasa kasi ireremove ko agad
Light removed a message.
Kapag nabasa mo iyon for sure kilala mo na kung sino ako HAHAHAHA
Goodnight, Ali 😴
26 JUL, 4:28 PM
Light:
Biyernes na bukas
Pwede na ulit kitang maka-chat bukas ng gabi
Free rin ako this weekend
Ewan ko kung bakit ko 'to sinasabi sayo kahit nagdadalawang-isip na ako kung gusto mo pa ba akong makausap dahil lagi mo akong sine-seenzone 😔
Still won't give up tho
Giving up isn't in a positive thinker's dictionary
ESTÁS LEYENDO
WHO U
RomanceGuess it's time to say goodbye to Ali Trinidad's boring life when a persistent dummy Facebook account starts spamming her with messages. Eager to find out the identity of the one who's been pestering her, she started investigating and that's where t...