How to get her?

25 0 0
                                    

Pagkalabas na pagkalabas ko sa banyo bigla akong binangga ni Justine saka binagsak ang pintuan ng banyo. Anong problema niya?

Hindi ko na lamang siya pinansin dahil late na ako sa usapan namin ni KC. Yeah you read it right. I'm having a meeting with KC, my brother's ex girlfriend.

Kailangan kong bilisan dahil ayaw ko siyang paghintayin, alam ko kasi feeling ng naghihintay ng sobrang tagal.

Call me a scumbag but when I heard that my brother and KC broke up, sumaya ako. I've been waiting for this day to come, matagal akong naghintay na maghiwalay sila dahil noong ipakilala saakin ni Justine si KC noong magkaibigan sila na fall na agad ako sa kanya. Iba kasi siya eh. Simula 'nun I added her as a friend in my Facebook account, we always chatted and became friends easily because she is very fun to talk to.

Pero nung malaman kong sila na ng kapatid ko, I stopped chatting her because I know how to respect their relationship.

Pero...

Kapag nag-aaway sila ng kapatid ko, lagi akong nandyan para sa kanya. I became her crying shoulder. Saksi ako sa lahat ng katarantaduhan ng kapatid ko sa kanya, I don't know pero simula ng malaman kong ganun siya tratuhin ng kapatid ko, mas lalo ko siyang minahal and said to myself that.

I will take care of her no matter what even if it hurts me. Alam nyo ba yung feeling na sobrang sarap niyang alagaan? Yung feeling na ayaw mo siyang saktan kasi sobra sobra na yung sakit na naramdaman niya? Nung una akala ko naawa lang ako sa kanya kasi kung tratuhin siya ng kapatid ko ay parang hindi niya siya girlfriend pero hindi eh, minahal ko siya. Alam ko sa sarili ko noon na mali kasi girlfriend siya ng kapatid ko pero kahit na sobrang complicated na nung status nila hindi ko binalak na agawin siya sa kapatid ko.

Pero kapag nakikita ko siyang umiiyak ng sobra dahil sa kapatid ko parang gusto ko siyang kumbinsihing hiwalayan na ang kapatid ko kasi ako mismo nasasaktan kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Ginagago na lang kasi siya ng kapatid ko, saksi rin ako kung paano pagtripan ng kapatid ko si KC.

These past few days bago sila maghiwalay ng kapatid ko, nagbago siya. Hindi na siya yung dating KC na nakilala ko kasi nag-iba na siya at kasalanan iyon lahat ng kapatid ko.

KC lost her smile that time wala na yung dating hyper at makulit na babaeng nakilala ko, naging seryoso ito sa buhay, yung childishness niya nawala as in kapag makikita mo talaga siya para siyang bangkay sa sobrang payat at sobrang tamlay para siyang lantang gulay. Nawalan na rin siya ng tiwala sa sarili simula nung bumagsak siya sa pinapangarap niyang kurso sa kolehiyo nagalit sa kanya ang mga magulang niya kasi hindi niya napagbigyan ang mga expectations nila, her confidence level dropped because of her looks kasi napapabayaan na niya yung sarili niya dahil sa mga problema niyang nagpatong-patong.

Nandoon ako at sinamahan siya kahit na sobrang down na down na siya, I tried to cheer her up and tried to help her fix her problem kasi I wanted to see her beautiful smile. Makita ko lang siyang ngumingiti na ulit masaya na ako.

We talked about her relationship with my brother, oo sabihin nyo nang gago ako pero ako ang nag tulak sa kanya na hiwalayan na ang kapatid ko para mabigyan niya ako ng chance selfish but I think that's the best way because I can't stand seeing her being hurt and sad all the time. Dahil sa mga problems niya nangangayayat na siya at bibihira na lang kumain dahil wala siyang gana.

KC suffered so much while being with my brother and If she will be my woman I will never do the things that my brother did to her.

Pagkatapos kong magbihis agad kong kinatok ang pintuan ng cr dahil nakalimutan ko ang phone ko sa banyo.

Pagbukas ng pintuan ng banyo nakita ko ang masamang titig saakin ng kapatid ko habang inabot saakin ang phone ko. I think he already found out. Siguro narinig niya ang boses ni KC kaninang naka loud speaker ito.

How To Lose A Girl? Where stories live. Discover now