35

5.4K 154 77
                                    

20 AUG, 6:21 PM

Light:

Hi

Sorry, hindi na ulit ako naka-chat sayo kahapon. Nag-review ako, eh. Kaninang umaga hindi rin ako nakapagmessage dahil na-late akong gumising. Haha, muntik na 'kong maging absent sa first subject namin

Ali:

Sml

Light:

So much love?

Ali:

Share mo lang** ulul

Light:

Ayy.

False alarm

Akala ko pa naman 'yun na 'yun 😔

Ali:

Bakit ba kasi kwento ka ng kwento tungkol sa ginagawa mo sa buhay eh hindi naman kita tinatanong?

As in, trip mo lang talagang gawin akong diary?

Light:

HAHAHAHAHAHA GRABE KA

Siguro next time bago ako magkwento lalagyan ko muna ng Dear Alexandrine tapos meron pang sincerely yours sa dulo

Ali:

Don't even bother

And please lang, you can call me Ali every single time you want pero wag 'yung Alexandrine!

Light:

Haha seryoso ka ba?

Ano namang mali sa buong pangalan mo? Ang ganda kaya. Idol ko nga mga magulang mo dahil ang ganda ng pinangalan sayo eh

Alexandrine Reign T. *insert my surname*

Hala siya, bagay na bagay 😍

Ali:

Kailan ka kaya titigil sa kakornihan mo?

Actually wala naman talaga akong problema sa pangalan ko. Ang haba lang talaga tapos hindi ko trip 'yung Drine sa dulo. Kung Alexandria na lang siguro ayos pa

Light:

HOY, HINDI KAYA

Frankly speaking, mas maganda talaga 'yung Alexandrine tapos ang unique pa. Ikaw lang ang kilala ko sa mundo na may ganiyang pangalan

Ali:

Won't change my mind

Light:

I will change your mind 😉

Ali:

Haha not gonna let you 😜

WHO UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon